Chapter 2

1.3K 68 2
                                    


"Heidy!" napatalon ako sa sigaw ni Shaina ngunit hindi ko siya tiningnan.


"Hmm?"


"Bakit hindi ka pa kasi umamin sa kanya? Isang linggo ka ng tumititig diyan, baka mamaya matunaw pa 'yan." napalingon ako sa sinabi niya.


"Paano ko naman gagawin iyon? Kahit nga kausapin siya ay hindi ko magawa."


"That's why I can't believe you! Ikaw na nga itong nag-malasakit noon, siya pa 'tong kung magsalita ay parang alam na alam ang buong pagkatao mo." humalukipkip siya. Sa sobrang lakas ng pagkakasabi niya ay napalingon ang mga estudyanteng malapit sa amin. I immediately put my index finger on my lips to shush her.


Isang buwan na ang nakakalipas simula nang mag-enroll ako sa unibersidad na ito. Iyon na ang pinakauna at pinakahuling pag-uusap namin ni Keith. Ngunit sa loob ng isang buwan na hindi ko siya nakikita, hindi pa rin ako natigil sa kakaisip sa kanya.


Inabala at nilibang ko ang sarili ko. Nagpunta ako ng mall, arcade, at KTV kasama si Shaina. Kung minsan naman ay tambay siya sa aming bahay o 'di kaya'y ako ang nasa kanila. Ngunit sa tuwing mag-isa ako ay halos siya pa rin ang laman ng utak ko. That's the time when I truly became aware of myself. May nararamdaman na nga talaga ako para sa kanya.


Sa unang araw ng klase ay hinanap ko kaagad sa napakalaking bulletin board ng campus kung saang strand nag-enroll si Keith. Nagulat ako nang makita ko ang pangalan niya sa listahan ng arts and design na kaparehas ng pinili kong strand. Ngunit naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko nang makita ng dalawang mata ko na magkaklase kami. Magkaklase kami! 


Nagtatatalon pa ako sa sobrang tuwa ngunit nagsayang lamang ako ng lakas dahil hindi niya sinipot ang aming klase sa loob ng isang linggo. I used to think that he was doing cutting class just so he wouldn't see me. I was wrong. Abala pala siya sa kanilang ensayo sa soccer team. Napag-alaman ko rin kay Shaina na siya pala ang captain simula noong junior high school pa sila kaya sa loob ng isang linggong iyon ay patago ko lamang siyang pinapanood tuwing recess, lunch, at pati na rin uwian. Kagaya na lamang ng ginagawa ko ngayon.


Alam ni Shaina kung ano ang nangyari sa araw ng enrollment ko kaya hindi talaga siya makapaniwala kung bakit hanggang ngayon ay gustong-gusto ko pa rin si Keith sa kabila ng pagsusungit niya sa akin.


Medyo matagal na rin kasi iyon kaya hindi na malaking bagay para sa akin ang sinabi niya noon. Hindi rin naman kasi niya ako ganoon kakilala para samahan niya. I understand why he was so annoyed at that time. Muli kong pinanood si Keith.


"Ano? Hindi ka pa ba sasabay sa akin pauwi?" masungit niyang tanong.


"Mauna ka na." hindi ko ulit siya tiningnan at pinagpatuloy lamang ang panonood kay Keith.


"Magtatampo na talaga ako sayo!" padabog na umalis si Shaina. Hindi na ako nagbalak pa na habulin siya. She's always like that. Ngunit sa tuwing nakikita niya ako ay hindi naman siya nagtatampo. Natatawa na lamang akong umiling habang direkta pa rin ang tingin kay Keith.

More Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon