Dear D,
Ikalawang araw ng suspension ko.
How was your day? ahem...english yun ah! (hehehehe) D, nasabi ko sa'yo na may paligsahan ng kantahan 'di ba? gusto akong pasalihin ni Nanay. Ano sa tingin mo? Nahihiya ako, D eh. Baka kasi, alam mo na, mahiya na naman ako at di makakanta.
Ay nga pala, D, sabi sa akin ni Aling Baby, magpapaalaga siya ng baboy sa akin. Bantayan daw namin ni Nere. Mabuti 'yon para may pera ako pambili ng notebook. Wala na kasi akong masulatan ng mga kanta ko. Nagagalit na lagi sa akin si Nanay dahil hingi ako ng hingi.
Kanina, sa hacienda ni Nere, Malalaki na yung mga santol..grabe! takaw na takaw ako! pero hindi pa hinog eh. Mukhang hindi na panahon ng mga santol ngayon. Na-miss kong kumain ng singkamas na may bagoong..hmmm..sarap!
D, miss na miss ko na siya...