^Chapter^ 10: Ang Katotohanan

225 15 0
                                    

DashTin Li


Hindi ako makapaniwalang siya ang nawawala kong kapatid. Hindi ko maiwasang alalahanin ang pinag-usapan namin ni Daddy.








Habang nasa klase ako, ay bigla na lang nag ring ang cellphone ko, ng tingnan ko kong sino ang caller ay agad ko itong sinagot.

"Hello Dad, napatawag po kayo?

"A-anak, pwede ba tayong magkita sa isang coffee shop na malapit dyan sa school mo mamaya?



"Yes, dad I'll see you later. Bye po".



Pagkatapos ng klase ko ay agad akong nagmadali papuntang coffee shop.



Nadatnan ko si Daddy na medyo nanginginig at namumula ang mata na halatang nanggaling sa pag-iyak.






"What happened Dad? Is there anything wrong?



Hindi sumagot si Daddy, bagkus ay iniabot sa akin ang isang brown envelope. Nagtataka man ay binuksan ko pa rin ito at inilabas ang mga laman. Nang makita ko kong ano ang mga iyon, ay maging ako ay naiyak na rin. Napakasaya ko. Nakalipas man ang labing limang taon na hindi namin sya nakasama at inakala naming patay na, at ngayon ay buhay pala. Sino ang hindi magiging masaya diba?.

Sobrang saya ko. At dahil sa sayang nararamdaman ko hindi ko mapigilang umiyak.

Tae! Alam kong nakakabakla para sa isang lalaki ang umiyak pero hindi ko mapigilan.

Masayang masaya ako. Kaya hindi ako naniniwala noon na  patay na ang kapatid ko. Malakas ang paniniwala kong buhay sya. At ngayon totoo nga. 

Salamat at mismong tadhana na ang gumawa ng paraan para makilala ko sya.


Kaya pala magaan ang loob ko kay Ally. Kaya pala nagseselos ako kay Arch. Yong selos bilang kapatid. Pinangako ko kasi sa kapatid ko noon na pasasayahin ko sya palagi. At gusto ko ako lang ang magpapasaya sa kanya.

At ngayon titiyakin kong magagawa ko nga ang pangako ko sayo Princess.








Allysandra


Ano kayang problema ng basurahan na to. Yayayain akong kumain tapos hindi naman nya nagagalaw yong in-order nya na pagkain.  Hmmm mapagtripan nga. Ang lalim ng iniisip habang nakatingin sa akin. Tumikhim ako ng malakas para makuha ko ang atensyon nya sabay sabi ng:





"Hoy Trashbin bat ganyan ka makatingin sa akin? OMG! Don't tell me naiinlove ka na sakin. It's a big NO! Wala kang pag-asa sa akin. Si  baby Zayne lang ang mahal ko at mamahalin habang buhay at hindi mo ko maaagaw sa kanya".

Napanganga sya sa sinabi ko. Sabay kurap ng mga mata nya. Haha, epic yong hitsura nya. Sayang hindi ko nakuhanan ng picture.

"Tsss. Umayos ka nga Ally, hindi magandang biro yan."


Nakasimangot na sabi niya.


"Hmmmp. Ito naman hindi na mabiro. Sagot ko.

"Tsk. Ubusin mo na yang pagkain mo at pagkatapos mamasyal tayo. Libre ko."

"Waahh! Anong  nakain mo? At ililibre mo ko?

"Ang daldal mo".

"Oo na po, ito na nga oh bibilisan na". Sabay sinunod-sunod ko ang pagsubo ng pagkain ko. Baka mamaya biglang magbago ang isip nya. Sayang din yon. Hihi :-).

Yown! Tapos na ako.

"Tara na. Ilibre mo na ako. Sabay hila sa kanya.




I love shopping! Madalas nga lang window shopping, wala akong pera eh. =__=.

Habang nasa mall kami napansin kong tahimik lang si Dash. Napakaseryoso nya tuloy tingnan kapag ganyan sya.


Kinalabit ko sya.

"May problema ka ba Dash? Tanong ko sa kanya. Mukha kasing kailangan nya ng makakausap.

"Ah-ah wala naman ah.

K payn, hindi din sya mahilig sa 'ah' ha.

"Kong wala e bat parang tulala ka palagi? Ilang araw ko ng napapansin sayo yan. Tapos ito pa ang nakakagulat, niyaya mo akong kumain sa labas for the first time at ipinag shopping pa! Yong totoo, Basurahan anong nangyayari sayo hah? Umamin ka? Nakabuntis ka ba, o nagda-drugs? Pangungulit ko sa kanya.








"huwag mo nga akong tawagin na "Basurahan" wala kang galang sa k-ku-hmmmm.." kusa siyang napatigil sa pagsasalita. Hindi ko tuloy naintindihan yong huli nyang sinabi. Ano ba yon? Ang labo nya!




Ano yong huling sinabi mo Dash? Tanong ko ulit sa kanya.

"wala! Tara na nga sa counter at ng mabayaran na natin yang mga kinuha mo. At pagkatapos manuod tayo ng sine. Hmmm. Ano nga pala ang gusto mong panuorin princess,?





"waahh Dash, tinawag mo akong Princess? OMG! Ngayon sigurado na akong may kakaibang nangyayari syo!. Sabihin mo na." pangungulit ko ulit sa kanya.











"anong mali sa pagtawag ko sayo na Princess, kapatid naman kita? Tsaka yon naman talaga ang tawag ko sayo nong bata ka pa. " diretsong sabi nya sa akin.




Ako naman napanganga na lang sa sinabi nya. Nabingi lang siguro ako. Oo tama! Mali lang yong narinig ko.



Hinila ako palapit ni Dash at niyakap ng mahigpit. "Tama ang narinig mo Princess. Hindi ako nagbibiro. Alam mo bang matagal ka naming hinanap. Akala namin patay ka na. Iyak ng iyak sa mommy noon. Muntik pang atakihin sa puso si mommy, buti na lang andyan palagi si Dad sa tabi nya at hindi sumusuko."





"Mahal na mahal ka namin Princess".








*******






"Papaanong nawala ako sa inyo? Halos hindi humihingang tanong ko sa kanya. Nahihirapan akong i-proseso sa isip ko ang mga nalaman ko ngayon. Pero sa kabila ng lahat ng nalaman ko, nakaramdam ako ng kapayapaan sa puso ko. Siguro ito yong dahilan nong bata pa ako, kong bakit palipat lipat kami ng tirahan ni Mama.







Hinigpitan lalo ni Dash ang pagyakap sa akin. Halos hindi na ako makahinga sa higpit ng yakap nya. "Halika Princess sumama ka sa akin sa mansyon, ikukwento ko sayo lahat ng kaharap sila Mommy at Daddy. Sigurado ako matutuwa si Mommy kapag nalaman nya na buhay ka. At pwede bang mag request ako sayo? Tawagin mo akong kuya, please hmmm." Tumango ako sa kanya.











"K-kuya. Nakangiti ng tawag ko sa kanya. Tara na, gusto ko na silang makita at mayakap ng mahigpit."







"hindi ka ba galit sa amin Princess? Tanong nya.





"Hindi kuya. Para sa akin wala namang mangyayari kong paiiralin ko ang galit diba? Mai-stress lang ang kagandahan ko." pagbibiro ko pa. Kinurot nya lang ang pisngi ko. Ako naman hinila sya. Excited na ako eh.






#TBH

Otap N: Malapit na syang matapos haha. Siguro nagtataka kayo kong bakit wala masyadong kontrabida sa kwento, dahil ayoko ko! Kong meron man very very light lang. "Mas gusto ko kasing kalaban nila yong mga sarili nila. Kong paano nila tatanggapin yong mga darating na hamon sa buhay nila. At kong paano magtiwala sa isat isa".

Ayon lang. :-) salamat sa mga nagbasa at magbabasa pa lang. Love lots <3 <3 <3.

# U n e d i t e d !

&quot;Ikaw At Ako Forever&quot; [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon