Isang linggong nagkulong sa kwarto si Athena hindi siya natanggap ng bisita o ni hindi man lang niya kayang hawakan ang cellphone at may isang timbang luha na ata ang naiiyak niya.
" Sabi nila follow your heart daw but how can you follow your if it is broken into million pieces, what piece of my heart will i follow", sabi niya sa sarili. At paulit ulit niyang naalaa ang magaganda nilang pinagsamahan ni Ace at bigla ding babalik sa gunita niya ang nagyari sa victory party.
Habang nagmumukmok sa kwarto kumatok ng malakas si Margie.
"Mam Athena nasusunog daw ang mansion nyo sa Batangas!!!", sabi ni Margie na nagpapanic pa.
Biglang natauhan si Athena at dali daling lumabas sa kwarto. Binuksan niya ang cellphone niya dahil pinatay niya iyon at maraming miscall doon ang kapatid at mga magulang nya at ilan pang partikular na tao sa kanya.
Sumakay agad siya sa kotse at nagpahatid sa kanilang driver pauwi sa Batangas. Naapula na ang apoy ng dumating siya doon pero hindi na mapapakinabangan ang mansyon. Nang makita niya ang kapatid niyang si Arrianne ay iyak ito ng iyak.Mabuti na lamang at wala doon ang mga magulang nila dahil nagbabakasyon ang mga ito sa U.S. at napasok naman ang kapatid niya at kung sakaling nandoon ang mga ito ay nadamay pa sil sa sunog.
"Ate sunog na sunog na ang bahay natin", umiiyak na sabi ni Ariannne.
BINABASA MO ANG
My Fair Lady
RomansaAthena Silva description No Boyfriend since Birth, manang, probinsiyana, conservative, clumsy at reyna ng sablay meets the campus hearthrob na suplado at woman hater. Ano kaya ang mangyayari?