CHAPTER 1

63 4 4
                                        


Napabangon siya ng maintindihan ang unang salita na narinig niya at pagtingin niya sa bintana ay maliwanag na.

"Naku lagot ako Arianne anong oras na, bakit hindi tumunog ang alarm clock ko, sira na ata to?"aligagang tanong niya.

"Naku lagot ako Arianne anong oras na, bakit hindi tumunog ang alarm clock ko, sira na ata to?"aligagang tanong niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




"Mag seseven thirty na Ate"mabilis na sagot ni Arianne.Hindi magkaugaga sa pagtakbo sa banyo si Athena pero bigla siyang napaisip na Linggo pa lang .




Halos hindi makahinga sa pagtawa ang nakababatang kapatid niyang si Arianne ng makita ito paglabas mg banyo.

"Hoy!Arianne bakit mo naman ako niloko halos madulas ako sa pagtakbo sa banyo".

"Eh,paano kasi"halos kapusin sa paghinga at natatawa pang sabi ni Arianne at saka huminga ng malalim.

"Kasi naman Ate nagsasalita ka habang natutulog tapos di kita magising kaya niloko kita kasi di ko alam kung paano kita gigisingin eh sabi mo pa nga oo, you're! so handsome, pakiss", sabi nito na halos kinakapos pa ng hininga sa pangaasar.

"Paano kung nadulas ako at nadisgrasya naku Arianne ikaw talaga",sabi nito ng may pagkairita.

"Peace na tayo ate,''kailangan ko lang kasing humingi ng pera sayo kasi aalis ako gayon", pagpapaliwanag nito.

"Saan ka pupunta aber!, dudang tanong ni Athena

"Kasama ko sina Charity at Megan pupunta kami sa School na papasukan namin just to complete the needed requirements this coming enrollment", pagpapaliwanag nito.

"Aba! Mukhang hindi mo pinagisipang mabuti ang dahilan mo ah! but miss Silva do you think it's too early, you have a long day to go there aside from the fact that you just mentioned before that today is Sunday . I smell something fishy", pag-iinteroga niya sa kapatid.

"Okay ! Ate you win mag-mamalling kami but before going to the mall we will go to my friend's house muna", pagpapaliwanag ni Arrianne.

Please! Ate penge na akong pera I have to go",pagmamakaawa pa nito.

Tinitigan muna ni Athena ito ng ilang minuto at nagkunwaring nag-iisip.


"Okay! Sige na nga at super kulit mo", pagkasabi noon ay lumapit ito sa tabi ng cabinet at kinuha ang nakasabit na susi sa kanan ay naroon ang kanyang study table at ipinasok niya ang pinakamaliit na susi sa pinakamalaking drawer ng kanyang study table.

Pagkahigit ay kinuha nya ang pink niyang wallet at humugot ng isang libo at iniabot sa kapatid niya. "Oh! ,yan tipirin mo ang perang yan alam mo namang wala sina Mommy at Daddy at iniwan lang nila tayo ng pera para sa mga panggastos natin",mahabang paliwanag nito.

"Ate dagadagan mo pa please paano kung may makita akong magandang shoes ano kaya yun window shopping!, pagmamaktol ni Arianne.

"Hay! Naku Arianne kaya di ka pinagkakatiwalaan ng parents natin pagdating sa pagbubudget ng pera napakagastador mo naman kasi ,I know our parents will provide our needs pero matuto kang magtipid para if anything happens your'e ready. Sabi nga sa kasabihan kapag may itinanim may aanihin", mahabang paliwanag ni Athena.

My Fair LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon