Dear D,
Kamusta? Masamang-masama ang loob ko. Nawalan ako ng pera at nasabihan pa akong pangit ang tenga ko. Sa sobrang galit ko, naisubsob ko ang mukha ng classmate ko sa armchair. Suspended tuloy ako dahil ayokong ipatawag si Nanay sa school. Mapapalo ako! Ayoko! Alam mo naman na takot akong mapalo at sabi ni Nanay na ayaw na ayaw niyang magpupunta ng school lalo na at gulo ang dahilan.
Papasok na lang ako kunwari, pero magtatambay lang ako sa kantina ni Aling Kareng. Hindi ko rin sasabihin kay Nere at baka sermon na naman ang aabutin ko sa kaniya.
Ayokong magsinungaling, D. Pero ayoko rin na mapalo. HAY NAKU! ano ba itong napasukan ko? ang dali kasing mag-init ng ulo ko eh. hayyyyyyyyyyy
D, na-mi-miss ko na siya...