Chapter 1 (On Duty)

16 0 0
                                    

Francis ' POV

So what's new? Heto na naman ako naghihintay sa paglabas ni girlfriend. I've been doing this for almost 4 years.Walang mintis! Umulan at bumagyo ayos lang! Sya kase yung tipo ng babae na kelangan araw araw mong ligawan! Araw araw mong pakikiligin at araw araw mong ipapaalala kung gano mo sya kamahal. Minsan dumarating din yung "pagod factor" not literally pagod pero yung gusto mo minsan sya naman.Haha kapag ganun ipapaalala ko lang sa sarili ko yung lagi nyang sinasabi sakin " ako yung minahal mo kaya wag kang magrereklamo sakin!" Iba talaga pag henyo ang mahal mo wala kang lusot! Kanina pa ko dito sa kotse pero wala pa rin sya. Well,konting minuto na lang at labas na yun mag aalasais na kase.

Yung lalaking pogi (sabi nila) pero hindi babaero at yung lalaking naghihintay sa girlfriend sa kabilang kalsada, ako nga pala yun si Francis. Yan ang tawag nila sakin mula sa hinaba haba ng pangalan kong Francis Ezekiel Escudero III, hindi ako si Chiz Escudero, "Francis Joseph Escudero yun at di ko sya
kamag anak.Nagmula ako sa lahi ng mommy at daddy ko. Nung kinasal sila nagkita ang sperm at egg cell nila kaya ayun matapos ang 9 na buwan lumabas ako at nagsimula ang alamat ng pogi. Minsan nakakasawa rin pero wala nasa lahi talaga haha. (hambog)

Seryosong usapan at walang paligoy ligoy, mula ako sa pribadong pamilya na labis sa sapat ang pamumuhay, sa madaling salita mayaman pero i dont think that way para naman kasing mayabang ang dating. Sa sobrang yaman halos bumili na kami ng kanya kanyang mundo hahaha bihira kase kaming magkarmagkaroon ng oras sa isat isa. However, yung values na dapat matutunan sa pamilya na instill naman sakin at sa kapatid ko. May ari kami ng isang malaking kompanya na nagbbase sa Dubai, ang Dubai Associates.

Hindi ako yung tipikal na lalaki, ahead ako mag isip. Im always seeking for good in the future. Seryoso pero mabiro. I never make a promise i dont intend to keep. Im in my 20's. 22 to be exact.Sabi nila ideal man daw ako. May hitsura,may pangarap at may plano sa buhay. Pero katulad rin ako ng iba, napagdaan ko rin na magkaroon ng konting kalokohan sa katawan.

Kahihintay ko sa princesa ko di ko na namalayan na napaidlip na pala ako. Ginising lang ako ng isang malamig at mejo basang dumampi sa aking ilong. Yie ha! ANg halik ng aking princesa. Tila yata nag mala snow white ako este snowman "natanging halik ng tunay na pag ibig lang ang makakagising! "

Napatulala na naman ako sa simple nyang ganda.

"Babs! Kanina ka pa? " sabay bukas ng pinto.

"Oo nakita ko nga kung pano tumulo ang laway mo eh hahaha! Inamoy ko na din hininga mo amoy sama ng loob haha! Nagtoothbrush ka ba? Haha"

"Ano ka ba pleasure mo yun na makita ang isang hearthrob na kagaya kong nagmemeditate hahah isa pa nagtoothbrush ako kahapon! "

"huh?! Kahapon pa? Kadiri to! "

Mmmwaaahh! Sabay halik ko sa pisngi nya. " oo kahapon masama naman kase pag sobra! Hahaha! Pero inafairness sayo babs nagpahalik ka ahh! Yiee gusto mo pa rin maka chansing ng halik sakin ahh! "

Habang nasa byahe kame para ihatid sya sa bahay nila sa Taguig,ipinatong ni Cess ang ulo nya sa balikat ko .sabay hawak sa braso ko habang ako naman nakatingin at focus sa daan. Ganun talaga yun clingy. Patay na patay sakin haha :D

"so how's my girl? " sabi ko.

"ok naman"

"pagod? "

"konti"

"Mawawal rin yan,kasama mo na ko oh"

"Kapal neto! "

"Seryoso, Cess, bukod sa gandang lalaki ko ahh iset aside na natin yung katotohanang patay na patag ka talaga sakin, ano pang namiss mo sakin kanina? "

"Ang yabang mo talaga! Feeling mo! Haaha kung alam ko lang, nangupas na picture ko sa wallet mo kahahalik mo! "

"Naks! Lakas ahh! Wala kaya! Isa pa bakit ko naman gagawin yun?! Baduy! "

"Ahh ok."

" Uy tampo na naman ang bata. Biro lang im just trying to light you up. Alam mo naman na ako ang dead na dead sayo di ba? I Love you! "

"Mukha mo! "


Mr. DreamboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon