HALIMUYAK

2.2K 15 2
                                    

HALIMUYAK

 written by: sakuramitchie

Napabalikwas ako ng bangon. Ayan na naman ang panaginip ko na paulit ulit na lamang.

Minsan nga'y natatakot na ako. Pero nangingibabaw pa rin sa akin ang pagkalito. Pagkalito kung bakit paulit ulit kong napapanaginipan ang senaryong iyon. Sino ang babaeng iyon na paulit ulit na umiiyak at nanghihingi sa akin ng tulong at bakit sa lahat ng tao sa mundo ay sa akin pa siya nanghihingi ng tulong?

Ang babae na laman ng aking panaginip ay pagapang na humihingi sa akin ng tulong. Natatabunan ng kanyang mahaba at itim na buhok ang kanyang mukha kaya hindi ko ito makita. Pero parang kilala ko siya sa aking panaginip. Nagmamakaawa siya habang umiiyak. Paulit ulit din niyang tinatawag ang pangalan ko na para bang matagal na kaming magkakilala. At tuwing lalapitan ko na siya sa aking panaginip ay bigla na lamang siyang mawawala at ang tanging maiiwan ay ang halimuyak ng isang pabango. Isang pabango na pamilyar sa akin, ngunit hindi ko talaga matandaan kung saan at kailan ko ito naamoy.

Tatlong buwan nang paulit ulit ang panaginip kong iyon. Siguro ay dalawang beses sa loob ng isang linggo. At ang nakakapagtaka ay tuwing mapapatingin ako sa orasan na nasa aking tokador ay lagi na lamang 2:49 am ang makikita kong oras.

Nagsimula lang naman ang mga panaginip kong iyon nang lumipat ako dito sa aking bagong apartment tatlong buwan na rin ang nakalilipas.

Nagcollege na kasi ako at nagkataong malayo ang aking napasukang eskwelahan sa aming bahay, kaya naman ay napilitan akong maghanap ng apartment na aking tutuluyan.

Hindi ko naman alam na sa pagtira ko sa apartment na ito ay magsisimula na rin pala ang mga kababalaghang magaganap sa aking buhay.

Ako si Keith Monique Torres. 17 years old. Business Management ang kursong kinukuha sa isang kilalang Unibersidad. At ito ang kwento simula nang maamoy ko ang kakaibang halimuyak na nagpabago sa takbo aking buhay.

>>>to be continued<<<

Thanks sa pagbabasa... ü

Tingin nyo dapat kong ituloy?

Short story lang po ang plan ko dyan... Ü

-sakuramitchie-ü

November 01, 2011

HALIMUYAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon