Chapter 2

6 0 0
  • Dedicated kay Celestine Denz
                                    

Hulyo 01, 1998..martes

9:00 pm

Sa tindahan ni Aling Letty, nakatambay at nakapangalumbaba habang nagbabalita kay D.

D,

Nagtagal ako sa gate ng Muntinlupa High. Nag-abang  talaga ako sa kaniya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit gustong-gusto ko siya na makita. May mali siguro sa mga ginawa ko kasi sermon agad ang nakuha ko kay Nere matapos kong sabihin na naghintay ako kay Damon.

Sinabi sa akin ni kuya na isa si Damon sa  mga taong nirerespeto  niya.. Haaaayyyy D.. kahit ako, malaki ang respeto sa kaniya. Hindi siya katulad ng mga lalaking walang moral at walang pagpapahalaga sa buhay. Nalaman ko na napakaresponsable niyang tao. Iyon nga lang D, masakit para sa akin ang nangyari sa kaniya. ..D,crush na crush ko talaga siya.

RESPETO

"O, nakapangalumbaba ka na naman. Daig mo pa si Ninoy ah. Malas 'yan sa tindahan. Ano na naman ba ang iniisip mo?"

Si Nere-dakilang kabute. Ako nalang lagi ang nakikita at gustong-gustong asarin. Akala naman niya mapipikon ako.  Tinanggal ko ang kamay kong nakatukod sa baba ko sabay buntong hininga.

Napatawa naman sa akin si Nere.

"Bakit?" nakabusangot kong tanong. Nakikita ko ang katuwaan sa mukha niya. May nakita na naman siyang nakakatawa sa hitsura ko.

Nagkibit-balikat lang siya. Tumingin sa tindera at malakas na bumili ng dalawang pop at dalawang supot ng pandecoco. All in one ang tindahan ni Aling Letty. Pinagsamang  tindahan at bakery. Kaya madalas ang daming nakatambay. Magaganda pa raw ang mga tindera.

Claro, dahil mga pinsan ko ang tindera ni Aling Letty. Ngumiti lang ako sa pinsan ko nang mapadako ang tingin niya sa akin. Sanay na ang pinsan ko sa mga tambay na tulad namin kaya handa na ang peke niyang ngiti. Pero malapit kami ng mga pinsan ko sa isa't-isa.

"O.." sabi ni Nere sabay lapag sa tapat ko ng pop at ng isang supot ng pandecoco. "...baka kasi nagugutom ka kaya ka parang  sinasapian." nakikita ko pa ang mahiwaga niyang ngiti. "Ano bang iniisip mo?"

Napakamot ako sa ulo. Favorite ko ang pop at pandecoco kaya di na ko nag-inarte.  Binuksan ko ang supot at kumuha ng isa at sabik kong kinagatan. Sarap! lasang-lasa ko ang tamis ng asukal at niyog.

Nilunok ko muna ang nasa bibig ko bago ko sinagot si Nere. Nakatingin lang siya sa akin at naghihintay. "Kasi, di ko maalis sa isip ko si Damon."

Napatirik ang mga mata niya sa langit. Alam ko na magiging ganyan ang reaksyon niya. Hindi niya maatim na nagkakagusto ako sa isang filipino- black american.

"Alam ko, hindi dapat ang nararamdaman ko, pero anong gagawin ko? Nere, crush ko talaga siya." paghihimutok kong sabi. Hindi ko kasi nakita si Damon nang magpunta ako ng school nila. "Hindi ko siya magawang alisin sa isip ko. Hindi ako makakain ng maayos, hindi rin ako makatulog sa gabi kakaisip sa kaniya."

"Malala na iyan." naiiling na anas ni Nere.

"Nagpunta pa 'ko sa MNS para lang makita siya..." nahinto ako sa pagsasalita nang makita kong nakunot ang noo ni Nere.

"Aba! Aba! Bansot at talagang pinuntahan mo pa siya sa school nila ha!" nakataas ang kilay niya. Inis na si Nere sa akin. "..Hindi kita tinuruan lumandi ah!"

Napaikot ang mga eyeball ko. "Hindi naman kalandian 'yun ah! Gusto ko lang naman siya makita kaya nagpunta ako sa school nila."

"Hindi ka lumalandi, stalking naman ang ginagawa mo!" tumaas ng bahagya ang boses niya.  "At saka, may GF na 'yun 'di ba? sabi ng kuya mo." talagang ipinagdiinan pa niya ang salitang GF. Parang 'di ko alam ang ibig sabihin.

If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon