Chapter 1

356 17 0
                                    


This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


Inayos ko ang maalon kong buhok nang maramdaman ko ang paglakas ng hangin paglabas namin ng eroplano. Hindi naman mainit ang singaw nito kahit sikat na sikat ang araw. Inalis ko ang aviator ko.


"Kailan pa naging malamig sa Pinas at balot na balot ka?" pinasadahan ng tingin ni kuya ang aking suot.


"What should I wear then? Bikini?" tumaas ang kilay ko. Humalakhak naman siya.


"Why not?'' ngisi niya. Sa halip na pansinin siya ay muli na lamang akong nagpatuloy sa paglalakad.


Maulan sa France bago kami magpunta ng airport kaya nagsuot ako ng black turtle neck top na long sleeves at high waist pants. Alam ko na mainit ang panahon pagkalapag namin dito ngunit mukhang sakto lang naman ang suot ko dahil sa malamig na ihip ng hangin.


Paglabas namin ng airport ay nakita kong nakaabang na si mang Rolly dala-dala ang odyssey. Nginitian ko siya at kasabay nito ay ang pagngiti niya pabalik. Kinuha niya ang aming mga bagahe para ilagay na sa trunk. Tumulong sina papa at kuya at kami naman ni mama ay pumasok na sa loob ng sasakyan.


"Are you ready for your new school?" sabik na tanong ni mama.


"I'm not yet enrolled, ma. Tsaka isang buwan pa. Bakasyon muna." sumimangot ako.


"I'm excited for you!" sinundot niya ang aking tagiliran. She's always the jolly-mom type. Kaya tuwing nakikita kaming magkasama ay napagkakamalan kaming magkaibigan. That can't be denied though. Her face doesn't aged at all.


Baka ngayong linggo ay magpapasa na ako ng mga kailangan sa unibersidad na papasukan ko. Mas maaga, mas maganda. Inayos ko na rin naman ang lahat ng mga kailangang requirements bago pa man kami makauwi ng Maynila.


Sinimulan ng paganahin ni mang Rolly ang makina pagpasok nina papa at kuya sa sasakyan. Kinuha ko ang scrunchie sa aking palapulsuhan para itali ang aking buhok. Mukhang ngayon ko lamang nararamdaman ang pagod sa buong katawan ko. Pagkaupo ni kuya sa may likuran ay bahagya siyang lumapit sa akin. 


"Aminin mo na kasi," nilingon ko siya habang inaayos ang takas ng buhok sa aking tainga.


"Ang alin?"


"Nagsisisi ka sa outfit mo." tinaas baba niya ang kanyang kilay. Inirapan ko siya. Mukhang walang kapaguran ang isang 'to dahil gising na gising pa rin ang diwa niya sa pang-aasar. I'm 17 and he's three years older than me. Second year na siya at ako naman ay magsisimula pa lamang ng senior high school.


Ang magulang naman namin ay mahilig sa sining kaya iyon ang sinimulang negosyo nina mama at papa. Binebenta nila ang kanilang mga gawa at nakapaloob rito ang mga art class at workshops para sa mga gustong matuto. Since its development, they also started doing charity works in various orphanages.

More Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon