Refrain 4

2K 156 15
                                    

Kahit di ka pumunta, kakanta pa rin ako. Bahala ka, hahayaan mo bang mapahiya ako sa harap ng maraming tao? :)

That was the last text message RJ sent to Maine. On the last day of exams, pumayag na si Maine na makipagkita para makuha niya na yung notebook niya. May two-hour break naman bago magstart ang exams nina RJ, and frankly di niya alam kung dapat bang mas kabahan siya sa pagkanta niya sa harap ni Maine kesa sa exam niya.

Though pinarinig niya na kay Maine yung intro ng kanta, at mukhang nagustuhan naman niya.

"Paps, saan ilalagay ang amplifier?" Tanong ni Jordan. Nakatambay silang lima sa may maluwang na parking lot sa tapat ng school, sa ilalim ng malaking puno ng kamatsili. Diretso silang nasa tapat ng gate, para makita agad siya ni Maine paglabas nito.

"Binata na talaga si RJ-pot," ngisi ni Aaron, na agad ding nakatanggap ng sipa mula kay RJ. Nakasandal ito sa puno, hawak hawak ang gitara habang nakapatong ang notebook ni Maine sa hita niya.

"Lapag mo lang diyan, Jords, salamat. Si Je at Kaloy, asaan?"

"Nagbibihis," Jordan quipped. "Sasayaw daw sila, para may contribution sila sa performance of gratitude sa syota mo."

"Di ko siya syota, abnormal."

"Eh di textmate."

Kumunot ang noo ni RJ, nag-aalala sa kung anong pakulo meron si Kaloy at Jerald. Hindi naman sa ikinakahiya niya ang mga ito, pero ayaw din niyang madisappoint si Maine. She was a deep person with classy standards. In the short time na nagkakilala sila (kahit palagi silang textmates) alam niyang hindi basta-bastang babae si Maine. Kahit pa tatlong taon ang bata nito sa kanya. (Maaga daw siyang pinag-aral, tapos in-accelerate pa). Kaya pala hindi mawala sa kanya na tawaging 'kuya' si RJ.

"Mga Papi-bels! Andito na kami!"

Halos maduwal si RJ.

Parehong nakaputing tights si Jerald at Kaloy, with matching white leotard narin at makintab na palda para takpan ang dapat takpan. May suot pa na mahabang wig si Jerald at nakalipstick si Kaloy, na malalawak ang ngiti dahil hindi maipinta ang mukha ng mga kaibigan nila sa gulat.

"Kadiri! Ang panget niyo paps!" Hawak ni Aaron ang kamay niya habang tumatawa. Si Jordan halos ayaw tignan ang mga kaibigan niya.

"Hoy," ngisi ni Je. "Ang ganda ko kaya."

"Tsaka mahiya ka sa lipstick ng nanay ko 'no," dagdag pa ni Kaloy. Tsaka niya napansin si RJ na ayaw alisin ang pagkakatakip ng kamay mula sa mukha niya. "Paps! Nakakaoffend ka naman eh! Tignan mo naman kami!"

"Ayoko, ang papanget niyo," nanginginig sa kakatawa ang balikat ni RJ.

Kaloy and Jerald then proceeded to skip towards him, their skirts fluttering about, trying to pull his arms away from his eyes. "RJ-pot! Tingin!"

"Hoy, tama na yan," sita ni Jordan. "Palabas na mga third year oh."

Nabigla ng tayo si RJ. Sinamaan niya ng tingin ang dalawang kaibigan tsaka pinulot ang notebook ni Maine na nahulog sa lupa. Pinagpag niya ito at ipinatong sa amplifier, tsaka tumayo at kinakabahang sinigurong nakatono ang gitara.

Kinakabahan talaga siya.

Hindi niya alam kung bakit, pero kinakabahan talaga siya.

Hindi naman ito ang unang beses na kakanta siya sa harap ng tao. Pero ito ang unang beses na kakanta siya para sa isang tao, bukod sa nanay niya.

"RJ!" Aaron hissed. "Nakita ko na mga kaklase niya!"

"Ito na nga oh, aayos na!"

RJ hopefully looked at the gates, scanning the students. Mga kaklase na nga ni Maine ang lumalabas, pero nasaan siya? He took a deep breath, and started his intro.

Melodious Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon