^Chapter^ 13: Pregnant?

186 12 2
                                    





[Allysandra]




Nakakainis na talaga si kuya Dash. Ayaw akong palabasin ng bahay ng walang kasamang bodyguard pati si Daddy at Mommy ganun din. Arghhh ano ba kasing nangyayari at ganito na lang kong pabantayan ako?

Gusto kong kumain ng strawberry ice cream eh! Pano ko kaya tatakasan ang mga 'mokong' na'to. Tukoy ko sa mga bodyguard na inilaan nila para sa akin. Hmmm. I think alam ko na kong paano sila matatakasan. Tumikhim ako ng malakas para makuha ang atensyon nila.

"Kuya pogi? Tawag ko sa kanila.

"bakit po Ma'am? Tanong nong isa. Ewan hindi ko matandaan ang mga pangalan nila hihi!

"kuya, pwede nyo po bang kunin yong favorite stuff toy ko sa kwarto?

"sige po ma'am. Sandali lang po."

Habang inutusan ko yong isang BG sa kwarto ko, tinawag ko din ang isa pang kasamahan niya. Bale dalawa silang nagbabantay sa akin.

"kuya, pwede mo po ba akong ikuha ng tubig. Tinatamad lang po akong tumayo. Please!" pagpapacute ko na agad din naman tumalab sa kanya. Pagkatalikod nito ay agad akong kumaripas ng takbo palabas. Sakto dahil paglabas ko ay may taxi na dumaan at agad kong pinara. Nagpahatid ako sa mall.




Dumiretso ako sa mga food section. Natakam ako sa apple, mangga,pinya,at kamatis nawala na yong pagke-crave ko kanina sa strawberry ice cream. Dumampot ako ng tig-iisa at agad kinagatan ang mga ito. Tsk, para akong bata sa ginagawa ko pero hindi ko mapigilan e. Ang sarap!

"hindi kaya sumakit ang tiyan nya?

"Ewww, it so kadiri!

"Grabe, ang takaw naman ng babaeng to hindi na nahiya at kong umasta parang bata"

Ilan lang yan sa mga narinig ko sa mga taong nasa paligid ko, napaka-judgemental talaga hmmp. Pero wala akong pakialam basta ako sarap na sarap sa kinakain ko. Mamaya ko na lang babayaran. Itatabi ko na lang yong bar code hihi!

Napatigil ako sa pagkagat sa kamatis ng may lalaking tumapik sa balikat ko at tumayo sa harapan ko. Pagtingala ko, si Sir Ash lang pala.

"hello Sir ash, gusto nyo? Alok ko sa kanya ng kamatis na hawak ko.

"no thanks! Your wierd. Kong hindi ko lang alam na dalaga ka iisipin kong buntis ka. Although alam kong may boyfriend ka. Unless "ginawa" nyo na ang bagay na 'yon?

Napatanga ako sa sinabi ni Sir. Omeghed! Hindi pwede! Waaah! Lagot na! Napansin siguro nya na natahimik ako kaya nagsalita ulit ito.

"Sagutin mo nga ako Ally. May nangyari na ba sa inyo ni Zayne? Seryoso niyang tanong sa akin. Hindi ko tuloy alam kong sasabihin ko sa kanya na meron na nga. Nakakahiya kaya yon! Argghh, naman e! Pero no choice ako kundi ang umamin kahit nakakahiya sa kanya. Ito siguro ang dahilan kong bakit lagi akong nagke-crave sa mga pagkaing hindi ko naman kinakain dati. Tumango ako bilang sagot sa tanong ni Sir Ash.

Sandali itong natigilan at biglang namula at sumama ang mukha. Nakita ko rin ang bahagyang pagkuyom ng kamao niya. Hala, bat mukhang galit si Sir Ash. Maya-maya pa'y ngumiti ito bigla.

"Gusto mong malaman kong talagang buntis ka Ally? Tanong pa nito. Syempre gusto ko para malaman ko kung ano mga dapat at hindi dapat gawin at kainin. Kaya naman sumama ako sa kanya kahit parang sinasabi ng instinct ko na h'wag akong sumama sa kanya.

Sumunod ako sa kanya kong saan nakapark daw ang sasakyan niya. Pagkarating namin sa parking area at nilapitan ang sasakyan na kulay "Pink". Natawa ako ng makita ang kulay ng sasakyan nya. What the f*ck? Gusto kong tumawa ng malakas. Hahaha! Kasi naman favorite color ko ang pink. Tapos nagkataon pa yon ang kulay ng sasakyan nya. At ngayon ko lang rin napagtuunan ng pansin na halos lahat na gusto kong kulay ay sya ring kulay ng mga damit ni Sir Ash sa tuwing papasok sya ng school. At hindi lang yon pati mga favorite konh stuff toys ay meron din sya!

Ang werdo talaga o baka naman nagkataon lang na pareho kami ng paboritong kulay at gustong stuff toys!









Nasa byahe na kami ng mapansin kong ibang way ang dinadaanan namin. Bigla akong kinabahan kaya naman nagtanong na ako.

"S-sir Ash hindi naman ito ang daan papuntang hospital ah."




"dahil hindi tayo pupunta ng hospital." tila galit na sagot nito.





Doon na ako kinabahan. Shit hindi pwede to. Kailangan ko ng makabalik ng bahay. Siguradong nakauwi na sila Mom and Dad. Huminga ako ng malalim bago nagsalitang muli.

"Kong ganoon po pala, pwedeng pakibaba na lang po ako at mag ta-taxi na lang ako pauwi."





"No!


Napaigtad ako sa kinauupuan ko dahil sa pag sigaw nito. Lord help me po! Pramis po hindi na ako tatakas. Pagsinabi nila Mom na sa bahay lang ako susundin ko po basta iligtas nyo lang po ako. Piping dasal ko dahil alam kong may hindi magandang mangyayari!



Kinapa ko ang lock ng pintuan ng sasakyan at sinubukan buksan iyon!



"kahit mabuksan mo yan hindi ka pa rin makakatakas sa akin! At para sigurado na rin kailangan kong gawin 'to". May inilabas itong panyo at agad itinakip sa ilong ko. Nakaramdam ako ng pagkahilo. Oh my gee, pampatulog! Bago ako tuluyang makatulog ay narinig ko pa ang mala-demonyong pagtawa nito!


















[Ash]




Akin ka lang Ally. Ako ang naunang nakakita sayo kaya dapat ako lang ang mahalin mo. Hindi ang g*g*ng Zayne na yon! Ginawa ko ang lahat para mapansin mo. Kahit na pagsusuot ng mga paborito mong kulay ng T-shirt sinuot ko, kinulayan ko ng pink ang sasakyan ko dahil alam kong iyon ang pinaka-paborito mong kulay. Binili ko ang lahat ng stuff toys na gusto mo. Pero wala pa rin! Kaya sa ayaw at sa gusto mo, sa akin ka na habang buhay. Magkamatayan na bago ka pa maagaw ulit ng Zayne na yon!







Napakaganda mo talaga mahal ko. Ang bango-bango mo pa.



Tila baliw si Ash na sinisinghot at hinahaplos ang buhok ni Ally habang mahimbing ang tulog nito sa kama niya.







"Dito ka lang nababagay mahal ko. Ikaw ang magiging Reyna ng tahanang ito". Bulong niya sa natutulog na si Ally.



















***Unedited***


Otap N: yey nakapag UD din ako dito haha! Happy 1k reads sa "Ikaw at Ako" maraming salamat sa nagbasa nito kahit hindi kagandahan. Tenk yo sa pagtitiyaga. ^_^

2 or 3 chapters to go!

"Ikaw At Ako Forever" [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon