Ramdam ko ang sikat ng araw na tumatama sa aking mga balat.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa isa pang mahabang upuan na tinulugan ko. Agad akong napatingin sa katapat kung upuan at napansing wala na doon si calix.
Nakarinig ako ng tawanan mula sa labas ng bahay indikasyon kung saan naroon ang mga tao sa bahay na ito.
Humihikab na tumayo ako at naglajad palabas ng madaanan ko sa kusina si lola.
Imbes na magpunta sa labas ay dumaan muna ako doon para magmumog at maghilamos ng aking mukha.
"Magandang umaga po." Bati ko sa matanda na nagluluto ng makakain.
"Magandang umaga rin, iha." Balik na bati nito at habang nakatuon ang kanyang atensiyon sa kanyang niluluto.
Ginawa ko muna ang mga dapat kung gawin bago ako nagprisintang tulungan siya.
Mula sa maliit na bintana dito sa kusina ay kitang-kita ang bakuran kung saan may kasama si calix na matandang lalaki at kasalukuyan silang nagsisibak ng kahoy.
"Maswerte ka sa asawa mo, iha." Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni lola sa aking likuran.
Napaharap naman ako sa kanya. "Nakakagulat naman po kayo." Sabi ko sa kanya. Ngumiti lang ito. "Ang batang iyan masipag na mabait pa." Say what? Si calix mabait at masipag? End of the world na ba?
Kesa magkomento ay nginitian ko nalang ito. Nilagyan niya ng seasoning ang niluluto namin habang hinahalo ko ito.
Amoy ko ang nakakatakam nitong amoy na mas lalong nagpadagdag ng aking gutom.
Tinakpan namin ito at hinayaang kumulo hanggang sa maluto. Matapos nitong maluto sa inilafay namin ito sa isang mangkok.
"Tawagin mo na sila ng makakain na tayo, iha." Utos nito na agad kung sinunod.
Maedyo malapit na ako sa dalawang lalaki ng marinig ko ang kanilang pinag-uusapan.
"Mapskaswerte mo sa napang-asawa mo, iho." Sabi nung matandang lalaki na saka tinapik nito ang kanyang balikat. "Napakaganda at halatang mabait."
Hindi nagkomento si calix pero tumawa ito ng malakas. Hindi ko tuloy mawari kung ito ang paraan niya ng pang-iinsulto o hindi.
Tuluyan na akong nakalapit sa kanila at ang unang nakapansin sa akin ay ang matandang lalaki dahil bakatalikod sa akin sa calix ay hindi niya napansin ang pagdating ko.
"Nariyan na pala ang asawa mo, iho." Sabi ng matandang lalaki. Agad naman itong napaharap. As usual, nakapoker face ito. Imbes na pansinin ay binalingan ko si lolo.
"Magandang umaga po. Ipinapatawag po kayo ni lola at kakain na daw po tayo."
"Mauna ka na iha. Susunod na kami doon ng asawa mo." Marahan lang akong tumango at hindi na nagkomento.
Sa totoo lang kanina pa nagngingitngit ang kalooban ko sa pagtawag nila sa aming mag-asawa pero dahil baka makasabi ako ng masaki na salita na pwedeng makapag-offend sa dalawang matanda ay hindi nalang ako sumasagot.
Magpapakabait ako para sa ipinakitang kabutihan ng dalawang matanda at sigurado ako na iyon din ang ginagawa ngayon ni calix.
Tumalikod na ako at nagsimulang humakbang palayo sa kanila. Hindi pa man ako nakakalayo masyado ay ramdam ko na ang pagsunod sa akin ng dalawa.
Naabutan ko sa mesa ang mga nakahain na pagkain. Umuusok pa ang mga ito.
"Maupo ka na, iha." Mula sa likuran ay sumulpot si lola dala ang isang mangkok na puno ng nalutong mga gulay.
![](https://img.wattpad.com/cover/60331658-288-k59191.jpg)
BINABASA MO ANG
Bridge To The Blue Valley (Completed)
FantasíaBridge Series 1 I used to be just like you... then she came. The girl who looks exactly like me. She drag me to her messy world where I'm forced to impersonate her. I am Lianne Hera Fernandez, the unlucky choosen one.