Natapos na ang klase nila at napansin niyang medyo dumidilim na.
Nakita niyang nakatingin si Ace pero bigla itong tumalikod at nagmamadaling lumabas ng silid,naunang lumabas ito sa kanya kaya lumabas na rin siya,nalulungkot siya kasi hindi niya kasabay si Trish dahil kanina pang alas dos ang huling klase nito at ito ay pang Martes at Huwebes sa klaseng iyon at nalulungkot din siya na hindi man lang siya inintay ni Ace .
Hindi naman siya umaasa na magiging sobrang lapit sila sa isa't isa pero hindi man lang siya pinansin nito kahit magkatabi lang naman sila sa klase kanina.Naroon na siya sa lugar kung saan parati siyang sinusundo ng kanilang driver pero wala parin ito.
May lumapit sa kanya "Hi, miss gusto mo bang sumabay sa akin",sabi ng lalaking katabi niya sa klase niya kanina.
Hindi niya gusto ang lalaking iyon kanina pa niya napapansin sa kanilang klase na tingin ito ng tingin sa kanya sa halip na makinig sa instructor nila.Hindi naman ito kaitsurahan at may hikaw pa sa tenga nito.
Maiitim din ang labi nito ,palatandaan na malakas itong manigarilyo.
BINABASA MO ANG
My Fair Lady
RomanceAthena Silva description No Boyfriend since Birth, manang, probinsiyana, conservative, clumsy at reyna ng sablay meets the campus hearthrob na suplado at woman hater. Ano kaya ang mangyayari?