Natapos na akong magluto at pinuntahan ko na sila Elena at Mia. Nasimulan na nilang nasukat at naitahi ang first layer ng train ng gown sa bodice."Tayo na girls, kain muna tayo. Pasensya na talaga at natagalan ako." Bungad ko sa kanila
"Sige sakto natapos na namin ito Lynne." Si Mia
"Hindi ba kayo nahirapan?" Dagdag ko
"Hindi naman, nandito kasi si Mia." Sagot ni Elena
"Sa baba nalang tayo kumain girls. Ang init na sa taas. Nasira na naman ang ventilator sa taas."
"Tulungan ka nalang namin" Elena
Ibinaba agad namin ang mga pagkakainan at nagsimula agad kumain.
Biglang tumunog ang windchime at si George ang nandoon may dalang tupperware.
"Hi" Habang papalapit siya
"Hello po" Sabay silang dalawa
"Eto" Sabay abot ng dala niya
Kinuha ko ito at inilagay sa mesa.
"Halika dito sir, upo ka po" Elena
"Pasensya na ha, dito na kami kumain dahil ang init na sa taas."
"Masarap kumain sir 'pag nakaupo sa sahig" MiaDahan dahan siyang umupo at pumwesto sa pinakadulo ng mesa. At nagsimula na siyang kumuha ng kanin at ulam.
Napansin kong hindi aiya kumukuha ng pakbet kaya pinagsabihan ko siya.
"Kumuha ka ng pakbet George" Wika ko na may tonong konting galit
"Masarap yan sir, magaling si Lynne magluto. Hindi mo na iisipin na gulay yan" Wika ni Mia
Tumango lang siya at kumuha na. Pagkatapos tinikman na niya. At yun, hindi na tumigil sa kakakain. Nasarapan siguro.
"Sir George, ang sarap naman nitong sphaggetti" Mia
"Talaga? Mabuti naman" Sagot niya at kumain ulit
"Ano kaba Mia, 'wag mo'ng istorbohin si sir George, masarap ang kain niyan. Salamat kay Lynne" Nanunukso na naman tong si Elena
Ngumiti lang si George at nagpatuloy lang kami sa pagkain.
-----
"Ako na ang maghuhugas Lynne" Pag representa ni Elena
Dumiretso na kami sa sewing room and as usual alam niyo na ang ginagawa ni George ngayon.
Ipinagpatuloy namin ang nasimulan nila Mia at Elena kanina.
"Mia, sigurado naba kayo sa length nitong first layer? Baka maapakan ni Beth ito"
"Sakto lang 'yan Lynne. " Sagot niya sabay abot ng second layer.
"Tulle na ang second layer diba Lynne?" Tanong niya
"Yes, sukatin na natin"
Nagsimula na kami at baka matapos namin ito hanggang sa 3rd layer.
-----
Nagsisimula na namang gumabi at natapos nga namin ang tatlong layer. Niligpit na namin ang mga gamit.
"Lynne, nag text si Daphne. Pupunta daw sila."
"Sige" Sagot ko at ipinagpatuloy ang pagliligpit.
Mga ilang oras ang lumipas at dumating na sila. May dalang maraming pagkain.
"Kainan na naman eto" Sigaw ni Elena
"Anong occassion?" Tanong ko
"Wala lang, mag se-celebrate lang" Sagot ni Daphne
BINABASA MO ANG
Lynne( On Hold )
General FictionNaging duwag ako noon. Sa mga bagay na hindi pa ako handa. Mali ang nagawa kong desisyon. Pero ngayon, nagbalik na ulit siya sa buhay ko, baka magawa ko na. Thus, We should learn how to start a new chapter in our life and just be positive and learn...