6. Woodlands

17 6 2
                                    

Sylon

Nakarating na kami sa kabilang isla. Grabe nakakapagod. Kahit sumakay kami sa puting balyena, nakakapagod. Napagod ang kagwapuhan ko. Walang tatanggi.

Salpak agad sa lupa ang inabot ko pagbaba sa balyena na agad naging agilang puti. Majestic AF.

"Huy Sylon tayo. Mukha kang shunga. Umayos ka, we might not survive with you around."

Saraia ha. Manahimik ka. Napapahiya ako sa white-haired chic dito sa tabi ko.

"Saan na tayo pupunta ngayon? Alangan namang bumalik pa tayo dun sa Palawan. Kahit kaya natin yun dahil sa mga kapangyarihan natin, I have no doubt they'll throw us out, yet again.", sabi ni Artemis.

"Balita ko galing sa mga town dun sa Palawan, may nakatira daw dito sa baba. Dito sa mismong isla na to. Malay nyo, mahanap natin. Sabi nila freak daw tung nakatira dito eh.", sagot naman ni Krane, at lumipad papasok sa gubat sa gitna ng isla.

Sumunod kami. Ang kakapal ng puno sa gubat na ito, at halatang hindi ordinaryong puno. Puti ang katawan ng kahoy at madilim na shade ng pula ang mga dahon nito. Parang nakakita ako ng kasal na puro dugo. Pero, may naramdaman akong parang pamilyar ito. Judging by my sister's facial expression, I knew she had the same strange feeling.

Pati sila Artemis at Krane, parang kinilabutan.

"Death Woodlands."

Nanginginig ang boses ni Krane, at nakatingin sya sa malayo, na parang may nakikita syang multo.

Soon, I was staring deep into the woods.

May puting gumagalaw. Form of a lady... Then a man. Both of them with brown hair.

May balbas yung lalaki... at maiksing bob yung buhok nung babae...

I looked to my left to avoid seeing the ghostly figures.

Nakatingin si Saraia sa parehong direksyon, pero nakaluhod sya at umiiyak. Why the heck?

Mist formed around us. Red mist. Lighter than the color of the leaves. Pero parang mahapdi sya sa balat.

"Sylon..."

Yung boses na yun...

"Ma!"

Tumulo na ang luha sa pisngi ko. Shit life, ano ba 'to.

Tumakbo ako palagpas kay Artemis na sumisigaw paharap sa kaliwa ng "Manang! Manang sorry! Manang..." habang umiiyak ng parang walang bukas.

I hugged my mom.

She feels real. Totoo talaga. Tapos biglang naglaho lahat.

"Who the hell are you guys."

My last teardrop fell and I swear I'd kill that guy whoever talked for destroying my moment.

Ayan na sya, some asshole with light brown hair and a scar on his left eyelid going on to his cheek. Puro white ang suot. Ano 'to kasal? White hoodie, white pants... ang pulang-pula lang sa kanya ay ang kanyang mga mata.

Outsiders Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon