Chapter 5

370 19 1
                                    


"Do you want me to teach you how to seduce him?" ngumisi siya. Matalim ko siyang tinitigan.


"I'm not like you, Hence." umirap ako.


Tumawa siya sa ginawa ko at saka na lamang umiling. Hindi ko siya pinansin at sinimulang kainin ang pudding na nasa harapan ko.


Pagkatapos maghapunan ay dumeretso kaagad sila sa may sala habang kaming dalawa ni kuya ay umupo rito sa may bar counter nila. Keith immediately left and went upstairs after eating.


Alam ko kung gaano siya kasungit sa tuwing ako ang nakakausap niya ngunit ngayon ay daig niya pa ata ang babaeng may dalaw. Kulang na lang ay paalisin niya ako dito sa pamamahay nila. Sabik pa naman akong pumunta rito para makita siya.


"Tinatablan naman ako ng ganda mo..."


Nilingon ko si kuya. He's holding his chin as his eyes narrowed at me. Sinusuri ang kabuuan ng aking mukha habang sarap na sarap ang pagkakadekwatro ng upo sa may coaster bar chair. Tinaasan ko siya ng kilay.


Ibinaba niya ang kanyang mga mata sa katawan ko. "Baka naman kaya hindi ka niya type dahil hindi ka sexy?" umangat ang gilid ng labi niya.


Nakaramdamam kaagad ako ng inis. I raised my clenched fist.


"Oh! Oh! Oh! Walang ganyanan!" mabilis siyang tumayo at natatawang lumayo sa akin.


Inaaliw ba ako nito o sadyang pinipikon lang talaga?


Nanatili siya sa pagtawa hanggang sa makabalik siya sa kanyang upuan.


"That's a joke, Heidy. Ikaw kaya ang pinakasexy na kapatid ko." he winked at me.


Nanliit naman ang mga mata ko. "Baka nakakalimutan mo na ako lang ang kapatid mo at wala ng iba?"


He slowly smirked. "Exactly."


Inirapan ko siya. Tumigil lamang kami sa pagbabangayan nang biglang tumunog ang ringtone niya. He smiled broadly after looking at the caller ID.


Ipinakita niya ang kanyang cellphone para ipaalam sa akin ang pangalan ng tumatawag. Nakalagay doon ang contact name na 'Baby Cecile'. I scoffed.


"Pang-ilang baby mo na ba 'yan?"


He put his index finger on his lips. "Shh..."


Sinagot niya ang tawag at saka naglakad papunta sa may malaking pintuan nitong mansyon para lumabas. Napailing na lamang ako. Inilipat ko ang atensyon ko sa pagkalikot ng mga social media accounts. Pagbukas ko ay sunud-sunod namang tumunog ang notification dahilan para mapakunot ang aking noo. 


As I check on it, I just felt more annoyed.


Brixton Dela Vega sent you a friend request.


brixdelavega requested to follow you.


Brixxx followed you.


Napahilamos ako ng mukha. Hanggang dito ba naman ay ayaw niya akong tantanan? He even followed my inactive twitter account!


Mabilis kong pinindot ang decline sa dalawang request at saka pinatay ang cellphone ko. Now I don't know what else to do. Even my brother left me here all alone. Pumangalumbaba ako.


"Are you bored, hija?" napatalon ako sa boses ni tita na nanggaling mula sa aking likuran. Mabilis ko siyang nilingon. Nakangiti akong umiling. 


More Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon