Chapter 1: College Application Form

219 24 12
                                    


Umaga noon. Masigla ka pang nagmama-bibo sa mga kaklase mo para makipagkumpetensya sa kung anong nag-top 1 sa MTV charts kahapon, pero sinira 'yon ng iritable mong guro na nagpamudmod agad ng mga papel. 


Napa-sign of the cross ka na lang bigla dahil alam mo sa kaibuturan ng budhi mo na hindi ka nag-review at sinayang mo lang ang buhay mo kagabi sa panunuod ng MTV sa Ch. 23.


Napabuntong hininga ka sa luwalhati ng malamang hindi pala examination papers ang nasa harap mo kundi application form para sa college. Oo! College ka na! Mali ang paniniwala ng mga gremlins diyan sa immature mong kokote na habang buhay kang magha-High School.


Nag-"Eeny, meeny, miny, moe, " ka na sa listahan ng mga kursong tumambad sa teenager mong utak at pinag-iisipan kung alin sa kanila ang sasakto sa kakayanan ng pagkatao mo.


"Engineering? Hmmm.. Ayokong mag-merienda ng Algebra at maagang sumakabilang buhay dahil sa ka-vovohan ko sa Math."


"Social Science, Psychology, Literature? Hmmm.. Nakakatamad gumawa ng social reserches at medyo kapos yung talent ko sa pakikipag-kapwa tao. 'Wag 'to!"


"Architecture, Computer Coures, I.T.? Hmmm... Naglipana rin dito ang makamandag na Math at wala ako ni-gabuning alam sa computer. Wala na bang iba?"


Nang na-ekisan mo na lahat ng mga kurso sa check list, naisip mo na bukod sa ayaw mong mahirapan eh ayaw mo pala talagang mag-aral. Batugang bata 'to! Pero nakonsensya ka at kinalabit yung tropang katabi mo para itanong kung anong "First Choice" niya para sa college form at buong pagmamalaki niyang sinabing..


"B.S. Biology! Kasi Pre-Med course 'to, saka walang Licensure Exams. Hindi mo na kailangang mag-review at yayaman ka pagka-graduate kasi ang laki raw ng commission ng mga med reps at puwede ka ring mag-turo kung ayaw mong magtinda ng gamot, or sa laboratory or sa.. blah-blah-blah.."


Hindi pa man natatapos maglitanya ng mga benepisyo yung katropa mo, na-mute mo na siya sa isip mo, dahil bigla na lang gumalaw yung kamay mo, nagsulat ka sa patlang ng "first choice" mong kurso at buong gilas na "KINOPYA" yung course ng katabi mo.


Walang patumangga ang abilidad mo sa pangongopya. Pati kurso ng may kurso, hinarbat mo pa. Hindi pa natapos dito ang suliranin mo sa umagang iyon dahil kung may "first choice", malamang sa malamang eh may "second choice" at kailangan mo rin yung sagutan ng isa pang kurso.


Lo and behold, hindi mo hinayaang mapanis ang kakayahan mong mangopya. Kinalabit mo yung isa mo pang tropa at inusisa kung anong "Second Choice" niya. Ano pa bang mangyayari? Edi walang patumangga mo ring kinopya yung course niya.


Buong ngiti mong ipinasa yung application form pabalik sa iritable nyong guro at ipinagpatuloy ang buhay.


Marami pang naging ganitong eksena. Iba't-ibang application forms ang sinasagutan ng mga kaklase mong puspos ng pangarap na makapasa sa elegante at pamosong pamantasan, pero dahil wala kang pangarap sa buhay, nangungulangot ka lang sa desk at tamad kang lumuwas ng Maynila, nakuntento ka na sa sinagutan mong form, sa pamantasang isang ubo lang mula sa bahay ninyo.


Hindi mo pa lubos na naunawaan ang "stereotyping" ng mga papasukan mong kumpanya sa kung anong "University" ka naka-graduate 'pag dumating nang panahong kailangan mo nang maghanap ng trabaho. Hindi mo naisip na mas magandang grumaduate ng college sa mas kilalang eskwelahan at mas pogi points kung sikat yung school na nakasulat sa resume mo.


Nagpapabula ka lang kasi ng ilong sa High School.


Akala mo kasi ganoon lang kadali ang buhay.


Akala mo, High School ka na habang buhay... 

College Life: B.S. Biology For Dummies (The struggle is real!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon