CHAPTER TWENTY-EIGHT

69 0 0
                                    

'FIRST REVELATION(Part2)'

Third Person's POV

"So, This is the battle between the Hunter Vs. The Vampire and The Mafia? Oh.. Why is that being unfair?" Sarkastikong wika ng matandang lalaki kasabay ng pagak na tawa nito.

Ahh.. Hindi ko inaasahan ito ah? Pero ok nadin. Kapag napatumba ko ang dalawang angkan na ito, ako na ang maghahari sa lahat. Pagsisilbihan nila ako na parang santo.

Napangisi si Edwardo sa kanyang isipan at nagkaroon ng pagdidiwang ang kanyang diwa sa naisip.

Napangisi si Raelym sa kanyang nabasa sa isipan ni Edwardo ngunit mababakas sa ngising iyon ang galit at poot sa taong kinikilala niyang larang tunay na ama. Tama ang nabasa nyo, si Edwardo Ferrer ay kinikilala na niyang ama mula pagkabata pa lamang. Si Edwardo ay kapatid ng kanyang ama sa labas. Nabuntis kasi ng Lolo nya ang sekretarya nito noon at si Edwardo ang naging bunga ng kanilang kataksilan ngunit kahit na ganoon ay tinanggap parin siya ng pamilya ng ama ni Raelym. Ang ina ni Edwardo ay namatay matapos siyang ipanganak, ngunit bago iyon ay humiling ito na sa kanya kunin ang apelyido ng lalaki kung kaya't hindi sila magkaparehas ng apelyido ni Bernard--Ama ni Raelym. Ito din nagpangalan sa anak na kinuha sa pangalan ng Lolo niya na Edward. Si Edwardo ang tumulong kay Raelym upang maging malakas, siya ang nag-ensayo sa kanya. Tinuruan din siya nito sa kung paano gamiton ng tama ang mga armas, ang tamang pagdedepensa sa sarili at ang iba't-ibang klase ng martial arts. One time pa ngang naisipan ni Edwardo na maging isang tagasupil ng bampira. Noon kasi ay kalat na kalat na ang mga bampira na hindi naman pinaniwalaan ni Raelym, kaya't interesadong interesado si Edwardo sa bampira sapagkat nais niyang tingalain ng lahat. Kahit pa hindi naniniwala si Raelym ay nakinig parin siya sa pagtuturo ng kanyang Papa Uncle tungkol sa mga bampira. Minsan pa'y ay ang kanyang Lolo ang nagtuturo sa kanila dahil noon pa ma'y may alam na ito, dahil napag-aralan ito ng Lolo niya sa Unibersidad na pinasukan nito noon. Nage-eksperimento si Edwardo ng iba't-ibang klase ng kemikal para sa mga sandata sa pagpatay sa mga bampira. At sa tuwing napagtatagumpayan niya ito ay itinuturo niya ito kay Raelym hanngang sa natuto na ang dalaga na mag-eksperimento ngunit hindi para sa mga bampira kundi para sa kanya. Nagkaroon ng lamat ang relasyon ng Ama niya kay Edwardo nang ang nakuha lamang ni Edwardo sa mana ay isang Kompanya dito sa pilipinas at ang farm nila dito sa boracay at ang 100.5 billion galing sa Ama ng mga ito. The rest ng mana ay sa kanyang Ama na. Hindi ito matanggap ni Edwardo kaya humiwalay na ito sa angkan at doon na nagsimula ang kompetensya ng dalawang magkapatid.

"Kahit kailan ay hindi kita hahayaang magtagumpay sa plano mo Papa Uncle." Seryosong sabi ni Raelym sa kanyang Papa Uncle.

"Titingnan natin, prinsesa" nakangising saad ng huli.

Prinsesa

Hindi nya malilimutan ang tagpong iyon. Ang taong unang tumawag sa kanya na 'prinsesa'. Ang taong itinuring siyang tunay na prinsesa. Iyon ay ang kanyang Papa Uncle, si Edwardo Ferrer. Napakasarap alalahanin ang mga magagandang pangyayari sa buhay niya kasama ang kanyang Papa Uncle. Ngunit hindi na niya nanaisin pang alalahnin iyon dahil lahat ng iyon ang pawang KASINUNGALINGAN lang.

