Maaga akong magbubukas ngayon kasi pupunta si Beth. Biglaan ang pagpunta niya kaya kailangan kong magmadaling maglinis.
Pagkadating ko, agad kong niligpit ang mga kalat sa waiting area. Bakit ba nagkalat ang mga papel dito. Pagkatapos, sa sewing area naman. Inayos ko ang mga tela na nakatumba. Malilintikan talaga sa akin yung mga babeng yun. Hindi man lang nagligpit. Umakyat naman ako sa taas at mabuti nalang at hindi magulo. Bibili muna ako ng makakain namin mamaya.Ano kayang ipapakain ko kay Beth. Sosyalin pa naman 'yun. Ay magluluto nalang ako ng adobo. Pagkatapos kong bumili ng mga sangkap, saktong nakapag luto na si Aling Sesa ng banana cue at toron.
"Aling Sesa, pa reserba ng toron ha. Kukunin ko mamaya" Bubgad ko sa kanya habang nilalagay niya ang mga turon sa labas
"Oo sige, ilang turon?"
"Sampu"
Tumango lang siya at nagmamadali na naman akong naglakad papunta sa shop. Mabuti nalang talaga at nakapag-pagawa kami ng mini kitchen dito. Magsisimula na akong magluto.
-----
"Malapit na ako diyan Lynne" Text message mula kay Beth at mabuti nalang malapit na akong matapos magluto. Mag a-alas 10 na pala, hindi ko namalayan ang oras.
Tumunog na ang chime sa baba so nandoon na si Beth. Bumababa agad ako pero isang lakake ang nandoon at tinatanggal ang kanyang suot na suit, pero iniwan niyang naka suot ang kanyang shades kaya hindi ko mamukhaan. Dahan dahan akong bumababa at lumapit sa kanya.
"Good Morning Sir. Anong sadya natin?" Bungad ko sa kanya
"Lynne, si George to." Napaatras nalang ako dahil sa gulat at dahil sabi nga niya siya si George
"Uyy.. Bakit nandito ka?" Anong klaseng tanong 'yun?
"Sasali ako sa inyo ni Beth. Kung okay lang naman sa'yo?" Tanong niya sabay tanggal ng shades. Kung pwede lang talagang sabihin na umalis ka na dito pero I should play nice.
"Oo naman." Ang plastic ko na :(
"Good. Siya nga pala may dala akong Brownies"
"Salamat, kunin ko ha?"
Tumango lang siya at lumayo na ako. Panginoon tulungan niyo ako, kahit hanggang matapos ang araw na ito. Nilagay ko nalang sa fridge. Bababa pa ba ako? Mamaya nalang siguro pagdating ni Beth.
"Nasaan si Lynne?" Si Beth dumating na. Salamat ha.
"Lynne, Hi!" Sabay yakap niya
"Eto may dala akong Sinigang, ako ang nagluto niyan ha"
"Seryoso Beth? Ikaw talaga?" Pabirong wika ni George
"Oo naman, masarap yan. Maasim"
"Syempre, sinigang yan"
"Binanabara mo talaga ako George ha!"
"Parang" Sagot niya
"Bakit kaba nandito? Hindi naman kita inimbita ha? Umuwi ka nga" Sige lang, pauwiin mo Beth, ipagpatuloy mo lang.
"Ang boring sa bahay eh, kaya nandito ako"
"Ang sabihin mo nami-miss mo si Lynne." Natigilan ako dun ah.
"Ihahanda ko lang ito sa taas. Tatawagin ko nalang kayo kung tapos na. Pagsingit ko sa tuksuhan nila
"Cge Lynne" Sagot ni Beth
Mahaba-habang araw pa ito. Kailangan ko na talaga ang patnubay ng Diyos.
Umakyat na sila at pumwesto na sa mesa.
BINABASA MO ANG
Lynne( On Hold )
General FictionNaging duwag ako noon. Sa mga bagay na hindi pa ako handa. Mali ang nagawa kong desisyon. Pero ngayon, nagbalik na ulit siya sa buhay ko, baka magawa ko na. Thus, We should learn how to start a new chapter in our life and just be positive and learn...