"Pare! Di mo kame binigo ngayon ahh! Akala namin habang buhay ka ng drawing!!" sigaw ni Rico.
Sya nga pala ang dakilang chickboy sa barkada namin. Yung easy go lucky lang sa buhay at isang flight attendant.
"pasensya na kayo guys, alam nyo naman hearthrob!" pakikisakay ko.
"kamusta na nga pala?" sabay abot ni Jay sa kamao ko. Eto naman ang pinaka sa grupo. Madrama kausap pero may sense. Mula sa maimpluwensyang pamilya sa pulitika kaya bentahe sa mga babae ang dila nito.
"okay naman okay,kayo ba?tagal na rin nga nating di nakakapagjam! Sabay kuha ko sa isang beer.
Mula college magkakasama na kami kaya sobrang magaan na ang loob ng isa't isa. Alam na rin namin kung pano pakikisamahan ang bawat isa.
Blik kami sa dating tambayan. Doon sa isang lugar na bakanteng damuhan.Medyo malayo sa kabayanan. Nakatingin lang kamj sa mga bituin. Iinom. Usap. Mas magaan ang pakiramdam kung ganito. Tahimik at simple lang.
Marami na din kaming naiinom. Medyo may tama na rin ang bawat isa. Alauna na pala ng umaga.
"pare, una na ko, may flight pa kami eh" sabat ni Rico.
"wow ahh di kami sanay na sinasabi mo yan!" imik ng isa.
"Priorities yan!Priorities!" sagot nya.sabay bukas sa pinto ng kotse at binuhay ang makina nito.
"pare aalis na rin ako may kampanya kami mamaya ng daddy ko sa bukid" paalam ni jay.
"oo na lumayas ka na" pagtataboy ko.
Ayun, yayakagin nila ako tapos iiwan mag isa. Iba na talaga. Nagmatured din naman sila ngayon nakakatuwa.
Nahiga ako sa damuhan. Nakatitig ako sa langit. Iniisip ko pa rin ang nangyari nung isang araw.
Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung gusto ko sya o dahil natutuwa lang akong kasama sya.
"Am I ready?" tanong ko sa isip ko.
"pano kung di nya ko gusto?"
"pano kung gusto ko lang syang kasama?"
"pano kung di magwork?"
"pano kung di nya ako type?"
"pano kung crush ko lang sya?"
---_--------
"Lord akin na lang sya!!!!!" sigaw ko sa kalawakan dahil ako lang naman ang tao sa paligid.
Madilim ang paligid tanging ilaw lang ng sasakyan ko ang nagbibigay liwanag.
Isang kaluskos ang naririnig ko. Galaw na tila ba misteryo at ayaw pakita sa tao.
Naalala ko kwento dito sa tambayan naming ito. May pinatay at pinagsamantalahang babae.
Sheettt nanginginig ang mga tuhod ko at parang nababahag ang buntot ko.
Gggggrrrrrrr " pls. Di na po ako sisigaw"
"tabi tabi po. Wag sana manununo"
"sorry kung nagambala ka sa pagsigaw ko pls wag mo ko takutin mamatay ako ng maaga!"
Takot talaga ako sa multo. Isang matikas na binata natakot sa multo...
Tatakbo na ko sa sasakyan sa sobrang kaba. Di ko alam kung ano ba yung mga narinig ko sa labas.
"awwwoooowwww waaahhhhh!!!" isang sigaw na panggulat ang bumungad sakin pag upo ko sa loob.
" wwwaaahhhh!! Tang ina mo!! Hayop ka! Mamatay ka na with feelings!" sigaw ko.
Lintik na si Kenzo pala. Ang senti at pinaka matino sa grupo namin.
"hahaha hanggang ngayon pare! Tinubuan na ng bulb*l yang itlog mo duwag ka pa rin sa multo!" asar nito.
" tang ina you!!di ako takot akala ko lang may magnanakaw!"
"palusot ka pa, may pasabi sabi ka pang tabi tabi po " may halong pang asar na mukha.
"maiba tayo, kanina ka pa?"
"oo, pre. Kausap ko lang si zugar kanina kaya kelangan tahimik"
" aba tibay ng ginait mong gayuma dun ahh!"
"d nya daw kase kayang mawala ako eh haha"
"bakit asayo ba pagkain nya?hahaha"
"ikaw pare?meron na ba ulit?"
"wala, pass muna ko jan"
"asus."
Kkkrrrrrrrriiiiiinnnnnnnnngggggg...
"wait pre si zugar!"
Lumabas ang mokong sa sasakyan para kausapin ang long term girlfriend nito. College pa kami sila na pero klaseng di pa naiisipang mag asawa.
Di ko nab intensyong makinig pero pinakinggan ko na rin ang usapan ng dalawa.
"zugar, napatawag ka?"
"wala namimiss lang kita."
"babe di ba andito ka na next week? Smile ka na i love you!"
"namimiss na kita sa tabi ko"
"Labas ka."
"ayoko wala ka naman ee"
"basta labas ka!"
"oh sa labas na"
" Tingin ka sa langit"
"nakatingin na "
"ano nakikita mo?"
"bituin at buwan"
"oh ayan din ang nakikita ko tuwing gabi na naiisip at namimiss kita. alam kong nasa iisang mundo parin tayo na may iisang langit.Di ko man mahawakan ang kamay mo ang mahalaga nasayo ang puso at isip ko."
"huhuhu pinapaiyak mo naman ako eee"
"hindi, matulog ka na babe."
"ok po goodmornight :* hugs and kisses.
toooootttttttt
"iba talaga ang words of wisdom mo pare!"
"sadyang ganyan Francis kelangan mo silang kilitiin ng konti!"
"Asan ba sya?"
"Cagayan sila ngayon dumating kasi tita nya for vacation."
"ahh i see"
"ikaw, pre sino ba yung hinihiling mo kay Lord kanina?"
"ahh yun? Wala yun!"
"wew, pa emo ka pa kanina!"
" alam pre, di mo naman dapat pinoproblema mga chikababes kase sula mismo lumalapit sayo eh"
"nu ka ba! Iba to. Iba sya!"
"gusto mo ba?"
"ewan"
"Mahal mo na?"
"ewan""Naiisip mo lagi?"
"madalas"
"Masaya ka sa kanya?"
"sobra"
"komportable ka"
"101%"
"gusto mo laging kasama?""kung pwedeng nga na sya na lang trabahuhin ko eh"
"para syang tae pare ehh,"
"anong ibig sabihin mo Francis?"
"parang anghirap at di ko naiisip na paglaruan"
"oh e di mahal mo nga!"
"di ba pwede crush lang muna?"
"hayop ka! Sa edad mong yan di na uso ang crush!"
"i just want to see her happy"
"mahal mo nga kasi! Kaya kung ako sayo! LIGAWAN MO NA!"
BINABASA MO ANG
Mr. Dreamboy
RomancePag ibig na di inakala. Pano kapag bumalik ang dating mahal mo pero may gusto ka ng iba? Pano kung yung gusto mo ay nanatili sa nakaraan nya?