5. Rejection

22 6 4
                                    

Artemis


Ang aga aga ang ingay ng mga to!

"Sylon naman eh! Nagtetraining eh wag mo patayin yung halaman, punyeta naman oh!"

"Eh yun kapangyarihan ko eh!"

Lumabas ako ng bahay, pumasok sa mala-cube na gymnasium nila Krane at nakita silang nageensayo habang pinagaawayan ang puno na pinapalaki ni Saraia at pinapatay ni Sylon. Aba. Starting a session without me? I froze their feet from a distance.

Tumawa lang si Krane at lumipad papunta sa akin.

"It's been a month. Gumagaling na kayo ah. Hahahahaha buti nalang wala pang nakakakita sa atin. Magwawala ang mga taongbayan kapag nagkataong makita nila tayong may kakaibang abilidad."

I snickered and went over to the two. I unfroze their feet and all of us laughed.

"Ang aga aga ah, anyare?" I asked.

"Eto banaman kasing si Sylon! Nagpapractice ako magpalaki ng isang sapling eh! Pinapatay ba naman!"

"Eto kasing gawin nyo. Magpractice kayo ng sabay. Saraia, gumawa ka muna ng madaming malalaking puno. Sylon, hintayin mo sya. Kapag nakagawa na si Saraia ng up to ten trees, simula mong pagpapatayin. Palantain mo, i-dry out mo. Saraia, habang ginagawa nya yon, gawa ka lang ng gawa ng puno."

They nodded and did what I said. Nagsimulang gumawa si Saraia ng mga puno. Ilang segundo lang at nakagawa na sya ng sampu, at nagsimula na si Sylon sa paggamit ng kapangyarihan nya. The trees wilted one by one as more grew away from where the others died. Kami din ni Krane ay nagensayo. I made a ramp out of icicles and he slid across the ascending ramp. Then he took off.

Malaki-laki ang space sa loob ng gymnasium, parang isang malaking bahay na walang second floor o kahit anung bagay sa loob. Just plain walls, ventilators and a door. Pinatakpan namin ang mga bintana para walang makakita. And yes, alam ng mga magulang ni Krane tungkol sa mga abilidad namin, simula nung araw na dumating ang mga Velezuego. We've been helping with chores using our abilities since then.

Krane started gliding, so I made a landing platform using snow. Madulas ang yelo, kaya kapag maglalanding, snow ang gamit namin ni Krane.

"Oh crap! Saraia, isang buwan na!"

Nagulat ako at nagcrash si Krane dahil sa nawasak bigla ang snow platform.

"Owww..."

"Sorry Krane! Nagulat ako eh," I faced Sylon. "Bakit?"

Nagsalita si Saraia na mistulang kinakabahan.
"One month ang deadline namin sa project na paghuli sa iyo."

"Kaya maaaring ipapatrack down nya kami sa mga Guard sa branch na ito at kapag nalaman nyang nandito kami kasama mo, we're dead for sure." Sabi naman ni Sylon.

"Edi may paggagamitan ang mga inensayo natin. We'll be ready."

I made a bow out of ice and snow, streched it and made an icicle arrow out of thin air. Tapos, nag aim ako sa isang puno na nakausbong sa lupa sa loob ng gymnasium. It hit the tree and froze the part of it that was hit. Tapos nawala yung arrow.

"FREEEAAAAKS!!!"

Shit, who was that?? I looked at the open door and saw a small girl running away towards her mom. Kailangan ko syang pigilan dahil baka maisumbong nya kami sa kanyang mga magulang! Mabilis pa naman kumalat ang balita dito sa Palawan...

Outsiders Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon