'THE DAY'
3 weeks later
Dustin's POV
This is it. This is the day.
Ngayon na araw kung saan gaganapin ang Immortal Festival. Ngayon nadin gaganapin ang pagtanggal sa spell sa katawan ni Jennison.
Nandito pa ako sa kwarto ko. Nakaupo ako sa kama namin dahil parang hindi ko pa kayang bumaba dahil kinakabahan ako sa mangyayari mamaya pagkatapos ng immortal festival.
Paano kung hindi nila magawa?? Paano kung habang isinasagawa nila ang ritwal ay bumigay ang katawan nya habang inaalis ang spell?? Paano kung umatras yung mga witch??
*iling iling*
No.. Hindi mangyayari yun.. May tiwala ako sa kanya at sa mga witch..
Wag kang ganyan Dustin. Wag kang panghinaan ng loob. Dapat hindi lang sya ang lumalaban, dapat ikaw din!! Sya si Raelym Jennison Mendoza-soon-to-be-Villanueva. She's brave okay?? She can surpass all of this. Just trust her..
Yes... Just trust her. I trust you My Queen.
Bumaba na ako at pumunta sa garden. Doon kasi gaganapin ang Immortal Festival. Noong taon kasi ay sa lugar ng mga witches and warlocks dahil sa green ng buwan noon. May sariling kalendaryo ang mga Immortals. Kapag ang nakalagay sa kalendaryo ng Abril sa katapusan ay Green--ang selebrasyon ay para sa mga witches and warlocks. Kapag naman Blue, ay sa mga wearwolves. At ang huli, ay sa mga bampira na ang nakalagay ay pula.
Pagkarating ko sa garden ay inaasahan ko na ang mga umpukan ng mga Immortals. May kanya-kanya silang mundo. Magkakasundo ang lahat ng Immortals ngunit malaman ko lang kung sino ang puno't dulo ng naglagay ng spell sa kanya at ang may kasalanan ng lahat ng ito. Sinisiguro ko sa inyong lahat. Magkakaroon ng digmaan sa pagitan ng dalawang immortal. Ang mga black witch laban sa mga bampira.
Inilibot ko ang paningin ko at nakita si Daddy na kausap ang Lady Royal. Lumapit ako sa kanila.
"Dad" bati ko sa kanya at yumakap(man hug).
"Son." Bati ni dad at tinapik ang likod ko.
Kumalas ako sa yakap ni dad at ibinaling ko naman ang tingin ko sa Lady Royal.
"Lady Royal Evangeline Renee'" bati ko sa kanya at lumuhod at hinalikan ang likod ng kamay nito. Ngumiti ito sa akin at tumango.
Tumayo na ako at umupo sa bakanteng upuan.
"You really love your Mate huh??"
Panimula ni Lady Royal. Ngumiti lang ako sa kanya bilang pagsang-ayon. Ngumiti naman sya pabalik. Hindi maikakaila na napaka-ganda nya. Si Lady Royal Evangeline Renee' ang syang pumalit sa kanyang ina na si Bethanie Renee'. Bata pa si Evangeline halos magkasing-edad lang kami ng Lady Royal. Dalaga pa si Lady Royal. Napakaraming nagkakagusto sa kanya pero hindi ako kasama doon dahil sapat na sa'kin si Jennison.
*********
Natapos ang selebrasyon ng mapayapa. Ngayon, nandito kami sa likod ng bahay.
Sisimulan na sana nila ang ritual pero pinigilan ko sila. Bigla akong natakot sa pwedeng mangyari.
"What's wrong?" Tanong ni Dad.
"Im... Im..."
"You're afraid." Pagpalatuloy ni Lady Royal.
Kaya napatingin silang lahat sa'kin. Tumungo ako.
"Yes. Im afraid. Im afraid that i might lose her forever." sabi ko sa kanila.
Biglang naging seryoso si Lady Royal.
"Dont you trust us?? Prince Dustin?" Seryosong Tanong nya.
"I trust you. Its just..."
"Yun naman pala ehh.. C'mon. Lets continue" sabi nya at tumalikod na.
*************
Nangunot ang noo ko nang bigla silang tumigil.
"What?? Anong problema??" Tanong ko sa kanila.
"Her body isn't responding. Kahit patay na sya, kaluluwa nya lang ang wala pero nandito padin ang katawan nya. Pero ngayon, hindi nagre-respond ang katawan nya sa ginagawa namin. Kahit anong gawin naming pagtawag sa katawan nya, hindi ito nagrerespunda. Babalik na lang kami dito bago mag-alas 12 at isasagawa na lang ulit natin ang ritwal. Wag ka mag-alala, magtatagumpay tayo." Paliwanag ng Lady Royal.
Nalungkot ako sa narinig ko. Hindi parin pala maaalis ang spell. Pero, babalik pa naman sila eh. Wag ka mag-alala My Queen maaalis namin ang spell sa katawan mo. Hintay lang My Queen. Please.. Hintayin mo ako.. Please..
Someone's POV
Hinigop ko ang huling labi ng alak sa kopita at itinapon ito sa pader. Sh*t!! Raelym.. F*ck!!
Natigil ako sa pag-iisip nang bumukas ang pinto.
"Isinagawa na nila ang ritwal kanina pero hindi nagrespubda ang katawan nya. Babalik sila sa Vampire City bukas."
Humarap ako sa kanya at tumango.
"Hayaan nyo lang sila. Basta mabuhay lang sya" sabi ko habang nagsasalin ng alak sa baso.
"Mahal mo talaga sya ano??" Wika nya.
"Higit pa sa alam mo." Sabi ko at umupo sa swivel chair.
"Makakaalis ka na." Sabi ko.
Tumango lang sya at umalis na ng silid.
Raelym Jennison Mendoza.
Magiging akin ka rin...
2nd Someone's POV
Bwahahahahahaxd.... Malakas ang spell na nilagay ko sa katawan nya kaya hinding-hindi nyo matatanggal ang spell...
Sa akin ka lang Dustin James Villanueva... AKIN LANG
3rd Someone's POV
Im sorry Raelym.. Im sorry.. Sana mapatawad mo ako.. Hindi ko sinasadya ang lahat.
Wag ka mag-alala.. Gagawin ko ang lahat para matigil na ang lahat ng ito... Mahal na mahal kita..
Alyana's POV
Nasaan na kaya yung mokong na yun?? Bakit wala pa sya??
*calling blake panget*
*toot toot*
Hala?? Nanyare?? Bakit nakapatay??
*blaagg*
"Hoy!! Nanyare sayo??" Tanong ko sa papasok na lasing na si blake.
Pwede din palang uminom ng alak ang mga bampira.. Ma-try nga minsan.
"Dont you dare" seryosong sabi nya.
Ano bayan?? Lagi na lang nyang binabasa isip ko *pout*
"Di wag!! Hympft" sigaw ko sa kanya.
"San ka nga pala galing??" Masungit kong tanong sa kanya.
"None of your business" malamig na sabi nya.
Edi none na nga.. Hympft. Sungit.. Daig pa ang babaeng meron...
Tiningnan nya ako ng masama. Mukhang binasa na naman nya ang isip ko.
"What??" Inosente kong tanong.
Umiling-iling lang sya at pumunta sa kwarto.
Problema non at naglasing??
---------------------
Bakit kasi hindi nag-respond ang katawan nya?? Yaeh. May bukas pa.. Think positive!! Arrgghh!! Tatlo na ang 'Someone' .. Sino-sino kaya sila?? Hala.. Ano kayang magiging papel ni Evangeline Renee' bukod sa pagiging Lady Royal.
----CrimeSinner
BINABASA MO ANG
The Mafia Princess and The Vampire Prince
VampirosThis story is made up of my imagination. Maraming wrong grammar, typographical error. Kung may kaparehas po ay pakisabi po sakin dahil baka kinuha nila. Plagiarism is a Crime. Sana po ay suportahan nyo ang story ko. Ang Story ko pong ito ay nasa isa...