Nagsimula na ang laban. Naglabas ng limang Robot Hunter ang Crystal Mafia. Ang katawan ng mga ito ay gawa sa iba't-ibang kemikal. Agad na nagsisugod ang A&D Mafia at ang kasama nilang bampira kasama sina Dustin, Blake, Alyana, Elise, Lianne, At ang King and Queen. Samantalang si Shrine naman ay nakatago sa isang puno at binugyan proteksyon ang mga bampira dahil iyon ang kanyang special ability-- A Protection. Ganoon din si Raelym, ngunit habang nagbibigay sya ng proteksyon sa kasamahang Mafia ay nagbibigay naman siya ng sakit sa kalaban. Ang special ability niyang ito ay tinatawag na Pain and Protection.

Madami nang namatay sa kalaban samantalang sa panig naman ni Raelym ay wala pa ni isa. Ang tanging natira na lamang sa panig ni Edwardo ay 20 kasama ang 5 Robot Hunter.

"Why Papa Uncle?? Why??" Galit na tanong ni Raelym sa taong nasa harap niya.

Ngumisi ang huli at pagak na tumawa.

"Nais mo talagang malaman? Prinsesa?" Tanong nito sa kanya.

Nanahimik sya tanda ng pagsang-ayon.

"Oh well.. Better ask him about that. I just did what he asked me to do" simpleng sagot nito na mukhang malayo naman sa tanong ng babae.

Naikuyom ng babae ang kamao nito dahil mukhang may nasa likod pa pala nito. Samantalang hindi na nakapag-tiis si Dustin dahil gulong-gulo na talaga sya.

"Love.. What's really happening??" Naguguluhang tanong ni Dustin.

Huminga muna ng malalim si Raelym at tumingin ng matalim kay Edwardo bago magsalita.

"Hindi totoong ang black witch ang naglagay ng spell sa akin." Paninimula nya.

"What do you nean?" Tanong ni Queen.

Pero sa halip na sagutin ang tanong ng Queen, ay ipinagpatuloy na lang nya ang sinasabi nya.

"Sila ang naglagay ng chemical sakin. Hindi spell ang nasa katawan ko noon. Isang chemical na nakakonekta sa utak ko. Dahil kung spell man ang nakalagay sa akin ay mararamdaman ko yun noong unang lagay nila. Ang kemikal kasi na nakalagay sa akin ay hindi ko basta-basta mararamdam noong inilagay sakin. Ang anak nya na si Zen ang gumawa ng spell chemical sa akin. Gumawa sila ng paraan para hindi natin malaman na sila ang may kagagawan. Kaya sumasakit ang ulo ko dahil kumakalat ang spell chemical sa katawan ko. At dahil sa may galit sa inyo ang Black Witch ay pinaniwala nila tayo na sila ang may kagagawan na sinang-ayunan naman ng Black Witch." Paliwanag ni Raelym habang nakatingin parin ng masama kay Edwardo na nakangisi na ngayon.

"How did you know??" Tanong naman ni King.

"Noon pa lang ay naghihinala na ako sa sinabi nyo na black witch ang may gawa sakin noon dahil bakit hindi ko naramdaman? Kaya nga noong nakita ko ang anak ni Papa Uncle ay nakagawa ako ng konklusyon. Kinausap ko agad sina Alyana. Nagtulong-tulong kami. Inimbestigahan namin sila. And that's it..." Paliwanag nya.

"You really a genius, Princess" nakangising sabi ni Edwardo.

"And thank you for teaching me" nakangisi ding sabi ni Raelym.

At nagsimula na ang totoong laban. Unang pinatay nila ng mga Robot Hunter at nagtagumpay naman sila. Ang natira na lang ngayon ay si Edwardo.

"Kahit patayin nyo ako, hindi parin matatapos ang lahat" sabi nito kasabay ng isang putok.

Binaril nya ang sarili sa ulo. Hindi na nakakagulat dahil ayaw nyang maging talunan. Kung mamamatay man sya, ang gusto nya ay sa sarili nyang kamay.

"Fire them all" wika ni Raelym sa malamig na tono.

I'll kill you all. You'll regret all of this. You'll regret that you ruin my life.

----------

Nalaman na natin ang first revelation. Pero, sino yung him? Ibig sabihin, meron pa?? O God !

Anyways, ang mga revelation po ay hindi magkakasunod na chapter.

--CrimeSinner

The Mafia Princess and The Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon