Chapter 3

872 53 0
                                    


Nagising ako sa tunog ng alarm ng aking cellphone. Alas sais pa lamang ng umaga ngunit bumangon na kaagad ako sa kama ko. Simula nang mahuli ako sa klase kahapon ay ayoko na talagang umulit. Pagkatapos maligo at isuot ang aking uniporme ay nag-ayos ako ng konti sa may harap ng salamin. Bumaba kaagad ako papuntang kusina.


Amoy na amoy ko kaagad ang bango ng sinangag na niluluto ni manang. Bigla kong naring ang ingay ng aking tiyan.


"Good morning, princess." nakangising bungad ni kuya pagdating ko ng dining area.


"Stop calling me that, Hence." he glared at me.


"Kuya mo ako, Heidy." natatawa na lamang akong umiling.


"Good morning, manang Rita!" masayang bati ko kay manang. I went straight to the high chair of the bar counter to sit.


"Good morning din, Heidy." ngumiti siya pabalik.


"Why don't you sit over there? Hindi mo naman kasi abot iyang upuan diyan. Huwag mo ng subukan bata." he sticked his tongue out. Sinamaan ko naman kaagad siya ng tingin.


"Abot ko no! Ayan oh!" masungit kong iminuwestra sa kanya ang sarili ko na nakaupo na sa may high chair. Tumawa na lamang siya sa reaksyong binigay ko at umupo sa hapag kainan habang inaayos ang kwelyo ng kanyang uniporme.


Hotdogs, bacons, and eggs are on the dining table. Ang nilulutong sinangag na lamang ni manang ang hinihintay namin.


"Maupo ka na roon, Heidy at malapit na itong maluto..." ani manang.


"Hintayin ko na po kayo, manang..." pumangalumbaba ako. Napangiti naman siya.


"Si mang Rolly po?"


"Nasa labas...Nililinis ang kotse ng kuya mo..." tumaas ang kilay ko. Hindi ba't kakalinis lang ni mang Rolly sa sasakyan niya kahapon? Inikot ko ang upuan ko at masungit kong hinarap si kuya. Abala lamang siya sa paglalaro ng kung ano sa kanyang cellphone.


"Kuya!"


Kumunot ang noo niya. "What?"


"Pinalinis mo na naman ang kotse mo kay mang Rolly?" humalukipkip ako.


"Another girl threw coffee on it..." agaran niyang sagot.


"Again?" I scoffed. "What's your reason this time?" tinaasan ko siya ng kilay.


Halos hindi ko na mabilang kung nakailang girlfriend na ba siya dahil sa papalit-palit niya. He doesn't take them seriously. Only flings and nothing more.


Palagi siyang napapagalitan kay papa dahil sa mga kalokohan niya pagdating sa mga babae. But he never learns. Sa sobrang pag-aalaga niya ata sa akin ay wala ng natira para sa mga babae niya.


"As usual...Sinabi ko na may bago na ako..." I was about to burst out when he cut me off by raising his palm.


"Don't scold me. That was just an alibi. Wala pa akong bago..." ngumisi siya habang patuloy pa rin sa paglalaro ang mokong.


Napairap na lamang ako sa kawalan.


"And what name did you use this time for that stupid alibi?" nanliit ang mga mata ko.


More Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon