Instrumental (6)

1.7K 164 8
                                    

Dear [Kuya] RJ,

OY! ILANG ARAW KA NANG HINDI NAGPAPARAMDAM, ALAM MO BA YUN? *insert curse words here kasi pipingutin mo ko pag nagmura ako* Nakakatampo ka, sobra. No, hindi kita na-mimiss, wag kang assuming.

Sige na nga, namimiss na kita. Pero konti lang. Miss ko lang si Faulkergram, Faulkerdad, Faulkersis, at si Faulkerbro. SIGE NA NGA tsaka ikaw na rin. Pero mostly yung smiley mo. :)

Kung nababasa mo 'to, that probably means may hindi magandang nangyari. Kung anuman 'yun, I'm pretty sure I have my part in that. Kaya sorry, ha? Please don't be mad at me for too long, baka hindi ko kayanin.

If you're reading this letter (dalawa kasi yung prinepare ko), it might mean our friendship has ended, I'll have you know that I'd treasure every memory we have close to my heart. Ikaw yung ala-alang babalikan ko paulit-ulit kasi masaya kahit masakit. You're the only person who was able to see right through me, alam mo ba yun? Nakakatakot ka nga minsan, kasi parang nababasa mo na yung nasa isip ko. You really do have a special place in my heart. Iyo lang 'yang lugar na 'yan, wala kang ibang makikita diyan.

Sabi ni Valeen ang bata ko pa daw para malaman ang ganitong mga bagay. Sabi ko, I have an old soul anyway.

I'm leaving for Bulacan today. Gawa na 'yung bahay namin 'dun kaya pinapabalik na kami ni Tatay. Kaya ko sana gusto makipag-usap para makapagpaalam ako ng maayos, pero okay na rin 'to no? Kasi makikita mo ko umiyak, eh ang panget ko pa naman pag umiiyak! Hahaha! Kung mag-aalala ka man sa'kin, wag na, malaki naman na ko. Kaya ko ang sarili ko! Ikaw ang mag-iingat, lampa ka pa naman. Hahaha!

Basta lagi mong tatandaan, I will always always always be proud of you. Anuman ang marating mo sa buhay. Kasi sa higit tatlong buwan na nakilala kita, I learned na ikaw yung tipo ng taong walang ibang binibigay kung hindi ang best niya. And with that kind of attitude, I know you'd reach places someday.

Nagtitiwala akong kaya mo. Ikaw pa ba?

Lovelots,

Your Maine

P.S. AUDITIONS MO NA GOOD LUCK

P.P.S. ISULAT MO NA YUNG KANTA! Iparinig mo na lang sa Kupal Four, maayos naman mag-judge ang apat na 'yan. Binilinan ko na sila.

Melodious Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon