"Ano yun Lynne? Bakit nagmadali ka?" Bungad ni Courtney pagka-upo niya.
"Ehhh, basta"
"Ano nga, hindi kita titigilan kung hindi mo sasabihin" Pangungulit nya
"Okay eto ha, pero sa atin lang ito."
"Oo naman, promise"
"Eh kasi, ka-klase ko siya noong 4th year college na ako. Mga 4 na subject siguro. Tapos, nagkakilala at naging magkaibigan. Pero isang araw, hindi ko inaasahang nanligaw siya sa akin sa harap ng maraming tao. Eh, wala naman sa isip ko ang makipag relasyon dati pa. Kaya ayun, tinakbuhan ko siya."
"Ano! Ang sama mo teh" Putol ni Courtney
"Alam ko, pero anong magagawa ko? Hindi ko naman kayang tumanggi kaya mas minabuti ko nalang na tumakbo."
"Parang sinabihan mo siyang hindi sa ginawa mo at mas iisipin niyang ayaw na ayaw mo sa kanya, dahil isipin mo, takbuhan ka? Masakit yun ha."
"Pasensya, okay. At ngayon lang kami ulit nagkita, simula noon"
"Hala, Lynne papunta na sila dito." Bulong niya
Umayos nalang ako sa pag-upo at nagkukunwaring may kinukuha sa aking bag.Umupo na sila at pumwesto.
"So Lynne, simulan na natin ang plan for the gown?"
"Okay let's start. What are your preferences?"
"Well, I would love a ball gown that is ornate on the shank area. The color would be be white with grayish shade and with the veil, I want it long"
"Noted, ikaw Sebastian gusto mo bang magpagawa ng terno?" I asked
"Yes, yung babagay sa gown niya at yung simple lang"
"Good"
"Ako din Lynne magpapagawa ako." Biglang singit ni George, kinabahan ako dun ah.
"Talaga? Anong gusto mo?" Plastic na tanong diba?
"All gray siguro, best man kasi ako. Ikaw na ang bahala sa styling."
"Okay, all of your requests are noted" Sabi ko sabay kuha ng notepad ko.
"Uhm Beth, May table kayo jan? Yung for drawing purposes"
"Oo ipababa ko lang dito."
"Magsisimula nalang kaming mag sketch para mapag-desisyunan mo kung okay na or kailangan pa ng another retouch"
"Okay that's good. Akyat lang kami sa kwarto ha, matutulog muna kami" Beth"Oo cge go ahead"
Pagkadating ng mesa, kinuha na namin agad ang mga gagamitin at sinimulan na ang pag sketch. Nag isip talaga kami ng matindi ni Courtney. At sa wakas may naiguguhit na kaming dalawa. Pinagtulungan namin ang gown at tig-isa kami ng terno. Sana magustuhan nila ang kinalabasan nito.
Pagkatapos namong mag-guhit at magkasundo nilagay nalang namin sa mesa sa sala ang mga sketch at napagdesisyunan na lumabas muna ang magliwaliw.
"Lynne, ang tahimik naman dito. Para walang ibang taong nakatira dito"
"Oo nga eh, parang mas lalala ang mga taong malungkutin dito" Pumunta kami sa bench at umupo at nagpatuloy lang kami sa pag-uusap at nagkatuwaan. Nagtagal din kami doon at lumabas na rin sila para papasukin kami ulit at kumain na naman daw. Pag dito kami titira, magiging mataba na talaga kami.
At nagsimula nang gumabi so nagpaalam na kami para makauwi na at para maka-iwas. na rin sa traffic. Pumayag naman sila kaya ayun, makakauwi na kami.
"Salamat Sebastian, Elizabeth ha" Wika ko habang papunta na kami sa labas
"Walang anuman. Salamat din sa inyo. Tatawag nalang ako kung kailan ako bibisita sa shop niyo" Beth
"Oo naman anytime. Cge bye"
"Ingat kayo Lynne at Courtney" Baste
"Oo naman"
Pinaandar na ni Courtney ang motor at kumakaway nalang ako habang lumalayo na kami.
BINABASA MO ANG
Lynne( On Hold )
General FictionNaging duwag ako noon. Sa mga bagay na hindi pa ako handa. Mali ang nagawa kong desisyon. Pero ngayon, nagbalik na ulit siya sa buhay ko, baka magawa ko na. Thus, We should learn how to start a new chapter in our life and just be positive and learn...