Chapter 7

381 20 0
                                    


''Yung kabilang school ang dadayo rito?'' I sipped my iced coffee.


''Yeah, they chose to play on our soccer field though...They said ours is bigger...'' nagkibit balikat siya. Tumango naman ako.


Their soccer game will start after lunch this coming Friday. Ngumiti ako. Ito ang kauna-unahang laro ni Keith na mapapanood ko. Palagi ko lamang siyang nakikita tuwing training. But this time...it's going to be different. This is where I'll get to see the passionate side of him in the game. The will to do everything just to win.


''Ano bang meron? Do such games really take place every school year?'' ngumisi si Shaina sa naging tanong ko.


Dito na siya nag-aaral simula pa noong junior high school siya. Shaina and Keith have been batchmates for four years already.


Gusto kong magtanong sa kanya tungkol kay Keith noon ngunit hindi ko magawa. Pinilit ko kasi ang sarili ko sa paniniwalang makakalimutan ko rin si Keith dahil sa masungit niyang pag-uugali. But things got twisted. Mas lalo ko lamang siyang nagustuhan.


''No one has ever beaten our soccer team when Keith became their captain. Ewan ko ba sa lalaking 'yan! Magaling naman pala siyang maglaro pero sumali lang siya noong nag-grade 10 na kami.'' tinawanan ko siya.


''Keith's mind is indeed incalculable...'' napailing na lamang ako.


His thoughts are unforseeable. Yun bang wala siyang pinagkakatiwalaan sa kahit na kanino. It is as if you first have to sacrifice everything you have in order for him to trust you.


''Wow! Jowa ka?'' inirapan ko si Shaina.


''Napaka-supportive mo talaga...'' I grinned sarcastically. She giggled. 


Nakaupo kami rito sa bench sa may gilid ng field. Noon ay palagi lamang akong umuupo rito para lang patagong panoorin si Keith sa training nila. Ngunit ngayon ay mukhang nasanay na lang din si Shaina na dito palaging pumepwesto. Halos dito na rin kami kumakain tuwing recess at lunch.


Kung ikukumpara mo kasi sa canteen ng campus, mas masarap ang ihip ng hangin dito. Nasisilungan pa ang mga benches nang dahil sa mga malalaking puno.


''Shaina!'' tawag sa kanya sa isang bench na nasa may likuran ko.


Magkaharapan kami ni Shaina kaya nakikita niya ang mga tumawag sa kanya sa likuran ko. Kumpara sa akin, Shaina is more friendly. Halos yata ng mga nag-aaral dito ay kilala na niya. Sa pagkakarinig ko ay mukhang grupo ng mga lalake ang tumawag sa kanya.


Nilingon niya ang mga ito. ''What?''


''Maybe you want to introduce your friend to us?'' 


Kunot noo kong tiningnan si Shaina.


''As if naman ipapakilala ko siya sa inyo. Huwag ka ng umasa, Eric.'' umirap si Shaina at saka ako nilingon.


''What was that all about?''


Humalukipkip siya. ''They have been asking your name for a few days now, Heidy.'' kumunot muli ang aking noo.


''Ganyan ba talaga sila kapag may transferee?'' pabulong na tanong ko.


''You are not really used to this kind of thing, are you? O sadyang si Keith lang talaga ang nakikita ng mga mata mo?'' tumaas ang kilay niya.


''What kind of thing?''


Minasahe niya ang kanyang sentido na para bang hirap na hirap na siya sa gusto niyang sabihin.


More Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon