Hi! Welcome sa aking Boutique. Halos dito na umiikot ang aking buhay. Sinisimulan sa pag-gising ng maaga, buksan ang shop, maglinis sa mga nakakalat na cut outs, pagtanggap ng mga customer, gumawa ng sketch at tinatapos sa paggawa na ng gusto nila. Medyo matagal din itong shop dito, mga 2 years na rin. Marami naman akong kasangga dito. Si Elena ang expert sa mga klase ng fabric at mga bagay na kailangan para sa ipinapagawa sa amin. Si Courtney naman ang assistant designer ko. Sina Daphne at Mia ang mga magaling sa pagtatahi at ako naman ang head designer at ala manager na din. Masipag at napaka-productive ng team namin. Naka 8 kasalan na kami this year. Sayang din kasi ang kita at talent fee pag hindi nagsikap.Wind Chimes
"Good afternoon sir. Welcome to Lynne's Boutique." Bati ko sa lalaking naka leather coat at may bitbit na helmet.
"Maka- sir ka naman sa akin Lynne." Bigla niyang wika
"Huh?" Sino kaya to, kakilala ko ba ito?
"Ano ba yan, kinalimutan mo na ang anak mo noong college." Pabiro niyang sagot
"Ay, oo nga! Sebastian, Ikaw pala yan. Di kita nakilala ha, ampogi mo na."
Nagyakapan kami at nagpatuloy sa pag-uusap.
"Oh, bakit ka pala nandito?"
"Ikakasal na kasi ako Lynne. At mabuti nalang nasabi ng mapapangasawa ko na sobrang galing mo daw, so ayun pumunta agad ako dito." Sagot niya
"Ano ba yan, inunahan mo pa akong ikasal. Pero salamat sa compliment ha."
"Wala bang nagpagawa sa'yo ngayon?" Tanong niya
"Wala, kaya pwedeng- pwede kong gawan ang bride mo. Teka, sino nga pala ang maswerteng babae?"
"Si Elizabeth, naalala mo pa?"
"Oo, yung patay na patay ka? Wow!"
"Oo. Pero Lynne, may lakad ako ngayon napadaan lang ako. Eto calling card ko, punta ka sa bahay bukas at doon tayo mag-uusap ng walang katapusan."
"Oo sure"
"Cge ha, hintayin ka namin."
"Okay, cge na baka ma-late ka sa appointment mo."
"Bye" Sigaw niya palabas
Kinawayan ko lang siya at umakyat na ako sa aming working area.
"Girls! Good news. May gagawin na tayong gown!" Bungad ko sa kanila
"Hay, sa wakas. May magagawa na din tayo." Si Elena
"Oo nga, medyo matagal na rin tayong hindi nakagawa" Courtney
"Bawi naman yun dahil sobrang dami ng ginawa natin nung gown." Elena
"Siya nga pala, sinong pwedeng sumama sa akin bukas?" Tanong ko
"Pwede ako Lynne." Sigaw ni Courtney na naglilinis.
"Cge Lynne, kami nalang bahala dito." Mia
"Okay, kain tayo? Treat ko!" Yaya ko sa kanila at hihindi ba naman tong girls ko.
BINABASA MO ANG
Lynne( On Hold )
General FictionNaging duwag ako noon. Sa mga bagay na hindi pa ako handa. Mali ang nagawa kong desisyon. Pero ngayon, nagbalik na ulit siya sa buhay ko, baka magawa ko na. Thus, We should learn how to start a new chapter in our life and just be positive and learn...