Sa ngayon, nakasakay na kami sa motor ni Courtney papuntang bahay nila Sebastian. Medyo malayo din pero keri lang di naman masyadong mainit ngayon at hindi masyadong ma traffic.
"Sigurado kaba sa dinaraanan natin Courtney?"
"Oo naman, ako pa! Lahat ng lugar dito sa manila napuntahan ko na." Sagot niya
"Sa La Torre subdivision daw sila"
"Oo alam ko yan, may kaibigan akong nakatira doon."
"Mabuti naman"
At dumaan ang mga oras at narating na rin namin ang lugar.
"Good morning guard. Pwede po bang makapasok?" Tanong ni Courtney
"Ano pong sadya ma'am?"
"Pupunta kasi kami sa bahay ni Mr. Sebastian Oliveros"
"Teka lang po ma'am, i co-confirm ko lang kung expected kayo."
"Okay na po mga ma'am pasok lang kayo. House number 44 phase 2." Wika ni manong guard
"Salamat po!" Sabay andar sa makina ng motor.
"Walang anuman."
At ayun, nakikita na namin si Sebastian at si Elizabeth na nakatayo sa may gate nila.
"Nandito na rin kayo." Bungad ni Sebastain pagkababa ko sa motor.
"Hi Ms. Lynne, idol po kita." Wika ni Elizabeth. Hindi parin nagbabago ang kagandahan at sexiness niya.
"Naku, salamat naman Elizabeth. Ang ganda mo talaga, di pa rin nagbabago ang mukha mo, parang teenager lang."
Tumawa lang siya at tapos hinila na niya kami ni Courtney papasok.
"Hayaan mo na yan Lynne. Matagal na yang hindi nagkaroon ng bisita." Wika ni Sebastian
"Okay lang naman walang kaso sa akin yan."
"Sino nga pala etong matangkad na babaeng ito?" Elizabeth
"Courtney po, Miss Elizabeth"
"Beth nalang, masyadong mahaba ang pangalan ko at Baste nalang kay Sebastian para madali lang ang buhay." Pabirong wika ni Elizabeth
"Okay Beth" Sagot ni Courtney
"Manang Isay, pakihatid po sila sa sala, tatapusin lang po namin ang niluto namin" Sebastian
Agad namang lumapit si manang Isay at sinamahan niya kami papasok.
"Lynne, ang ganda ng interior ng bahay nila" wika ni courtney habang tumitingin-tingin sa paligid.
"Puro sila graduate ng architecture, kaya eto kaganda ang bahay nila" Sagot ko sa kanya
"Ah, kaya pala. Ang swerte nila sa isa't-isa Lynne. Sana makahanap din ako"
"Marami namang nanliligaw sa'yo pero inaayawan mo naman"
"Eh, tambay at mga jeje pa. Maganda naman ako ha? Bakit ganun ang mga nagkakagusto sa akin"
"Hindi mo naman masisisi sila. Sa ganda mong yan? Hayaan mo nalang, makakahanap at matatagpyan ka din"
"Bakit ikaw Lynne, wala ka pa din? 25 kana. Pwede kanang mag settle down"
"Darating din ako jan, hihintayin ko nalang. At habang naghihintay,dapat masaya at positive lang ako parati"
"Well, tama ka naman, pero ang ganda talaga ng bahay nila. Ikutin natin?"
"Mamaya na yan, magagawa din natin yan mamaya. Ang importante masimulan na natin ang pagpa-plano ng sketch para sa gown niya."
"Ma'am punta na daw po kayo sa dining" Manang Isay
"Okay po" Sagot ko sabay tayo at naglakad papunta doon
"Kainan ba ito teh? Gusto ko to! Gutom na ako" Courtney
"Ako din, kanina pa"
"Hali na kayo dito Lynne at Courtney" Tawag ni Beth
Umupo na kami at pumwesto ako sa kaliwa katabi si Courtney.
"Gutom na ba kayo? Malapit na rin naman ito" Beth
"Okay lang" Courtney
"Tulungan kita sa pag-arrange ng mga utensils" Bungad ko kay Beth
"Pwede rin. Nandun sa cabinet, mga blue na glass plate at nandoon din ang mga kubyertos" Beth
"Tutulong din ako Lynne" Courtney
Pagkatapos naming mag arrange at sakto namang nailagay na sa mesa ang mga pagkain, sinimulan namin sa isang dasal ng pasasalamat at masayang kumain. Ang sarap ng luto ng soon to be husband and wife. Sa amoy palang at itsura mabubusog kana.
"Salamat dito Baste at Beth ha" wika ko
"Walang anuman. Kain lang kayo, sana magustuhan niyo" Beth
"Paanong hindi magugustuhan, itsura palang sobrang sarap na" Courtney
"Magaling kasing magluto si Baste, baliktad na nga eh, diba sabi nga sa kasabihan, masarap na pagkain ang daan sa puso ng lalake"
"Tinuruan ko na siyang magluto, palaging palpak" Baste
"Ang sakit mo namang magsalita?" Beth
"Totoo naman ha? Minsan, matabang, minsan masyadong maasim"
Nagtawanan kaming lahat ng biglang may biglang nagsalita.
"Hindi niyo man lang ako tinawag, may bisita pala tayo kuya"
Napalingon kaming lahat at nagulat ako sa nakita ko ...
Flashback
"Lynne, please be my girl, please"
Tumingin lang ako sa kanya at hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ako handa sa mga ganitong bagay, wala to sa mga priority ko."Lynne" Bulong niya na may luha sa kanyang mata
"Yes! Yes! Yes!" Sigawan ng mga tao sa paligid
Tumingin lang ako sa kanya at napaluha nalang.
Tumakbo nalang ako para maiwasan at lumayo. Nang marating ko na ang dulo ng gym, sumilip ako sa may pintuan at nakita ko siyang nakayakap kay Sebastian at umiiyak. Sobrang mali ng ginawa ko."Te, ampogi niya" Pangungulit ni Courtney na nagpabalik sa akin sa sitwasyon
"Sumali ka dito George, tulungan mo kaming ubusin ito" Sigaw ni Baste
Naramdaman ko nalang na nasa gilid ko siya at umupo at sinusubukan ko nalang na magkunwaring hindi ako kinakabahan. #ActNormal
Magmamadali nalang akong kumain para makaalis na ako dito.
"Teh, bakit ambilis mo naman kumain" Bulong ni Courtney
"Ha, hindi ganito lang talaga ako kumain"
"Echosera ka, ang hinhin mo kayang kumain. Ang sabihin mo, na iintimidate ka kay pogi. Tumabi kasi sa'yo"
"Hindi ah"
Nang maubos na ang pagkain sa pinggan ko, tumayo na agad ako.
"Beth, Baste una lang ako sa sala ha? May kukunin lang ako." Palusot ko
"Okay, nabusog kaba?" Pahabol na tanong ni Baste
"Oo naman"
At sa wakas nakalabas na rin ako. Ewan ko ba, hanggang ngayon nako-konsensya parin ako sa nagawa ko sa kanya dati. Alam ko namang mali pero hindi lang talaga ako handa. Kailangan ko lang mag-focus at magkunwari hanggang matapos ang appointment ko dito. Kaya ko ito!
BINABASA MO ANG
Lynne( On Hold )
General FictionNaging duwag ako noon. Sa mga bagay na hindi pa ako handa. Mali ang nagawa kong desisyon. Pero ngayon, nagbalik na ulit siya sa buhay ko, baka magawa ko na. Thus, We should learn how to start a new chapter in our life and just be positive and learn...