Napakabilis lumipas ng mga araw kay Athena at hindi namalayan na na ikalawang semester na ng kanilang pagpasok sa kolehiyo.
Nagkaroon ng school event, may team building ang Departamento ng kanilang Kolehiyo.
Magkakaroon daw sila ng camping sa bundok at lahat ng mga estudyante ay required na sumama.
Inimpake niya ang lahat ng kanyang mga gamit at tumawag sa kanyang mga magulang na nasa probinsya upang magpaalam na mayroon silang camping at agad namang pumayag ang mga ito na kanyang ipinagtaka.
Pagdating niya sa campsite ay nagipon ipon na doon ang mga estudyante at nagpaparegister ng matanaw niya si Trish. Agad naman itong lumapit ng mapansin siya nito.
"Athena kanina ka pa dito?"
"Hindi, kakarating ko lang din."
Agad na nagparehistro ang dalawasa registration at pagkalipas ng ilang sandali ay tinawag ang bawat isa at iginuropo.
BINABASA MO ANG
My Fair Lady
RomantizmAthena Silva description No Boyfriend since Birth, manang, probinsiyana, conservative, clumsy at reyna ng sablay meets the campus hearthrob na suplado at woman hater. Ano kaya ang mangyayari?