Ito na po yung chapter 4 !! Salamat sa mga nagbasa . :)
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
PATRICK's POV
Ito na naman ako nagmumukmok sa kwarto . Ba't ba kasi ang sungit ni Ella sa akin ? Mabait naman ako sa kanya ah . Lahat ng sasabihin ko, magagalit agad ! Hayyy buhay !! Ano bang pwede kong gawin para hindi na siya magsusungit sa akin ? Oo, nagalit talaga ako sa kanya kasi ako pa ang mabait sa kanya tapos siya pa ang may ganang magalit . Bahala siya ! Magdusa siya .. hahahaha ^^
- Tok , Tok -
Patrick : Pasok po ..
Mommy Joy : Anak, napapansin kong kanina ka pa nagmumukmok dito sa kwarto mo . May problema ka ba anak ?
Patrick : *yumuko lang ako*
Mommy Joy : Ano ba problema mo anak ? Sabihin mo sa akin baka matulungan kita .
Patrick : Ma, alam mo yung feeling na naging mabait ka sa kanya, lagi kang andyan para sa kanya pero palagi siyang nagsusungit sayo .
Mommy Joy : Bakit anak, yun ba ang problema mo ? Alam mo anak siguro yung taong yun may reason kung bakit siya palaging ganun sayo . Malay natin yung taong yun may feelings pala sa iyo . Pero teka lang ? Babae ba yun ? hehe ^_^
Patrick : Mama talaga ! haha .. opo babae yun .
Mommy Joy : Pinapatawa lang kita anak . Ayaw ko kasing nakikita kang malungkot eh . Anak, sabihin mo nga sa akin ? Inlove ka ba ?
Patrick : Mama naman ! Hindi noh ?! haha ^^ *pero teka, inlove nga ba ako? iba kasi feeling ko pagdating kay Ella eh.*
Mommy Joy : Hmm , sa tingin ko oo eh .. hehe :) Joke lang . Oh sige anak, baba na ako magluluto muna ako ng dinner natin . Huwag ka ng malungkot ha ..
Patrick : Sige po . *umalis na si mommy*
ELLA's POV
Ano kaya gagawin ko para magbati na kami ni Patrick ? Tanong ko lang, masama ba ako ? Kailangan magbati na kami ni Patrick . Isip . Isip . Isip Ella !! Itext ko kaya siya ?
TO: Asungot Patrick :)
Patrick, galit ka pa rin sa akin ? Sorry na oh please .. :(
Sending ...
.
.
.
Message Sent !
--------------------------------------------
Naghintay ako sa kanyang reply pero wala akong natanggap na reply galing sa kanya . Ganun ba kalaki galit nya sa'kin ? Naku hindi ko namalayan ang oras 8:15 PM na pala . Matutulog na ako . ^^
---------------------------------------------
- 6:00 AM -
Gumising na ako baka kasi pagalitan na naman ako ni ate Cassie . haha ^^ Naligo ako, nagbihis, nag-ayos .. 6:15 bumaba na ako para kumain at nagtoothbrush . Kinausap ako ni ate .
Cassie : Galit pa rin si Patrick sayo ?
Ella : Oo sis eh . Ngayon ako makikipagbati sa kanya .
Cassie : Tama yan sis . Sige, tara na ?
Ella : Tara .
Nasa school na kami ni ate at nandun na ang barkada . Si Patrick din andoon na .
Jason : Ella , psst . Makipagbati kana sa kanya . Alam mo ba kagabi, nagmukmok yan sa kwarto . *nag.whisper siya sa'kin*
Ella : Oo makikipagbati na ako sa kanya . Talaga ? Nagmukmok siya ?
Jason : Oo totoo ..
Tikoy : Ella , make a move ! *nag.whisper din siya sa'kin*
Tammy : Bes, it's time .
Ella : Oo na, oo na ..
Britney : Ah , gurl mauna na kami ha . Byee !
Patrick : Sasama na ako sa inyo . *nagstart ng maglakad si Patrick*
Ella : Patrick ! Sandali .
Patrick : Ano ?
Ella : Galit ka pa ba ?
Patrick : *hindi siya sumagot so meaning galit pa talaga*
Ella : Patrick, sorry na please . Hindi ko naman sinasadya yun eh . Oo tama ka, naging mabait ka nga sa'kin pero ako naman to'ng tanga palaging nagsusungit sayo . Kaya Patrick please, Patawarin mo na ako .
Patrick : Sinong tinakot mo?
Ella : Patrick naman oh ! Sorry, sorry, sorry ! Anong gusto mong gawin ko para mapatawad mo na ako?
Patrick : Ganito, i-hug mo'ko .
Ella : Sus, hug lang pala eh ang dali-dali naman HAAAA ??? HUG ??? Sira ka ba ? Ayaw ko nga ! *Loko to ha! Kainis*
Patrick : Oh akala ko ba gusto mong magbati na tayo ? Eh di kung ayaw mo , bahala ka ! *Tumalikod na siya*
Ella : Patrick ... *Humarap na siya.*
Patrick : Ano ?!
Hinug ko na siya .. Hindi ko dapat ginawa toh ! Ughh .. Ba't bumibilis na naman tibok ng puso ko ???
Ella : Oh ayan . Peace na tayo ha ! *Inend ko na yung hug scene namin*
Patrick : Gagawin mo rin pala eh . Ang O.A mo pa ..
Ella : Nang-aasar ka na naman ? hehe ^^ Peace na tayo ha ..
Patrick : Oo na ..
Ella : Tara na .. *Ughh ito na naman ako . Kinikilig!*
Biglang lumabas ang barkada sa tinaguan nila ! Ughh . Ibig sabihin nakita yun nila ! Hayy naku ! Pero okay nalang yun atleast okay na kami ni Patrick .
Tikoy : Nakita namin yun .. *tumawa sila.*
Winston : Ang cheesy nyo ha .. *tumawa na naman sila.*
Cassie : Bati na ang aso't pusa ng barkada ! hehe ^^
Patrick : Tama nga yang pang-aasar nyo sa amin . Tara na ..
Tumawa kaming lahat .. Hayy salamat ! Bati na kami ni Batman .. ayy este Patrick . hehe ^^
- Kringgg ,Kringgg, Kringgg -
Nagbell na at pumasok na kami sa aming classroom .. Ang hirap ma.inlove ! TEKA .. Ano yung sinabi ko? Inlove ? Aaahh bahala na si Batman ! hehehe ^_^
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Tapos na ang Chapter 4 . Sana nagustuhan nyo .. Salamat ! :))
Read, vote and comment ! :))
Spread the KathnieL Love .. <3
BINABASA MO ANG
I'm Yours <3 -KathNiel-
FanfictionSila na ba kaya talaga ang para sa isa't-isa ? Matatawag ba nila ang isa't-isa na "I'm Yours" ?