Dear D,
Ngayon araw na ito, sobrang sakit ng loob at init ng panahon ang naranasan ko. Ang dami-daming gumugulo sa isipan ko. Kanina, may nakita akong pa-contest ng kantahan sa barangay hall. Gusto ko sumali, D. Pero nauunahan ako ng hiya. Wala naman akong mukhang ihaharap sa mga kamag-anak ko at kukutyain na naman ako ng mga alipores ni Nere. Alam ko naman na hindi maganda ang boses ko. Gusto ko lamang talaga na kumanta. Makagawa ng MTV na katulad nina Roselle Nava at Carol Banawa. (hehehehehe)
Alam ko, umiikot ang mga mata mo, sasabihin mo rin na mahilig akong mangarap ng gising..OO, D. Nangangarap talaga ako ng gising. Pangarap kong maging composer at singer, D. Gusto kong maging Asias song bird or the soul diva.
(Buntong hininga) gusto ko talaga na sumali. Pagbigyan kaya ako ng tadhana? Makaya ko kayang humarap sa maraming tao at makakanta ng hindi ako kakabahan?
Anyway, nagkita kami ni Nere sa hacienda niya, nagtanim kami ng mga talong at kalabasa. (Hahahahahahaha) Ang init pero kinaya namin! mga wonder woman kami eh. Sarap din ng kinain namin ng tanghalian. Tinapa na may kamatis at toyo na sawsawan at ginataan. (hehehehe) Tulo ba laway mo, D?(hehehehehehe)
D, I miss him...