Chapter 24: Darkness

259 10 0
                                    

Tulad ng dati, humihinto kami kada anim na oras ay humihinto kami upang magpahinga at kumain.

Sa gabi naman, ay tumitigil kami sa kung saan kami abutan ng dilim.

Tulad ngayon, kasalukuyan kong ginagamot ang sugat nito sa kanyang balikat.

Kanina habang nasa daan kami ay may nadaanan kaming mga herbal leaves kaya pinatigil ko muna siya saglit para kumuha nito bago kami magpatuloy.

"Oww, careful." Galit na sabi nito.

"Tsk, huwag ka kasing magalaw." Asik ko. "O, ayan. Tapos na."

Matapos ko ay humarap ako sa may ginawa nitong bonefire. "Matagal pa bang maluto iyan?" Nagugutom na talaga ako.

"Saglit na lang." Sagot nito. Napaubob naman ako sa aking tuhod habang hinihintay maluto ang pagkain.

Hindi rin nagtagal naluto na iyon saka kami kumain at natulog sa mga pinagsama-samang dahong inilatag namin sa lapag.

***

Bago pa man sumikat ang araw ay umalis na kami agad medyo malayo pa kasi ang lalakbayin namin.

Walang gaanong nangyari sa naging bihaye namin, malivan nalang sa mga pag-aaway namin na hindi talaga maiiwasan.

Tanghaling tapat na ng dumating kami sa sinasabi nitong short cut na isa palang underground tunnel.

Iniwan na namin yung kabayo sa parteng ito ng gubat at pumasok dito.

Sa pasukan nito ay may torch na pwedeng sindihan para magkaroon kami ng ilaw.

Mabilis lamang itong nasindihan ni calix. Halatang sanay na ito sa paggawa ng apoy gamit ang mga bato. Hindi pa naman kasi uso ang lighter at flashlight dito.

Lakad-takbo ang ginawa namin para lang mabilis kaming makarating sa may dulo.

Ang mga nadadaanan naming pader ay napapalamutian ng mga ugat ng halaman.

"Why are you so slow!?" Asik niya. I rolled my eyes. Masyado kasing malalaki ang hakbang nito kumpara sa akin kaya tingin nito ay mabagal akong tumakbo.

Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Hinablot nito ang isang kamay ko habang tumatakbo kami.

"Bitawan mo nga ang kamay." Inis na sabi ko dahil nakakaladkad na ako sa ginagawa niya.

"No," Sagot nito at lumiko kami sa may bandang kanan. Pero hindi pa man kami nakakalayo ay namataan na namin ang mga nakaharang na mga tumubong kumakalatkat na halaman sa daraanan namin.

"Damn it." Mura nito habang kasalukuyang kaming nakatigil saglit.

"I think we should change our route." Suhestiyon ko sa kanya at umakmang maglalakad na pabalik ng hilain nito ang kamay ko pabalik sa dati kung kinaroroonan.

"No, we will follow this route." May ding sabi nito.

"Are you crazy!?" Saka ko itinuro ang dapat sana ay dadaanan namin. "Look! It's blocked!"

"But it is the only shortcut." Sagot nito.

Right. If we change route now, we can't be there in the exact same time. This is one of the situations between life and death. One wrong move and it will be my end.

"And what will we do?" Mahinang sabi ko.

Iniabot nito ang hawak nitong torch sa akin na agad ko namang tinanggap, "Leave it to me." Sagot niya.

"Huh?" Medyo nagtaka pa ako sa kung ano ang kanyang gagawin pero nang makita kung kinuha nito ang dala nitong patalim ay nagets ko na ang susunod na gagawin nito.

Bridge To The Blue Valley (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon