Prologue

2.1K 63 7
                                    


"Huwag mong sabihing hindi ka makakapunta?!" kaagad kong inilayo ang cellphone sa aking tainga sa lakas ng sigaw niya.


"Calm down, Shaina. Pupunta ako pagkatapos ng exhibit ni Jil, okay?"


"Well, mine is an exhibit too! Kababalik mo lang ng Maynila tapos hindi ako ang una mong kikitain?"


Napapikit ako ng mariin. I need to assure her that I will come. Hindi kakalma ang isang 'to hanggat hindi ko binibigyan ng kasiguraduhan.


"Alas singko ang simula ng exhibit ni Jil. Isang oras lamang ako doon at makakarating na ako diyan bago pa man mag alas sais y media." bahagya siyang natahimik. Mukhang hindi pa rin kuntento ang loka.


"Magtatampo ako!" kaagad naman akong natawa sa sinabi niya. She didn't change at all. Ever since we were in high school, her lines have been like this. Ganito siya palagi sa tuwing gusto niyang baguhin ko ang desisyon ko. But I know she badly knows how stubborn I am.


"Mahuhuli na ako, Shaina. Alam mong ayokong dumating doon kapag masyado ng marami ang mga tao. I'll call you later."


"I'm telling you now, Heidy. Dito ka na lang pumunta-" ibinaba ko na ang tawag dahil alam kong hindi niya ako titigilan hanggat hindi ko siya pinapakinggan. I parked my brio in front of Le Pavillon kung saan gaganapin ang art exhibit ni Jil.


Ngayon na lamang ulit ako nakatapak ng Maynila but everything just feels the same. Halos tatlong taon na rin kasi akong namamalagi sa Sitio Nueve. Now I just realize that it's been ages since I first came here.


Bago bumaba ay inayos ko muna ang pagkakatali ng aking buhok at nag retouch ng konti. I'm wearing a skinny black jeans and plain white vest. Pinasadahan ko ng tingin ang aking black stilettos na kabibili lamang kaninang umaga bago makarating rito. Napangiwi ako nang makita ko ang medyo pagpula ng aking sakong. Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ako sanay sa pagsusuot ng takong. 


Pagkatapos mag-ayos ay kinuha ko na ang aking handbag at lumabas na ng sasakyan. Bago pumasok sa loob ay sinuot ko na ang brown trench coat ko. Sigurado akong malamig ang loob ng exhibit.


When I entered inside, bunch of high class people are present. Pamilyar sa aking mga mata ang iba ngunit ang iba naman ay hindi. I bit my lower lip.


"Heidy!" kumaway sa akin si Jil. Napalingon pa sa gawi ko ang iba dahil sa pagtawag niya. Nginitian ko siya at saka kumaway pabalik. Kaagad ko naman siyang sinalubong ng yakap paglapit niya sa akin.


"Congratulations, Jil!" sa sobrang tuwa ay mas hinigpitan pa niya ang yakap.


"You look stunning! Mukhang nakakafresh ang pagtira sa probinsya!" amazement was evident on her face as she looked at me from head to toe.


"Hindi ba dapat salamat ang isasagot mo?" natawa siya sa sinabi ko. 


"I'll show you something!" mabilis na pag-iiba niya ng usapan. Hinila niya ako papasok ng exhibit at bawat sulyap ko ay nakikita ng dalawang mata ko ang mga gawa niyang nude paintings. Pansin kong ang iba ay landscapes ngunit mas marami ang portraits.

More Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon