"Kung kailan graduating kayong lima, tsaka kayo nagloko! And you, Mr. Perez! I did not expect this from you!"
Napayuko na lang si RJ at ang mga kaibigan niya. Mukhang wala kasing preno ang bibig ng vice-principal nila na si Mr. Yolaba. At wala rin itong balak makinig sa kanila. Galit na galit ang kalbong guro na kahit anit nito ay namumula, pati ang mukha niya. Nahuli kasi nitong tinitignan ni Jordan, Kaloy, RJ, Jerald, at Aaron ang answer key sa Math test. Ang exam na dapat ay kukunin ng buong fourth year sa darating na periodicals.
Kung tumigil lang sana ang vice-principal sandali, eh di sana nalaman na nito na hindi naman sina RJ ang kumuha ng answer key-- sadyang nakita lang nila ito sa bag ng binata.
"-- makakarating talaga ito sa parents niyo! And--"
Natigil ang vice-principal nang sunod-sunod na katok ang kanyang narinig. Mr. Yolaba stood straight and cleared his throat. "Pasok!"
A girl entered the room. Nakayuko ito, at napansin ni RJ na naginginig pa nga ang mga tuhod nito. He didn't immediately recognize her, but when he did his frown turned into confusion. Short hair, morena, full lips.
Nag-angat ng tingin ang babae at isa-isang tinignan ang mga kaibigan ni RJ, bago nasalubong ang mata ng binatilyo. Agad din siyang umiwas at tinignan ang vice-principal.
"Yes, miss...?"
"Mendoza po, sir. Umm, Maine Mendoza."
"Yes, Ms. Mendoza? Can't you see I'm kind of busy right now?"
"Sir, a-ano... narinig ko po kasi na nahuli niyo na daw po yung mga nagnakaw ng math test."
"At paano mo naman nalaman 'yun?"
"Kalat na po sa buong school," mahinang sagot ni Maine. Gulat na nag-angat ng tingin si Aaron. "Kalat na? Agad?"
Nag-aalangang lumingon sa kanya si Maine at tumango. Sinamaan ito ng tingin ni Mr. Yolaba ngunit naibalik din agad nito ang tingin sa dalagita. "Yes, Ms. Mendoza. Andito na nga ang mga kawatang nagnakaw ng answer key."
Alarmang lumipat ang tingin ni Maine mula sa limang lalaki papunta sa kanilang guro. "Pero sir--"
"Makakaalis ka na, Ms. Mendoza."
"--teka po--"
"Salamat sa concern mo."
"--pero hindi po--"
"Wag kang mag-alala, karampatang parusa ang makukuha nila."
"--SIR PWEDE BANG MAKINIG KA MUNA SANDALI?" pulang-pula at hingal na hingal na naisigaw ni Maine. Miski si Jerald, napabulong ng mahinang 'whoa'. Sinong mag-aakalang galing sa babaeng 'yun ang napakalakas na boses na 'yun?
"Sinisigawan mo ba ako, Ms. Mendoza?"
"H-hindi po, sir. Hindi po," napalunok si Maine at napaatras. Ramdam niya ang patuloy na pag-init ng kanyang mukha, na kahit aircon sa loob ng kwarto butil-butil ang pawisna tumutulo sa gilid ng kanyang mukha.
Sinasabi na nga ba at maling desisyon ang magpunta pa siya dito. Dapat hinayaan na lang niya at hindi na nangielam. Kaya lang nakita niya na ang dismayadong mukha ng limang magkakaibigan, at isa pa, nakatitig sa kanya si RJ na parang inaabangan kung anong gagawin niya.
Huminga siya ng malalim at lumunok bago harapin ang vice-principal. "Sir, hindi naman po silang lima ang nagnakaw nung answer key. Nandoon po ako sa may tapat ng faculty room nung araw na 'yun at sigurado po ako," lumunok ulit si Maime at pinasadahan ng tingin ang lima. "Wala po ni isa sa kanila ang kasama sa pumasok sa faculty room."
Mr. Yolaba looked shocked at Maine's confession. The five boys looked at her hopefully, like she was an angel that came down from heaven to save them.
BINABASA MO ANG
Melodious
Fanfictionmelodious (adj.) - full of melody, tuneful, musical; sweet sounding. In which Maine Mendoza (poet, vlogger) works with fading star singer Alden Richards (musician, singer). For fate, it was a masterpiece-- a girl who writes with her blood and soul...