^Chapter^ 12: Kidnap?

174 16 2
                                    


Allysandra

Nagmamadali akong lumabas ng classroom pagkatapos ng klase. May usapan kami ni baby labs ko, magpapalibre ako ng ice cream hihi! Habang naglalakad palabas ng gate ay pasimple kong kinuha ang cellphone na regalo ni kuya Dash at tinext sya. Sinabi kong h'wag na akong sunduin dahil may date kami ni zayne.

Dumiretso ako sa parking lot ng school, doon ko na lang sya hihintayin. Sumandal ako sa sasakyang pag mamay-ari nito. Maya-maya lang ay napatingin ako sa tatlong lalaking palapit sa direksyon ko. Kinabahan na ako. Something's wrong here!

"Miss sumama ka sa amin ng matiwasay kong ayaw mong masaktanang sabi nong isang lalaki na pinakamatangkad sa tatlo.

"ayoko! Bakit naman ako sasama sa inyo? Hindi ko kayo kilala. Umalis na kayo rito kong hindi sisigaw ako." Banta ko sa kanila. Parang balewala lang ang sinabi ko dahil patuloy pa rin sila sa paglapit sa akin. Kaya bago pa nila ako mahawakan ay tumakbo na ako. Ramdam kong sinusundan nila ako. Lord help me po. Piping dasal ko habang patuloy pa rin sa pag takbo. Unti-unti na akong nakaramdam ng pagod. Panandalian akong lumingon upang tingnan kong nakasunod pa rin sila sa akin. Napa-sign of the cross ako ng makita kong wala ng sumusunod sa akin. Akala ko lang pala 'yon.




Naramdaman kong may nagtakip ng panyo sa ilong ko at tuluyan nang namanhid ang katawan ko.

"Tsk, pinagod mo pa kami. Akala mo siguro matatakasan mo kami 🙅 no? P'wes nagkakamali kaNarinig kong sabi ng isa sa kanila bago ako tuluyang nawalan ng malay.

❤❤❤❤❤



Zayne/Baby Labs❤

Kinakabahan ako sa maaring maging reaksyon nito kapag nalaman nyang ako ang nagpadukot sa kanya. Pero kailangan ko 'tong gawin alang-alang sa kaligtasan nito. Kailangan ko ng  matinding paliwanagan. Tsss! Naman! Kong bakit naman kasi ako pa ang naatasan magbantay sa kanya. Pero okay lang dahil mahal na mahal ko naman sya. At hindi sa ayaw ko syang bantayan. Ma's gusto ko siyang bantayan bilang boyfriend nya, at hindi bilang isang kidnapper!




Pinagmamasdan ko ang unti-unting pagmulat ng mga mata nito. Sandali nitong inilibot ang tingin sa loob ng silid bago naglanding ang paningin niya sa akin.



"Zayne? Ikaw ba yan? Kinurap-kurap niya ang kanyang mga upang masigurong tama ang nakikita nya.

"Anong ibig sabihin nito? Tila nag sink in na sa isip niya ang nangyari kanina dahil pasigaw na nagtanong ito. "Bakit kailangan ipadukot mo pa ako! Galit niyang tanong habang masama ang tingin sa akin. Narealize nya ng ako ang nagpadukot sa kanya.

Ito na nga ba ang sinasabi ko na kailangan ng matinding paliwanagan. Arggh!

"Baby kalma ka lang, ipapaliwanag namin sayo ni Dash kong bakit kinailangan naming gawin to. Lumapit ako at niyakap sya ng mahigpit. Hinalikan ko sa noo habang hinahaplos ang likod ng baby ko. "Hintayin na lang nating dumating si Dash at sabay naming ipapaliwanag sa'yo hmm".

"Okay! Pero nasaan na yong ice cream ko?"
Nakapout niyang tanong. Nanggigigil tuloy akong kagatin ang nakausli niyang mga labi pero kailangan kong magkontrol at baka maabutan kami ni Dash sa hindi kaaya-ayang posisyon mahirap na!

"Wait here. Kukunin ko lang sa ref".

"Yes" tuwang sigaw ni Ally. Napailing na lang ako. Para talagang bata umasta. Pero mahal mo. Tudyo ng kabilang bahagi ng utak ko. Yes!






❤❤❤❤❤

❤Dash❤


Tangna juice! Mapapatay ko talaga ang hayop na 'yon! Mabuti na lang at nauhan namin sya ni Zayne! Nag-uumpisa pa lang kaming magbonding bilang magkapatid tapos ito may balak na naman dumukot sa Princess  namin!

P'wes nagkamali sya binangga! Kinalma ko ang aking sarili bago pumasok sa loob kong saan itinago namin pansamantala si Ally. Nadatnan ko sya na kumakain ng ice cream. Tsss kahit kailan talaga ang hilig nya sa ice cream.


"hi princess! Bati ko sa kanya bago hinalikan sa pisngi.

"Hmmmm." Tsss yan lang ang isinagot sa sinabi ko. Nang matapos siyang kumain tsaka pa lang ako pinansin na may kasamang masamang tingin.


"Nakakainis kayo kuya! Hmmmp, pinakaba nyo ako. P'wede naman kasing sabihin na lang sa akin. Ano bang nangyayari? Nakasimangot na tanong nito.




Bago pa makasagot si Arch ay inunahan ko na ito. "Wala naman princess, trip lang namin na kidnapin ka." Nakatawa kong sagot sa kanya. Pagkatapos non ay hinila ko palabas ng kwarto si Arch.


"Bakit ka nagsinungaling sa kanya? Inis na tanong nito.

"Ayoko lang mag-alala sya Arch. Sana maintindihan mo ako, nag-uumpisa pa lang kaming magbonding bilang pamilya at ayokong mamuhay sya na may takot. Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin?





"Haist oo na! Kumakamot sa batok na sagot niya.

Nakahinga ako ng maluwag ng pumayag sya.




❤❤❤❤❤❤


Ally❤

Hmmm ano kayang inililihim ng dalawang yon. Aalamin ko kong anong itinatago nila at kapag nalaman kong mayroon nga, mananagot sa akin ang dalawang 'yon!








🐰🐰🐰🐰🐰

Otap N: sensya sa mabagal na Ud. Hihi

"Ikaw At Ako Forever" [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon