Chapter 4: Gyru Tribe

438 13 0
                                    

Nang makarating kami sa harap nang bahay nila mary, una naming napansin ang dalawang lalaking nakaitim na kausap ni mary.

"SABIHIN N'YO SA TINATAWAG NIYONG LORD DYMUS NA HINDING-HINDI NAMIN IPAGBIBILI ANG AMING LUPA!" Galit na sigaw nito sa dalawang lalaki. "NOW, GO AND LEAVE OUR LAND!"

Bumaba na kami sa sinakyan naming kabayo.

"This is a warning. You want war will give you war." Babala nang nakaitim na lalaki.

Nakita ko ang pagtiim nang bagang nang lalaking katabi ko.

"HINDI KAMI NATATAKOT SA INYO!" Sigaw pa ni mary habang ipinagtatabuyan ang mga ito.

"Who are they?" Tanong ko sa katabi kung lalaki. Napatingin siya sa akin.

"They're Previen Bandits." Galit na sabi nito. Napatango-tango naman ako. "Why do they want your land?" Sinamaan naman niya ako nang tingin. "H'wag mo nang alamin. Mas mabuting ang dayong tulad mo ay manatiling walang alam." Sabi nang lalaki sabay alis.

"H'wag mo nang alamin. Mas mabuting ang dayong tulad mo ay manatiling walang alam. Nyenyenye. Whatever." Sarcastic na bulong ko. Ang sungit naman nang lalaking 'yun. Akala mo kung sinong makasalita s'ya. Pwe!

Napatingin uli ako sa mga nakaitim na lalaking may sumbrero habang palayo silang nakasakay sa kanilang kabayong umalis sa lugar na ito.

Tumingin pa sa likod ang isa sa kanila kaya nagtama ang mga paningin namin. Hindi ko makita ang mykha nito dahil sa itim na mask nanakatakip sa bibig nito.

Napaatras ako sa kinatatayuan ko nang makita ang matalim na tingin nito sa akin.

A... Bakit ang sama nang tingin niya sa akin? Bago lang naman ako dito, impossibleng may nagawa akong kasalanan sa kanya. 'Di ba?

"Ano ba!? Mag-ingat ka naman." Sabi nung masungit na lalaki nang maatrasan ko siya.

Bago pa ako nakapagsalita ay biglang nagsalita si mary. "Tara na't pumasok." Bago naunang maglakad sa amin papasok nang bahay nila. Sumunod naman ako sa kanya.

"Anong nangyari kanina?" Tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot bagkos ay nagsorry lang siya sa nasaksihan ko kanina at agad niyang ibinaling sa iba ang topic.

"Pwede mong hiramin ang iba kong damit pagkapaligo natin." Alok nito. Napansin siguro nito na hindi ko pa napapalitan ang madumi kong damit.

"Is that okay with you?"

"Ayos lang naman. Saka, papunta narin naman ako sa may ilog para maligo. Ano sasama ka ba?" Why not? Wala naman akong ibang kaclose dito bukod sa kanya kaya mas mabuting sumama sa kanya bago ako mabored dito.

Tumango naman ako.

***

Refreshing and Relaxing. Isip-isip ko habang nag swiswimming ako.

"Talaga bang walang mamboboso dito?" Nag-aalalang tanong ko. Paano kasi nakahubo't hubad kaming naliligo.

"Oo, naman." Sagot niya. "This is my secret place. Tanging ako, ikaw, at si..." Napabuntong-hininga siya. "Kuya ang nakakaalam nito." Malungkot na sabi niya saka napatingin sa kawalan.

Ooops! Sana hindi na ako nagtanong. I kept silent at lumangoy na palayo sa kanya.

Ayoko naman panuorin siya habang nagdradrama, 'no. Saka i want to give her privacy. Mukha kasing masilan ang topic na ito sa kanya kaya hindi muna ako magtatanong.

Matapos naming maligo ay inilibot niya ako dito sa kanyang 'secret place'. Pinuntahan namin ang kanyang tree house na malapit lang sa may ilog.

Nagpalipas kami nang ilang oras doon bago umalis.

Bridge To The Blue Valley (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon