Chapter 4: Ka-Bio! Mga kapwa Biologists.

165 19 5
                                    


Biology: The study of life. Mukhang tama naman 'tong palasak na definition na 'to, dahil parang habang buhay kang mag-aaral sa kursong'to.


B.S. in Biology. Kurso raw ito ng mga nangangarap mag-medisina/doktor. Kurso ng mga mayayaman. Kurso ng mga matatalino.


Tinitigan mong sarili mo sa salamin, hindi ka naman makinis. Inamoy mong sarili mo, "hmmm.. ahhh! Bango!" pero, hindi ka naman amoy mayaman. Sinubukan mong mag-solve ng cross word puzzle, unang tanong pa lang nag-pass ka na, kasi hindi ka naman matalino. At higit sa lahat, wala kang ni-gabuning interes mag-Doktor. Pero bakit ito ang kinuha mong kurso?


Madali kasing mangopya ng "first choice"! Lol. Dudungaw ka lang sa papel ng katabi mo at voila! May course ka na sa college!


Pero hindi mo naisip kung saan ka pupulutin pagka-graduate mo. Hindi mo naisip na baka hindi ka nga maka-graduate sa dami ng lakas maka-amats na subjects na kakaharapin mo.


Unang bugso pa lang ng first semester niyo, anim na major Science Subjects agad ang kailangan mong meryendahin araw-araw. Idinadalangin mo na lang sa poong maykapal kung paano pagsasabaying isapuso ang General Zoology (Lecture and Lab), General Chemistry (Lecture and Lab) at Physics (Lecture and Lab).


Lahat sila pre-requisites ng iba pang susunod na major subjects, ibig sabihin, 'pag binagsak mong alin man sa kanila, ito nang magiging simula ng pagkagunaw ng mga pangarap mo sa college, dahil mahirap na raw ibangon ang sarili oras na may back subject (lalo kung major subject). Domino effect ang magiging trahedya.


Pero siyempre, dahil 'happy-go-lucky' ka at walang pakialam sa mundo, tinuloy mo pa rin ang mga paandar mo sa buhay.


Handa ka nang harapin ang mundo ng Biyolohiya.


Memorized mo nang full meaning ng Biology na kinalkal mo pa sa bagong bili mong dictionary.


Na-practice mo na rin kung paano mo ipapakilala ang sarili sa harap ng mga bago mong kaklase. Taos puso mo siyang inulit-ulit kagabi sa tapat ng salamin.


Handa ka nang harapin ang buhay college!

College Life: B.S. Biology For Dummies (The struggle is real!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon