Dear D,
D, grabe! ang hirap pala mag-bantay ng baboy! grabe! ang baho-baho! Ang lasti pa ng kulungan. Walang magbabantay kay Baby Nere kaya inutusan ako ni Aling Baby kasi darating si kuya Donald galing Saudi, manganganak na yata 'yong baboy eh wala pa naman yung nag-aalaga at nagkasakit..hay D, uso ang sakit ngayon, si Nere may sakit din. Buti at tinablan siya ng sakit. Akala ko kasi bato na katawan non eh. Ako lang tuloy ang nagbantay pero sulit na rin kasi malaki binigay sa akin ni Aling Baby. May galaxy chocolate pa..sosyal! (ngasab sa chocolate)
D, pumayat kaya ako? sabi kasi nina ate, di daw ako papayat kasi malakas akong lumamon. Pero bakit sila, lumalamon din naman pero di naman nagsisitabaan. Malas lang ba talaga ako at ipinanganak akong baboy? (ngasab sa chocolate)
Huwag kaya akong kumain ng isang taon? tingin mo papayat ako?(ngasab sa chocolate)
D, gusto ko na siyang makita..haaaaayyyyy