Sa ngayon, nandito ako sa bahay at hinihintay ko nalang si Elena at Mia para sabay na kaming magpunta doon. Hindi makakapunta si Courtney at Daphne dahil may pinuntahang affair sa school ng kanilang mga anak. Habang naghihintay, gumagawa ako ng sketch para sa terno ni Baste at George."Lynne" Sigaw ng dalawa sa labas. Ipinasok ko nalang ang mga gamit ko sa bag at nagmadaling lumabas at i- kandado ang bahay.
Maglalakad lang kami. Hindi naman kasi kalayuan yung boutique. Puno ng tawanan at kwentuhan kaya hindi na namamalayang dumating na kami. Nagtulungan kaming magbukas at pumasok agad.
"Magsisimula ba agad tayo Lynne? Pawisan pa kami" Elena
"Sige, bibili lang ako ng lunch natin."
Ano kayang bibilhin ko? Nananawa na kami sa mga ulam dito sa mga katabing kainan dito. Magluluto nalang ako ng pansit. I te-text ko muna yung dalawa na mag go-grocery nalang ako.
Nag-aabang na ako ng taxi na daraan. Puro occupied ang lahat at ang mga jeep puno. Matatagalan talaga ako nito.
Biglang tumigil ang mga sasakyan, stop na siguro.
Biglang may narinig ako na sumisigaw ng aking pangalan o baka katunog lang, hindi ko nalang pinansin. Ilang segundo,
may sumigaw ulit kaya napalingon na talaga ako at sa hindi kalayuan, may isang lalakeng kumakaway. Ako ba ang kinakawayan nun?"Lynne!" sigaw niya ulit, si George ba yan?
Umandar na ang mga sasakyan at umaandar na rin siya palapit.
"Lynne" Si George nga at tumigil talaga siya sa harap ko kahit maraming sasakyang naghihintay sa likod niya.
"May pupuntahan kaba?"
Tumango lang ako.
"Hatid na kita, pauwi na rin kasi ako"
"Huh"
Nagbubusina na ang mga sasakyan sa likod.
"Halika ka na, nagagalit na sila sa likod"
Sumakay nalang ako dahil binuksan nalang din niya ang car door. Umandar na ang sasakyan at siyempre walang kibuan.
"Lynne, mamaya pala pupunta na naman ako doon sa shop mo, may ipinapahatid si Beth."
"Ganun ba? Sige lang" Wala akong ibang maisagot eh, kaya hayaan niyo nalang.
Pagkatapos nun, wala na talagang naglakas ng loob para magsalita. Hanggang sa nakarating na ako sa grocery.
"Dito nalang ako George"
Hininto niya naman agad ang kotse at dahan dahan akong lumabas.
"Uhm--- hindi ba kita pwede samahan?" Biglang tanong niya habang sinasara ko na ang car door.
Ang sama ko naman kapag hinindian ko ito. Nginitian ko nalang siya.
"Pwede?" Tanong niya ulit
"Oo sige" Pilit kong sabi
"Ipa-park ko lang to ha?"
Hindi ko nalang sinagot. Kainis, mai-intimidate na naman ako nito. Kung hindi lang talaga ako mabait.
Hindi naman siya nagtagal at ayun, palapit na siya dito. Teka, diba naka suit siya kanina at slacks siya kanina? Ang bilis namang nakabihis nito. Naka polo-shirt na green siya na may mga anchor na embelishment at isang nakakasilaw na puting shorts.
"Diba naka suit ka kanina?" Bungad ko sa kanya
Tumango lang siya at ngumiti sabay tanggal ng kanyang shades at isinabit sa neckline ng polo shirt niya. Nagpapa-pogi ba'to?
"Bagay ba?" Tanong niya habang papasok na kami sa loob ng grocery store.
Tumango lang ako. Nakakahiya naman sa kanya todo japorms kahit mag go-grocery lang. Ako etong jeans at polo shirt na plain-colored kahit saang lugar eto lang talaga.
Siya na ang nag-presentang kumuha ng basket at push-cart.
"Huwag ka ngang O.A, basket lang ang kunin mo" Sermon ko sa kanya
"Opo ma'am, pasensya"
"Sa meat section tayo"
"Ano bang lulutuin mo Lynne?" Komportable niyang tanong may palapit-lapit pang nalalaman.
"Pansit" sagot ko naman agad
"Eh, nagluto ng sphaggeti si Beth, kukunin ko mamaya sa bahay nila"
"Ha? Ganun ba..."
Wala na akong ibang pwedeng lutuin na mabilisan.
"Adobo nalang?" mungkahe niya
"Seryoso kaba? Nanawa na kami sa kakain at kakaluto ko ng adobo."
"Eh, ako nalang ang uubos. Sa inyo nalang ang sphaggeti." At talagang naisip mo pa yan ha.
"Sige na nga."
Hindi na ako nakatanggi at kumuha na ako ng half kilo ng baboy. At nagtungo agad sa mga ibang kailangan. Nadaanan namin ang gulayan kumuha ako ng pang-pakbet.
"Para saan yan Lynne?"
"Magpa-pakbet ako"
Nakita ko ang reaksyon niya na parang sumama.
"Hindi ka parin nagbago ha" Biro ko sa kanya
"Eh, ayaw ko talaga sa mga ganyang klase ng gulay."
Parang bata talaga 'to. Naaalala ko pa noon, na kahit anong pilit namin sa kanya, ayaw niya talagang kumain ng gulay. Ang sarap kaya ng gulay. Iniyakan niya nga kami.
Pagkatapos naming makuha ang lahat ng kailangan, pumunta agad kami sa cashier area.
"Good morning ma'am, sir. May membership card po ba kayo?" Bungad ng kahera
"Teka kunin ko lang Miss"
Inabot ko sa kanya at isinauli naman niya agad pagkatapos niyang mag-swipe.
"Ma'am 350 pesos po lahat. Cash or credit card?"
Binigay ko na ang bayad ko at pagkalagay ng resibo umalis na agad kami. Akala ko pa naman aalukin niya na siya nalang ang magababayad. Ang hirap talagang umasa. Pero nagpumilit naman siyang bitbitin ang pinamili ko.
"Ihatid na kita pabalik" Alok niya
"Huwag na, maraming cab sa labas. Umuwi ka nalang"
"Talaga, sure ka?"
Tumango lang ako at tumigil sa parahan ng mga taxi.
"Pupunta ako doon ha, babalik agad ako" Sabay abot ng mga plastic bag
"Oo sige, oh eto na. Paalam"
Pumasok na agad ako sa taxi at kinakawayan ko nalang siya.
BINABASA MO ANG
Lynne( On Hold )
General FictionNaging duwag ako noon. Sa mga bagay na hindi pa ako handa. Mali ang nagawa kong desisyon. Pero ngayon, nagbalik na ulit siya sa buhay ko, baka magawa ko na. Thus, We should learn how to start a new chapter in our life and just be positive and learn...