Isang napakainit na tanghali ang sumalubong sa amin habang nagsisimula na kaming magtahi para sa gown ni Beth. Hindi kinaya ng ventilation namin kaya minabuti nalang naming lumabas at magtipon sa waiting area. Medyo presko na dito kaya dito muna kami hanggang mawala na ang init sa loob ng sewing room. Matatagalan talaga kami nito."Lynne, talaga bang hihintayin nating mawala ang init? Sayang ang oras. Baka matapos na natin ang top ng gown" Panimula ni Elena
"Wala tayong choice. Masyado nang mainit doon at baka mag over-heat ang makina kapag ginamit pa natin."
"Ehh, paano ba'to? Hindi ko kayang tumunganga lang hanggang hapon" Courtney
"Matulog ka nalang Ning!" Pangungulit ni Daphne kay Courtney
"Sobra sobra na ang tulog ko" Sagot niya pabalik
"Courtney ikaw nalang ang bahala dito. Matutulog nalang din ako" Wika ko sabay kuha ng makapal na tela at yung unan sa sofa at inayos sa sahig.
"Matutulog ka sa sahig?" Tanong niya. Tumango lang ako at humiga
"Baka malamigan ang likod mo diyan"
"Yun nga ang gusto ko eh, sa init ba naman ng panahon"
"Manunuod nalang siguro ako ng movie, matulog kana"
Pumwesto na ako ng maayos at hindi na namamalayang nakatulog na ako.
-----
"Lynne, gising, Lynne" Ang una kong narinig na nagpagising agad sa akin
"Oh bakit?" Sabay kamot sa ulo
"Si George nandito"
Agad agad akong tumayo at tinulungan ko si Courtney na gisingin ang iba.
"Pasensya na sir, medyo nagpahinga lang" Si Courtney nalang ang nag entertain sa kanya.
"I see" Sagot niya.
Mukha nang lalaking 'to, istorbo. Sarap na sana ng tulog ko.
"Bakit po kayo nandito?" Tanong niya ulit
"Pinapunta ako ni Beth para ano, uhm --- para dito" Inabot niya ang isang tupper ware na makikita mong malamig ang laman.
"Wow! mango float..." Sigaw ni Courtney
Nagsitakbuhan ang iba papunta sa kanila at kinuha agad ang tupperware. Tumawa lang si George.
"George, umupo ka muna" Umupo naman agad siya.
"Maiwan muna kita ha"
Wala akong ibang maisip eh. Umakyat ako sa taas at kumuha ng mga plato at kutsara para makakain na. Nagsimula agad silang kumuha at masayang kumakain.
"Ang sarap naman nito!" Sabay sabay nilang sigaw
Totoo namang masarap. Parang makakarami ako nito ah.
"Lynne" Biglang tawag ni George sa akin
Tinignan ko lang siya at hinintay na may sabihin pabalik.
"Ano, uhm -- kasi"
"Ano?" putol ko sa kanya
"Wala"
Ang gulo naman nitong kausap. Kumuha pa ako ng isang slice. Ang sarap talaga kasi eh, walang biro.
Natapos na kaming kumain kaya dumiretso na kami sa sewing area at mabuti naman at nawala na ang init. Nagsimula agad kami. Nandito lang si George at ayun natulog na naman sa sofa.
"Lynne, babagay ba kay Beth ang ganitong neck line?" Tanong ni Courtney
"Bakit?"
"Parang hindi eh, sa palagay ko lang. Kasi hindi masyadong broad ang kanyang shoulder at hindi rin masyadong mahaba ang leeg niya, yun lang ang opinion ko"
"Tama ka, napansin ko rin yan. Kung tanggalin nalang natin ng sleeves" Pagsang-ayon ko sa kanya
"Yes, mas babagay sa kanya. Simulan muna natin sa neck line. Siguro Queen Anne neck line"
"Mas babagay ang Illusion para ma emphasize ang kanyang leeg at hindi na tayo masyadong mahirapan sa pag connect"
"Elena, anong mga tela binili mo?" Tinawag ko ang pansin ni Elena
" White Satin for the whole bodice, white silk and gray tulle ang para sa skirt, train at sa silhoutte" Sagot naman niya kaagad habang nagsusukat
"Ang galing mo talaga sa combination Lynne" Pagpuri ni Courtney sa kanya.
"Simulan na natin!"
At ayun dahil sa pagtulong-tulong namin, naging madali ang paggawa sa bodice. Lalagyan nalang namin ito ng design.
"Lynne, eto bumili ako ng gray na sequins at metallic beads" Elena
Inilagay na namin at pagkatapos pahinga na muna kami at kainan na naman. Ganito talaga kami kapag may ginagawa. Manunuod ng movies at ang paborito naming lahat, tukneneng,kwek-kwek at softdrinks for mirienda.
"Lynne, salamat ulit sa patulog ha. Aalis na ako, kailangan na ako sa trabaho eh" Biglaang nagpaalam si George sa likod na inaayos ang kanyang mga gamit.
"Oo cge, paki sabi din kay Beth na salamat sa ipinadala niya ha. At sa'yo din kasi naisingit mo sa schedule mo." Sinamahan ko siya palabas.
"Walang anuman, baka bukas nandito na naman ako, makikitulog at may dalang pagkain na naman" Biro niya
Tumawa nalang ako. At tumahimik agad ako.
"Oh sige na aalis na ako" Sumakay na siya sa kotse niya at kumakaway nalang ako.
"Lynne, nagiging comportable ka
na sa kanya ha" Pangungulit ni Courtney"Ha? Eh alangan namang hindi ko pansinin. Nilalakasan ko nalang ang loob ko."
"Bakit, may history ba sila Courtney?" Pangungulit nilang tatlong hindi nakasama namin sa bahay nila Baste at Beth
"Sus, kung alam niyo lang" Dumagdag pa talaga tong si Courtney
Nagpatuloy lang kami sa pagkukulitan at nahalungkat na ang lahat, may panukso na naman sila sa akin. At napagdesisyunan nalang naming ipagpa-bukas nalang ang paggawa. Ganun naman talaga diba, kapag nagkakatuwaan na, siyaka na tatamarin. Diba, aminin.
BINABASA MO ANG
Lynne( On Hold )
General FictionNaging duwag ako noon. Sa mga bagay na hindi pa ako handa. Mali ang nagawa kong desisyon. Pero ngayon, nagbalik na ulit siya sa buhay ko, baka magawa ko na. Thus, We should learn how to start a new chapter in our life and just be positive and learn...