Dear D Entry #266

2 0 0
                                    

Hunyo 22, 1998..Lunes

10:00 pm

Sa kwarto ko, nakapada sa kama habang nagbabalita kay D.

D,

Nakalabas na rin sa wakas si kuya sa Barangay Hall. At wala na kong ginawa kundi tanungin siya ng tanungin tungkol sa lalaking maitim. Pwede ba kong tumili? Kasi hanggang ngayon, kinikilig pa rin ako. Uy D ah! Ngayon lang ako kinilig sa 12 years life ko. Kaya di ako malandi ah. Hindi ko lang talaga maiwasan dahil sobrang C.R.U.S.H ko siya!

And his name is....(drum roll muna)

DAMON DELGADO MORGAN!!!!

Pasensiya na kung napasigaw ako. Excited lang talaga ako na ibalita sa'yo. Ang dami kong nalaman sa kaniya, D. Filipino-Black american siya. Five eleven ang height niya. Grabe lang D! ang tangkad. Parang hanggang kili-kili lang yata niya ako. Haaaaaaaayyyyyyyy... Hiwalay na ang mga magulang niya at sabi pa ni kuya, may GF na raw siya. Aaminin ko ah, may pumiga sa puso ko ng malaman ko 'yon. D, crush na crush ko talaga siya.

If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon