"Ano bayan napaka lampa mo talaga nadulas ka na naman,sabi ng bulto na nasa harap niya. Biglang pumasok sa isip niya kung sino iyon dahil sa pamilyar na tinig na iyon at agad siyang napalayo rito.

"Ikaw!!!, anong ginagawa mo rito?,tanong niya rito ng may kataasang boses dahil sa pagkapahiya.
"Ikaw bat ka ba nandito?",tanong nito sa kanya.
"Teka,teka diba ako ang unang nagtanong kaya ikaw ang unang sumagot, sabi niya dito ngunit tinawanan lamang siya nito.
Biglang pumasok si Solenn at babatiin sana nito si Ace pero pinigil ito noon at kinindatan ang babae.
Ngumiti lamang ito at nagpaalam na aalis ulit upang kuhanin ang towel niya.
Nang makalabas ito nakangiting hinarap siya ni Ace.
"Oo,bakit masama bang magpaturo",sabi niya rito.
"Naku!hindi ka matututo kahit sino pang pinakamagaling dyan ang magturo sayo wala ka ng pag-asa tiyak magbubuhol buhol lang ang paa mo at madadapa ka na naman",pang-aasar nito sa kanya.
"Aba! Sobra ka na ha ,para sabihin ko sayo natututo na ako no!",sabi niya rito ng may pagmamalaki.
"Maniwala ako sayo,nagyayabang ka lang para hindi ka mapahiya kasi kahit tinuturuan ka nila kanina pa eh hindi ka parin natuto",sabi nito sa kanya.
"Bakit kaya nito alam na medyo nahirapan ako sa pagsasayaw kanina ,baka kanina pa ito rito ,eh! hindi baka hula lang niya para maasar niya ako",sabi niya sa isip niya.
"Hindi ako nagsisinungaling sayo ano kala mo kung sino ka diyan kung makapagsalita",pagtatanggol niya sa sarili.
"Sige,nga patunayan mo nga",sabi nito sa kanya. #Ace
Hindi siya makagalaw kasi naiimagine na niya kung paano niya idedemo dito ang sayaw na tango ng magisa sa medyo sablay pang tulad niya.#Athena
"Ano bat naestatwa ka dyan ,wala ka pala puro salita ka lang pala",sabi nito sa kanya.
Sa pagkainis niya rito kinuha niya ang kamay nito at pinulupot sa baywang niya at ang kabilang kamay niya isanalikop niya sa kamay nito.
Napatitig ito sa kanya at ito naman ang hindi makagalaw .
"Ano ?!, ito na! idedemo ko na sayo",sabi niya.
Bigla itong nakahuma at walang imik ay isinayaw siya nito nakatitig ito ng matiim sa kanya at kahit hindi niya alam ang mga steps ay nadala siya nito dahil aminado siya magaling itong magsayaw at sinumang hindi marunong sumayaw ay matututo sa kanya.
Iniikot siya nito at parang papel na nakarolyo . Pagkatapos ay inihiga siya sa ere habang nakapalupot sa baywang niya ng mga braso nito at sandali silang nasa ganung katayuan at bigla siya nitong iniikot pabalik at pagkatapos ay inihiga siya sa ere gamit ang nakapulupot nitong braso sa baywang niya at nanatili silang nakatitig sa isat isa.
BINABASA MO ANG
My Fair Lady
RomanceAthena Silva description No Boyfriend since Birth, manang, probinsiyana, conservative, clumsy at reyna ng sablay meets the campus hearthrob na suplado at woman hater. Ano kaya ang mangyayari?