Chapter 8

334 16 0
                                    


Sa lakas ng pagkakasuntok ni Keith sa kanya ay mabilis siyang napaupo sa may damuhan. My eyes widened. Dinugo ang labi niya. Sa sobrang gulat ni Alec sa pagsugod niya ay mabilis siyang tumayo para itulak si Keith.


''What's your problem, asshole?!''


Lumapit ang mga teammates ni Alec at ganoon din ang mga teammates ni Keith. Pinigilan nila ang dalawa para hindi na magkasakitan. Ngunit muling naglakad si Keith papalapit kay Alec. Malakas ang kanyang pwersa kaya hindi na siya napigilan ng mga teammates niya. Walang kahit na anong salita ang lumalabas galing sa bibig ni Keith ngunit kitang-kita ko ang galit sa kanyang mga mata.


Nang makalapit siya kay Alec ay madiin niyang kinwelyohan ito at mabilis na sinuntok muli sa mukha. Nakaramdam na rin ng galit si Alec kaya kaagad siyang pumwersa at ambang susuntok na rin ngunit napigilan na siya ng mga teammates niya. Pumito ang mga referee.


I came back to my senses. Sa sobrang gulat ko ay naestatwa lamang ako sa nangyari. Everyone here in the soccer field became confused and loud because of the scene they made. Maraming players na ngayon ang pumigil sa kanilang dalawa at mabilis silang pinaglayo.


''Gago ka ba?!'' pagalit na sigaw ni Alec. Keith remained silent and didn't cut off his intense gaze on him.


Sa sobrang taranta ko ay mabilis akong naglakad papunta kay Keith. Paglapit ko ay doon lamang niya pinutol ang paninitig niya kay Alec at saka ako nilingon. I don't know what his problem is but Alec did nothing wrong to him.


''What's happening to you, Keith? What's the matter?'' paulan ko ng mga tanong ngunit bakas pa rin sa boses ko ang pag-aalala. His jaw tightened. 


Tinanggal niya ang pagkakahawak ng mga teammates niya sa kanya at saka na lamang naglakad paalis. Tiningnan ko siya habang naglalakad palayo. Ganoon din ang iba pang mga tao.



Alam kong hindi nila inaasahan ang nangyari dahil ako mismo ay nagulat din sa ginawang pagsugod ni Keith. I really want to chase him right now because that's what I always do every time he avoids me but this is not the right time to follow him. Bumaling ako kay Alec na nakatingin pa rin sa paalis na si Keith. Nilapitan ko siya.


''I'm sorry for what happened...Ayos ka lang ba?''


Nakuha niya pang ngumiti kahit duguan na ang kanyang labi at pisngi. ''You don't have to apologize for his sake...I'm fine...'' pinunasan niya ang konting dugo sa kanyang labi at saka ako nginitiang muli. Bigla namang lumapit kay Alec ang isa niyang teammate.


''Dean's office, dude...Nandoon na raw yung isa...'' tinanguan niya ito.


Gusto ko ring pumunta roon dahil nandoon si Keith. Hindi ako uuwi hanggat hindi ko nalalaman kung bakit ganoon ang kanyang ginawa. Pag-alis ng kanyang teammate ay kaagad siyang bumaling sa akin ng nakangiti.


''I don't know where your dean's office is...Can you show me where?''


Hindi ako nagdalawang isip na tumango dahil doon din naman ako tutungo. Pagdating namin sa tapat ng office ay hinarap niya ako.


''Can you wait for me here? I'll be fast...'' kumunot ang noo ko sa sinabi niya.


''Hindi mo naman kailangang magmadali...Hihintayin ko rin kasi si Keith dito...''


''Keith? You mean that guy?'' bakas sa boses niya ang bahagyang pagkainis. Dahan-dahan naman akong tumango.


He scoffed. ''Are you his girlfriend or something?'' natahimik ako. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil alam ko naman na ang sagot ay hindi.


More Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon