Chapter 6: First day funk! First day of college life. (Totoo na 'to! Pramis!)

106 6 3
                                    

Chapter 6: First day funk! First day of college life. (Totoo na 'to! Pramis!) 

Akala mo simpleng "introduce yourself" lang ang magaganap sa simula ng klase. Pasabog pa naman yung mga minemorize mong linyahan para magpasiklab sa pagpapakilala sa klase pero naunsyame iyon ng napakahabang antayan para sa prof ninyong pabebe. Hindi naman lahat pero hindi gaya ng mga dedikadong teachers mo nung high school, yung mga nakadaupang palad mong prof's nung college eh masahol pa sa syotang pakipot. Walang "sense of urgency" para magturo at tila namumudmod lang ng cofetti kung makapag-distribute ng mga hand outs na magisa mong aaralin at isasa-puso. Parang nagbayad ka lang ng tuition para mag-self study, habang ang prof ninyo eh busy sa pagkain ng meryenda sa faculty room.


Well, hindi naman natin dapat lahatin. Marami ka ring nakilalang prof na dedikado sa tungkulin at pumapasok sa kwarto na walang dalang libro pero 'pag nag-discuss na eh parang apat na encyclopedia na yung napag-aralan ninyo. Nagpupunas ka na lang ng tumutulong dugo sa ilong mo sa sobrang dami ng impormasyong hindi mo alam kung saan nila hinuhugot sa utak nila. Karamihan sa kanila eh "fresh graduate" ng U.P. (Lakas ko maka-stereotyping. Lol.) Naalala mo ba yung prof mo sa "Botany" na ultimo tuldok sa ugat ng niyog eh alam ang "scientific term" at "physiologic function"? Oh yung prof mo sa "ecology" na ultimo huling piraso ng "energy" ng tubig sa photosynthesis eh alam kung saan napunta matapos tamaan ng sinag ng araw? Ganoon kabangis yung iba mong prof. Parang ngumunguya ng libro bawat umaga.


Pero mas marami sa nakilala mong propesor eh mga iresponsable at hindi mo alam kung paanong naligaw sa unibersidad para magturo. Yung mga tipong tuyong singkamas na kahit katasin mo ng karunungan eh wala kang mapiga dahil pumapasok lang sa klase niyo araw-araw upang mamigay ng hand-outs (Actually, hindi ito "bigay" bilang binibili ninyo yung handouts ng 75 Cents bawat page. Lol.) at magbasa ng kodigo nila habang nagtuturo sa klase. Mga incompetent teachers! Walang pakialam kung natututo ba yung estyudyante nila oh kung may saysay yung mga pinagsasasabi nila sa harap ng classroom. Punong-puno ng kapaitan ang chapter na ito. *Slurp!* Lol.


Bago pa man natapos ang unang araw mo sa eskwela, nakakilala ka ng mga bago mong kaibigan. Iba na ang mundo ng college. Hindi kagaya sa High School na tipong pamilyar na sa iyo yung mukha ng mga makakaklase mo dahil sa ibang sections lang sila manggagaling, pagdating ng college, iba't-ibang mukha at kultura na ang sasambulat sa'yo. Makakatagpo ka ng mga taong nanggaling pa ng Norte at Katimugang bahagi ng Pinas dahil yung Unibersidad ninyo eh isa sa pinakamalaking Unibersidad ng lalawigan.


Halo-halong kultura ng Kapampangan, Manilenyo, Ilokano at iba pang uri ng kabihasnang makikibagay sa kinalakihan mong pagiging Bulakenyo. Iba na ang college. Hindi na siya masyadong pambata. Mararamdaman mo na rin ang kumpetesyon. Naririnig mong nagpapakilala ang iba mong mahanging kaklase na kesyo "validectorian" daw ng High School nila at "Salutatorian" nung elementary pero wala namang bakas ng katalinuhan sa pagsasalita at alam mong may bahid ng pagka-kawatan ang hinatsa ng pagmumukha. Ngumingiti ka na lang sa desk mo at iniisip na parte ng pagiging college ang makasalamuha ng mga estyudyanteng "Grade Conscious" at tipong ibubuwis ang buhay para lang 'wag maungusan ng kaklase.


Matapos ang makailang ulit na "meet and greet" sa mga kaklase at prof mong may kanya-kanyang flavors ng personalidad, eh napagod ka na agad. Sariwa pa sa paningin mo ang paligid dahil bago pa ito sa'yo at marami pang sulok ng school ground ang hindi mo pa nalilibot pero naisip mong "apat na taon" ka namang mamamalagi dito at marami pang puwedeng mangyari.


Naka-upo kayo, sampu ng mga bago mong nakilalang kaibigan, sa hagdanan ng "integrated building" na favorite spot ninyo sa school. Tinatanaw ang bawat nagdadaan at naghahanap ng mga "diwata" - mga nilalang na may taglay na kakaibang alindog at swak para maging "eye candy". Naging libangan niyo na ang pagii-spot ng mga "crushable creatures" na dumadaan oh ng mga sinawim palad na balugang puwede niyong libakin. Ganoon natapos ang unang araw niyo sa klase. Nailaan ninyo siya sa mga "breaks" at "free time" na mas mahahaba pa kesa sa aktuwal na class periods niyo. Napaka productive! Lol.


Kilalanin natin mabuti ang mga prof mo sa college! Sino-sino nga ba sila?

** Lights Off **

** Screen shows next chapter **

College Life: B.S. Biology For Dummies (The struggle is real!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon