'WAIT'
Dustin's POV
Nandito kami sa council.. Pinag-uusapan kung ano ba ang dapat gawin. Pero wala akong balak na makinig dahil wala din namang saysay. Ang gusto ko lang ay mapatay ang mga pumatay kay Jennison.
Tumayo na ako at nagsimulang maglakad palabas ng pinto.
"Son, where are you going?" Tanong ni dad.
"Kill" tanging sagot ko.
At nagsimula na ulit maglakad. Bubuksan ko pa lang ang pinto nang tumama ang likod ko sa pader.
"Let go of me, dad" malamig na sabi ko.
"Dont son."
"No!! I want to kill them!! I want to kill the reason why my mate is dead!!" Sigaw ko sa kanya habang tumutulo ang luha ko.
"Ang pagpatay sa kapwa mo bampira ay isang kasalanan Dustin." Sabi ng isa sa mga council.
"Pero sila ang pumatay kay Jennison dad!!" Nangigigil na sabi ko.
"Huminahon ka Dustin. Paano natin malalaman ang syang puno't dulo nito kung papatayin na lamang natin sila basta??" Paliwanag ni dad.
Nakatingin lang ako sa kanya habang tumutulo ang luha ko.
"Pinaghahanap na sila. Mabubuhay sya Dustin. Mabubuhay sya."
"Paano sya mabubuhay kung mayroon pang spell sa katawan nya!! Kapag ginawa natin syang bampira na nandyan pa sa katawan nya ang spell ay mamamatay sya ng tuluyan!! Ngayon dad.. Sabihin nyo sakin kung paano pa sya mabubuhay?!?! Sabihin nyo sakin!!" Gigil na usal ko sa kanila. Binitawan nya ako at nagsalita.
"Maghintay ka. Maghintay ka hangga't dumating ang Immortal Festival at doon na natin isasagawa ang pag-alis ng spell sa kanya. Naka-usap ko na ang Lady Royal ng White Witch. At pumayag sila na tulungan tayo sa pag-alis ng spell sa katawan ni Raelym." Napangiti ako sa sinabi ni Dad.
Maghihintay ako. Maghihintay ako kahit gaano katagal. Para lang makasama ka ulit.
********
Alyana's POV
Hello?? Nagka-pov din.. Hehe :) By the way, I am Alyana Perez. Playgirl Angel of The Devilish Angel Gang. Special Weapon is Deadly Shuriken. Although, DAG is now gone. But Im sure, maibabalik namin ang DAG.
Im now a Vampire. Special ability is Flashback kaya kong i-detect kung ano ang nangyari bago ang aksidente o ang nangyaring patayin gamit ang presensya at ang dugo ng may sala. Katulad ng ginawa ko kahapon kay Princess.
Tsk. Tama na nga ang kwento. Tinatamad na ako ehh.. Hihi.
"Hoy! Yana! Ikuha mo nga ako ng dugo dyan sa ref!!"
"Kumuha ka mag-isa mo!! Di mo'ko utusan!! Hmpft!"
"Hoy!! Baka nakakalimutan mo! Mate kita!"
"Hoy! Wala akong nabasa sa Rules and Regulation ng Vampires na pwede mo nang utus-utusan ang mate mong babae"
Nagulat sya sa sinabi ko. Bakit?? May mali ba sa sinabi ko??
Maya-maya pa'y nasa harap ko na sya. Napaatras ako sa may sink. Ang seryoso kasi ng mukha nya. Ngayon ko lang sya nakitang seryoso. Bakit kaya? Sabihin nyo mga readers, may ginawa ba akong masama para maging seryoso sya ng ganito??"Binasa mo ba ng buo ang Vampire's book??" Seryoso nyang tanong.
Literal akong napanganga. Jusko! Kala ko pa naman kung ano na. Yun lang pala.
"Ahmm.. Hindi. Yung Rules and Regulation lang ang binasa ko. Nakakatamad eh" sabi ko sa kanya ng nagtataka.
"Good" sabi nya at nagsimula nang maglakad palayo.
"May dapat ba akong basahin doon??" Tanong ko sa kanya na naging dahilan ng pagtigil nya sa paglalakad.
"Wala." Malamig na sabi nya.
Ehh?? Ang weird nya. Anong meron??
Teka....
"Hoy!! Blake! San ka pupunta??" Sigaw kong tanong sa kanya.
"Maghahanap ng makakain" yun lang ang sinabi.
Oh. Yeahh. Tama kayo ng basa. Si blake ang aking mate. Paano namin nalaman na mate namin ang isa't-isa?? Simple lang dahil sa tattoo na tumubo sa katawan namin dalawa naming dalawa. Ang sa akin ay sa batok at ang sa kanya ay sa may bandang likod kaya takip ito. Magkatulad at magkasabay na tumubo ang tattoo. Ang tattoo ay ang lalaki nakayakap sa babae, bale backhug ang nangyari. Parehas silang walang saplot. Pagkatapos ay may black and red na background.
Kami pa lang ang nakakaalam nito. Ayaw nya kasing ipaalam sa iba. Hindi ko nga alam kung bakit.. Ang weird talaga nya. Lagi ding may lagay na scarf sa may leeg ko para matakpan ang tattoo ko. Ilang linggo na kaming mag-mate. Gabi-gabi syang nandito sa bahay ko. Yep. Meron kaming sari-sariling bahay. Ayaw kasi naming magkakasama kami. Masyado kasing masikip para samin. Yun nga, gabi-gabi syang nandito sa bahay dahil nga sa mate nya ako. Hindi namin kayang mawalay sa isa't isa ng matagal.
Kapag naman tinatanong ko sya kung bakit ay lagi nyang sinasabi na Hayaan daw namin sila na sila mismo ang makatuklas. Para daw may thrill.
Pero paano nila malalaman kung itinatago namin yung mga tattoo namin diba?? Ayaw nya lang talagang malaman nila. At iyon ang kailangan kong malaman.
Kailangan kong malaman kung ano ang tinatago mo Blake Villanueva.
Yiieehhh! Ang drama ko.. Nyahaha..
------------
Oh?? Maghintay daw hahaxd..
Si Alyana lumalablayp na!! Ayyiieee.... Ano kaya yung sikreto ni Blake?? Bakit ayaw niyang malaman ng lahat??CrimeSinner

BINABASA MO ANG
The Mafia Princess and The Vampire Prince
VampireThis story is made up of my imagination. Maraming wrong grammar, typographical error. Kung may kaparehas po ay pakisabi po sakin dahil baka kinuha nila. Plagiarism is a Crime. Sana po ay suportahan nyo ang story ko. Ang Story ko pong ito ay nasa isa...