Yeona's POV:
.
.
"Ahhh!!" Sigaw ko nung muntikan ako madulas sa ice skating rink, buti na lang at nasalo ako agad ni Thunder,
.
.
"Nagsuggest-suggest kang pumunta dito, pero hindi ka naman pala marunong mag-skate." Sabi niya at binitawan ako nung makatayo na ako ng maayos,
.
.
"Edi tuturuan!" Sigaw ko at inis-snaban siya,
.
.
"Galit ka niyan?" Tanong niya sa akin at hinarap ako ulit sa kanya,
.
.
"Ay hinde!" Sigaw ko at nilayuan ko siya ron,
.
.
"Huy... Wait lang!!!!" Sigaw niya at humabol sa akin, "Ang cute ng baby ko pag galit."
.
.
"Che!!" Sigaw ko at umupo muna sa bench na nasa luob ng rink,
.
.
"Ikaw naman, nagjo-joke lang naman ako eh!" Sabi niya at umupo sa tabi ko,
.
.
"Didikit lang ba yang si Jae kay Bryle buong araw?" Tanong sa akin ni Thunder,
.
.
Tinignan ko si Bryle at Jae na kasalukuyang nasi-skate habang naka-link ang braso sa isat-isa.
.
.
"Paano kaya nakaka-skate yung babaeng yun ng meron hinahawakan yung braso?" Takang tanong ko,
.
.
"Siguro hindi niya first time kasi magaling siya eh." Sabi ni Thunder,
.
.
Tinaasan ko ng kilay si Thunder, "So sinasabi mo bang first time ko lang dito?"
.
.
He gave me a confused look, "Hindi ba?"
.
.
"Ahhh! nakakainis ka! Pangatlong beses ko na kaya rito!!!!" Sigaw ko sa kanya habang pinapalo ko siya gamit ng bag ko,
.
.
"Aray! Oo na! Sorry na!" Sigaw niya habang nagpipigil ng tawa kaya tumigil na ako,
.
.
"Have you seen Bree and Dale?" Tanong ko habang tumitingin-tingin sa paligid, kanina pa kasi kami nandito pero parang hindi ko makita si Bree,
.
.
"Oh! I forgot to tell you.. Diba kalat naman na sa buong tropa yung pagiging mag-M.U. Nilang dalawa?" Tumango ako sa sinabi niya, "Nag-suggest si Dale na pag-selosin nila ni Bree si Bryle para magkaroon ng lakas ng loob yung tao para lumayo kay Jae."
.
.
Tumango na lang ako sa sinabi niya. Pero amg gulo talaga nang dalawang yun. Kalat na ata sa buong tropa ni Thunder na M.U. Sila pero hindi alam ni Bree na may gusto sa kanya si Bryle, ganon din naman kay Bryle na hindi niya alam na may gusto sa kanya si Bree. Kagulo talaga ng dalawang yun, hindi ko sila gets!
.
.
"Ayun sila oh!" Biglang sabi ni Thunder at nakaturo sa isang gilid ng rink. Tinignan ko kung ano yung nandon at nakita ko doon si Bree pati si Dale na nagtatawanan habang nagii-skate. Galing mag-acting ng dalawang to.
.
.
Tinignan ko si Bryle na kasalukuyang tinititigan yung dalawa. I think any minute ay sasabog na yung lalakeng ito. Nakaramdam naman ako ng call of nature hindi tae pero ihi kaya nagpaalam ako kay Thunder at pumunta ako ng restroom.
.
.
Pagkatapos ko dun sa C.R. Ay maglalakad na sana ako papunta kay Thunder nang may biglang humablot sa braso ko. Tinignan ko kung sino yon at nanlaki ang mga mata ko nung nakilala ko siya,
.
.
"Shawn? What are you doing here?" Tanong ko sa kanya at tinanggal ang pagka-hawak ng kamay niya sa braso ko,
.
.
"D-Do you love Thunder?" Nagulat ako sa tanong niya pero bakit siya nauutal and why does he care, diba sabi niya na wala siyang pake sa akin?
.
.
"Of course. Bakit mo naman natanong?"
.
.
"C-Can we be friends again?" Tanong niya at yumuko,
.
.
I dont know what to say. Friends?! After ng harsh words na sinabi niya sa amin ni Bree? At kung naging friends pa kami ay hindi na mawawala yung feelings ko sa kanya, it's better to stay away from him kung hindi baka mas lalong lumalim ang feeling ko para sa kanya.
.
.
"Sorry, Shawn. I think that we should not pero tanungin mo si Bree, baka pumayag siya." Matigas kung sabi and I left him there dumdfounded,
.
.
Pumunta ako kay Thunder at umupo sa tabi niya. Hindi parin maalis sa utak ko yung mga sinabi ni Shawn sa akin kanina.
.
.
"Baby? Okay ka lang? Namumutla ka." Alalang tanong sa akin ni Thunder at hinawakan ang magkabilang pisnge ko,
.
.
Dapat kong sabihin sa kanya, right? And besides, napag-usapan namin na dapat honest kami sa isat-isa. Lalo na pag-nalaman kong wala na talaga akong feelings kay Shawn,
.
.
Tinignan ko ng deretso sa mata si Thunder, "I met Shawn earlier." Sabi ko,
.
.
"Shawn? What did he say?" Medyo may galit yung tono niya,
.
.
"He said that he wanted to be friends again." Lalo namang nagsikip yung paghinga ni Thunder,
.
.
"What did you say?" Tanong niya obviously anticipating my answer,
.
.
I gave him a reassuring look, "I said no." Sabi ko at ngitian ko siya,
.
.
Nginitian niya rin ako at nakahinga siya ng maluwag, "You made the right decision."
.
.
"I thought so too." Sabi ko naman.
.
.
"GUYS! Tara na! Pagod na kami rito habang kayo naglalandian!!" Napatingin kami ni Thunder kay Bree na hingal ng hingal, inaalalayan naman siya ni Dale. Kung hindi ko naman sila kilala ay iisipin kong mag-syota yung dalawang to.
.
.
Napansin ko naman si Bryle na may sobrang itim na aura at yung katabi niyang nakakasilaw ang aura. Siguro success yung plano ni Bree at Dale,
.
.
"Punta na tayo sa comedy bar?" Tanong ko sa kanila,
.
.
"Yeah. Dun narin tayo kumain!" Maligayang sabi ni Jae na naka-cling parin kay Bryle,
.
.
Pumunta kami sa comedy bar at nag-order na rin kami ng pizza. Magkatabi kami ni Thunder at naka-akbay siya sa akin. Magkatabi naman si Bree at Dale na hanggang ngayon ay nagtatawanan. Si Bryle naman annoyed na annoyed na sa katabi niya. Sino ba naman ang hindi maiinis eh parang may unggoy na naka-sabit sayo buong araw,
.
.
"Okay! For this part, we need an interview and kami ang mamimili ni Betty kung sino iyon!" Hirit ng baklang nasa-stage na komedyante na nangangalang Lafea at yung kasama naman niya ay si Betty so kung pinagsama mo ang pangalan ng dalawa ay Betty Lafea.
.
.
Umikot-ikot yung dalawang komedyante at naghahanap ng taong ii-interview at tumigil si Betty sa harap ng table namin. "Lafea! Dito oh!"
.
.
Lumapit naman si Lafea sa table namin, "Omg kuya! Ang gwapo mo naman!" Hirit nito at hinila patayo si Thunder.
.
.
"Si kuya gwapo na lang ang ii-interview natin!" Sigaw ni Betty at hinila papunta sa stage si Thunder.
.
.
"Goodluck." Sabi namin habang may nakakalokong ngiti sa mukha ko bago siya umalis.
.
.
He gave me a 'get-me-outta-this' look pero inilingan ko na lang siya. This is going to be so hilarious.
.
.
"Haaaay! Excited na ako!" Biglang sabi ni Dale,
.
.
"Feeling ko masaya ito." Sabi naman ni Bryle,
.
.
Pinaupo ng dalawang bakla si Thunder sa isang stool at binigyan siya ng mic at doon na nagsimula na interview.
.
.
"First things first! Ano kadalasan ang tinatanong natin sa mga lalakeng gwapo, Betty?" Panguna ni Lafea,
.
.
"Syempre Lafea, itatanong mo muna kung may girlfriend yung tao!"
.
.
"That's right Betty! So kuya, may girlfriend ka na ba?" Tanong ni Lafea kay Thunder,
.
.
"Yeah, I have a girlfriend." Sagot ni Thunder,
.
.
Bigla namang nag-iba yung aura ng dalawang bakla,
.
.
"Haaay. Sino ba yang girlfriend na yan! Sarap pektusan!" Nagtawanan naman ang lahat ng nandito dahil sa sinabi ni Betty pero ako lang ang hindi tumawa,
.
.
"Pektusan ko kaya yang pekeng boobs mo!" Pabulong kong sabi,
.
.
"So Kuya pogi.. Ano pong name niyo?" Tanong ni Lafea,
.
.
"My name's Thunder." Tipid na sagot ni Thunder,
.
.
"WOOOAAAAH!!! THUNDER! Baka kidlatin mo kami kuya ha!" Nagtawanan kami lahat sa sinabi ni Lafea, napangiti naman si Thunder,
.
.
"So.. Paano kung may ka-love rival ka, anong gagawin mo?" Tanong naman ni Lafea, parang excited ako sa magiging sagot ni Thunder,
.
.
"Then.. I will do everything to keep my girl mine." Tumingin sa akin si Thunder nung sinabi niya yon,
.
.
"Wow.. Kuya ang sweet mo! Pwede ba tayong magkita bukas? You know get to know each other?" Bigla namang tumaas yung kilay ko sa sinabi ni Lafea. Wala hindi ko kaya,
.
.
"EH KUNG ILABAS KO KAYA YANG BALLOONS SA BRA MONG SUOT!!! KANINA KA PA DUMADAMOVES SA BOYFRIEND KO EH!!" Nanlaki ang mga mata nung bigla na lang akong tumayo at sumigaw. Lumapit ako sa mga bakla at naglabas ng ballpen at pinutok ko ang mga balloon sa dibdib nila,
.
.
*PUK!*
.
.
*PUK!*
.
.
*PUK!*
.
.
*PUK!*
.
.
Then it hit me.
.
.
Lahat ng tao nakatingin sa akin. Yung mga kasama ko sa table nagpipigil ng tawa, si Thunder nakangiting nakakaloko tapos yung dalawang bakla iiyak na ata.
.
.
Please kill me now!
.
.
~~~~~~~~~~
.
.
Next Chapter:
.
.
💛Chapter 14 - Midnight Talk💛
BINABASA MO ANG
Forget Him In 5 Months
Fiksi Remaja"Give me 5 Months. To make you forget about him."