Ibinalik ko na sa dati nitong lalagyan yung figurine saka pinuntahan ang baul na nakalagay sa may bedside table ko.
Umupo ako sa may kama at kinuha ko ito at binuksan.
Inilabas ko ang lumang journal na nandito saka binuklat. Kinuha ko dito ang mapang papel at sinuring mabuti.
Kung titignang mabuti halos ang daraanan mo para makapunta doon ay kagubatan.
Bigla ko tuloy naalala ang nangyari sa akin nung unang salta ako dito. Muntik na akong kainin ng buhay nung lobong iyon buti nalang may nagligtas sa akin.
Sa isiping iyon ay bigla akong nalungkot. Kung sana buhay pa siya sa kanya ako magpapatulong sa paglutas nito.
Not that i can't do it myself but hell, Ni hindi ko nga alam ang pasikot-sikot ng kagubatan na iyan mamaya mawala pa ako at saka isa pang dahilan ay malaki ang posibilidad na marami kang makasalubong na mababangis na hayop dyan.
Kainis, wala akong maisip na taong pwedeng tumulong sa akin.
Nagbuntong-hininga ako at ibinalik ito sa pagkakaipit sa libro saka ibinalik ito sa kanyang lalagyan.
Bigla nalang akong nakarinig ng katok sa aking pinto kaya agad ko itong inilagay sa may silong nang aking kama.
"Yes? You may come in." Sabi ko at iniayos ang nagusot na bahagi ng aking damit saka umayos ng upo.
Pumasok ang isa sa mga tagasilbi at nagbow. "Prinsesa, narito na po ang inyong isusuot sa pagdiriwang mamaya."
Sa isang senyas nito ay may mga maid na pumasok habang tulak tulak ang isang dit na nakasuot sa manikin.
Isa itong off shoulder creme gown. Tapos sa may kaliwang bahagi ng dress ay may malaking design ng butterfly and the rest of the gown is have sequins as design.
"At isa pa po prinsesa, ipinapasabi ng inyong guro na si Bb. Ilana na sa susunod na klase niyo na ipasa ang gawain niyo." Napangiwi ako sa aking narinig.
Nakalimutan ko na ang tungkol sa aking mga gawain. Like i care, e, sa hindi nga ako marunong magburda. Anong magagawa ko?
"Iyon lang ba?" Marahan naman itong tumango. "Sige, makakaalis na kayo."
Nagbow muna ang mga ito bago tuluyang umalis. Iniwan nalang nila dito ang aking damit.
Napabuntong-hininga nalang ako. Talagang tuloy na tuloy ang plano ng hari na ihanap ako ng mapapangasawa ko bago matapos ang araw na ito.
Well, iyan ang hindi ko kayang payagan.
***
Kasalukuyan akong nandito sa may harapan ng malawak na maze sa may castle garden. Dito ko balak magtago hanggang hindi pa natatapos ang pagdiriwang.
Bahala silang maghanap sa akin.
Pagpasok ko ng maze ay kung saan-saan ako lumikong banda. Bahala na kung saan ako dalhin ng aking paa.
Natagpuan ko nalang ang aking sarili sa isang pavilion dito sa loob ng maze na ito. Ang ganda. May fountain sa gitna ng pavilion saka sa may labas ay may mga nakapalibot na mga tanim na bulaklak at mga nagliliparang mga paro-paro.
Lumapit ako dito at naupo sa may gilid na bahagi ng fountain at humarap dito habang pinagmamasdan ang repleksyon ko sa tubig.
Nakabraid ang aking buhok saka may suot akong maliit na korona. Bumagay ang ayos ng aking buhok sa light make-up ko na tenernuhan ng aking off shoulder creme gown.
Isinawsaw ko sa may tubig ang daliri ko pero agad ko rin iyong inalis. "Shit, ang lamig."
Ngayon ko lang nalaman na may ganito palang lugar dito.
BINABASA MO ANG
Bridge To The Blue Valley (Completed)
FantasyBridge Series 1 I used to be just like you... then she came. The girl who looks exactly like me. She drag me to her messy world where I'm forced to impersonate her. I am Lianne Hera Fernandez, the unlucky choosen one.