Refrain 1

2.8K 159 6
                                    

"Bakit andami atang estudyante?" Tanong ni Maine sa best friend na si Valeen.

Unusually, ang sikip ng hallway sa building ng juniors, eh sa mga ganitong oras dapat nasa loob na ng classroom ang mga estudyante.

"Nakalimutan mo na ba? Di ba dinisperse ang seniors kasi nga ginagawa ang--ow, excuse me-- building nila," tumagilid ang dalawa para padaanin ang nagtatawanang mga estudyante. Idagdag pa ang mga naglalakihang bag, at talagang sumikip ang corridor.

Bakit ba kasi ayaw pa ipagamit yung mga locker, isip-isip ni Maine. Hinigpitan niya ang kapit sa gamit niya para hindi mahulog.

Sa awa ng Diyos, nakarating din sila sa classroom. Sumandal muna si Maine sa pader bago ang pintuan at pinunasan ang pawis. Hindi pa nagsisimula ang klase, hulas na hulas na siya.

"Sa building lang ba natin in-assign ang fourth years?" Tanong niya ulit kay Valeen.

"Hindi daw. Pero parang oo, kasi sobrang sikip dito jusko. Ang init-init pa. Sana maayos na yung schedule natin," reklamo nito, at agad binuksan ang pintuan, subalit napahinto nang makita ang loob ng silid-aralan.

"Val? Ano na? Wala ka bang balak pumasok? Tambay na lang tayo dito?"

"Meng... mukhang may gumagamit ng room eh."

"Eh. Pwede ba yun, eh may klase tayo. Patingin nga."

Maine took Valeen's place and frowned when she saw a group of boys gathered by the frontseats. One of them, the one with an enviously fair skin, was holding a guitar. Maine turned a shade of pink when she realized they were all looking at her.

"Umm," she shuffled on her feet, biting her lip. "M-may klase pa po kami."

"Ah ganun ba," sabi ng isa sa kanila, yung medyo maputi at makapal ang kilay. Nakawax ang buhok nito na akala mo eh si Dao Ming Zu. "Pero nauna kami dito eh."

"Miss, wag kang makinig diyan," sabat ng isa pa; ito mukhang mas mabait. Kilala siya ni Maine-- si Jordan Perez, yung laging natatawag sa stage dahil nananalo ng maraming contest. "Ang ibig niyang sabihin, paalis na rin kami. Pag marami-rami na kayo, alis na rin kami. Di ba, mga paps?"

Nagsitanguan sila. Maine nodded, tsaka hinila si Valeen papunta sa likod ng classroom. Their conversation receded into whispers as they boys continued their sniggering.

"Meng, patingin ng assignment sa science!"

Nag-angat ng tingin si Meng mula sa notebook niya at sinimangutan si Valeen. "Yung tanong o yung sagot?"

"Um... pwede both?"

Nailing na lang si Maine at natawa sa kaibigan niya. Kinuha niya ang notebook sa bag at iniabot ito, at akmang babalik sa pagsusulat nang magsitawanan na naman ang mga lalaki. Sinarado niya ang dilaw na kwaderno at bumuntong hininga. Hindi rin naman siya makakapagconcentrate.

"Pre, seryoso kasi ako. Ayusin mo yung gagawin mong kanta! Kapag ako hindi sinagot--"

"Sigurado akong kapag binasted ka, hindi ko na kasalanan yun," nakangising sagot ng lalaking may hawak ng gitara.

Oh, so gumagawa siya ng kanta? Tanong ni Maine sa sarili. Pinanood niya ang lalaki na mag-strum ng gitara habang pinapakinggan ang bulungan at kwentuhan ng mga kaibigan niya. Maine then decided that the guy was familiar, hindi niya lang mapinpoint kung saan niya nakita.

"Huy," pagsiko sa kanya ni Valeen, na mukhang napansin na ang malayong tingin ni Maine. "Makatitig ka naman! Matunaw naman siya!"

"Di ba pamilyar siya?"

"Sino diyan?"

"Yung naggigitara."

"Ah, gusto mo pala yung musikero ah."

Sinamaan siya ng tingin ni Maine. "Wag ka ngang nag-aadik. Saan nga natin siya nakita?"

"Sa panaginip. Coz he's the man of your dreams."

"Akin na nga yang assignment ko at sagutan mo na lang yang iyo!"

"Joke! Joke lang Menggay, ito naman, di ka na mabiro," kinuha ulit ni Valeen ang notebook at tinignan ang lalaking naggigitara. "Hindi ako makapaniwalang hindi mo kilala 'yan. Palagi kaya siyang kasali sa St. John Got Talent. Siya yung nagperform bago yung banda nina Claire tsaka pagkatapos sumayaw nung pok-pok, este pom-pom girls."

"Baka kasi hindi naman ako dito nag-aral the past years."

"Ay. Oo nga pala."

Tumingin ulit si Maine sa lalaking naggigitara. Ngayon ay tumigil na siya sa pagtugtog at tumatawa dahil ginagaya ng isa sa mga kaibigan niya ang principal. "Ano nga ulit pangalan niya, Val?"

"Uuuy, si Menggay, interesado," pang-aasar pa ulit ni Valeen.

"Bakit? Masama bang alamin ang pangalan niya?"

"Oo, tama yang prosesong pinagdadaanan mo. Una, pangalan muna. Tapos kung may girlfriend ba siya. Tapos kung ano schedule niya. Tapos--"

"Valeen! Isa pa!"

"Sungit mo. Meron ka ba ngayon?" Humalakhak si Valeen. "Richard. Faulkerson. Di ko alam kung may lahi siya, wag mo kong tanungin. Alam ko junior siya, kaya RJ tawag sa kanya. Dami ring fans, palibhasa may itsura. Ano, crush mo ba? Nagdadalaga ka na? Gusto mo mag-hi tayo?"

"Umayos ka nga, marinig nila tayo!" 🎵

Melodious Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon