Isang umaga, pinili ninyong balikan yung pamantasang nagpangalngal sa mga kili-kili ninyo dahil sa nakakangilong nitong Entrance Exam. Tiningnan ninyo kung naawa ba sa inyo ang langit at nabibilang ba ang mga pangalan ninyo sa listahan ng mga nakapasang nakapaskil sa bulletin board.
Mixed emotions ang lugar. May mga war freak dahil isang kembot na lang eh sasampa na yung pangalan niya sa list of qualified applicants pero nalaglag pa sa 'waiting list'. May mga labas-gilagid sa tuwa ng makitang nakapasa sila na parang nagkamit na agad ng College Diploma. Nagtatatalon at nagtititili na parang sila lang ang tao sa mundo.
Gusto mo na lang tampal-tampalin at sabihing, "Te, hindi ka pa nakaka-graduate. Entrance exam pa lang 'yan! Kalma lang! Lakas maka-Bar Exam ng paglabas ng tonsils mo sa galak!"
Masusi mong inilibot ang iyong mata. Ramdam mong butil ng pawis na tumatagas sa gilid ng iyong pisngi. Ramdam mong kaba na kung 'di ka pumasa eh baka isahog ka na lang ng mga magulang mo sa giniling, bukod pa sa kahihiyang aabutin mo sa mga mapang-kutya mong kaklase.
Pero hindi ka naman binigo ng tadhana. Nakita mong pangalan mo sa listahan ng mga nakapasa. Kinusot mong mga mata mo sa pag-aakalang guni-guni lang ang lahat, pero pagdilat mo, nakabalandra pa rin sa bulletin boar ang proud and loud mong pangalan. Isa na namang achievement ang bitbit mo pauwi. Ikina-guwapo mo yung pagpasa sa College. Ikina-kinis mo yung pag-turo sa pangalan mo na parang 'yon lang yung pangalang mayroon yung listahan.
Nilisan mo yung lugar, nakangiti at hindi lubusang naunawaan kung anong uri ba ng problema yung pinasok mo.
Ano bang mayroon sa "B.S. Biology"?

BINABASA MO ANG
College Life: B.S. Biology For Dummies (The struggle is real!)
HumorNaaalala mo ba kung gaano ka-tragic yung college life mo? Yung mga grades mong nama-muck you? At yung thesis mong ipinag-rosaryo mo pa sa poong Nazareno, 'wag lang ma-reject ng prof n'yo? Para sa mga Math at Chemistry subjects na tatlong beses mong...